Kabanata 6

1610 Words
“Alexia, saan ka pupunta?” tanong agad sa akin ni Ryder nang makita ako sa b****a ng pinto. Pupungas pungas pa ito dahil kagagaling niya lamang sa tulog at literal na kagigising niya lang. Napatingin ako sa ibaba at nagkunwari na inaayos ang suot na sapatos. “Ah, may pupuntahan lang ako sa opisina, uuwi agad ako,” sagot ko rito habang pilit pa rin na hindi itinatama sa kaniya ang paningin. “Sa opisina? Eh ‘di ba day-off mo?” tanong nito. “Huh? Oo nga, eh may emergency eh. Ma – may bisita sila na dumating ngayon kaya kailangan kong pumunta,” sagot ko rito habang nagmamadaling isinuot ang sapatos. Napakunot ito ng noo na para bang hindi pa rin siya kumbinsido. “Oh siya, aalis na ako. Pasabi na lang rin kay tito. Ba-bye!” malakas na sigaw ko saka mabilis na tumakbo. “Wait! Hatid na kita!” malakas na sigaw sa akin nito ngunit hindi na ako nag-abala pa na lumingon sa kaniya bagkus ay ikinaway ko na lamang ang kamay ko saka malakas na sumigaw. “No need! Mag-commute na lang ako!” malakas na sagot ko rito hanggang sa tuluyan na akong nakaalis sa paningin nito. Nang makalabas na ako sa gate namin ay sandali akong napahinto habang nakahawak sa tuhod ko. Agad ring sumalubong sa akin ang malakas na hangin na tumangay sa buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Napahawak naman ako sa braso ko nang maramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa lamig. Kinuha ko ang telepono na nasa bulsa ko. Haist, alas-sais pa nga lang talaga. Sandali pa akong naghabol ng hininga hanggang sa dahan-dahan na ulit akong naglakad. Hindi na rin naman nagtagal ay may dumaan na rin na sasakyan kaya agad akong pumara rito. Ilang minuto lamang ang itinagal ko sa pagbiyahe hanggang sa huminto na ang sinasakyan kong taxi kasabay ng pag-abot ko ng bayad dito. Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang suot na mini dress saka isinuot ang itim na eyeglasses. Malalim muna akong napabuntong hininga saka tuluyan ng bumaba. Katapat lamang ng sinakyan ko ang isang cafe kung saan kami magkikita ng kasama ko. Tiningnan ko ang loob ng cafe at dahil salamin lamang ang harang rito ay kitang kita ko ang kaunting tao sa loob. Muli kong tiningnan ang telepono at wala pa rin akong nakikita na anumang mensahe mula sa kaniya. Agad akong nagtipa sa telepono upang tanungin kung nasaan na ito. Ilang segundo lamang ay mabilis rin itong sumagot na papunta na siya. Napailing na lamang ako saka nauna nang pumasok sa loob kasabay naman ng tuluyang pag-alis ng taxi sa likuran ko. Sigurado akong nakahiga pa iyon ngayon at kung hindi pa ako nag-text ay hindi pa iyon tatayo. O baka naman kasi ay masyado talagang maaga ang tawag ko sa kaniya at biglaan pa. Lalo pa at katulad ni Ryder ay day-off niya rin ngayong araw. Umupo na lamang ako sa bandang dulo ng cafe at pasimpleng tinitingnan ang mga taong pumapasok sa loob. Hindi ko alam ngunit bigla akong na-conscious. Ako lang kasi ang nasa bandang dulo ng cafe kaya naman nagmumukha akong kahina-hinala. Kaya rin siguro sa akin tumitingin ang mga taong dumadaan papunta sa counter. Haist! Napatungo na lamang ako sa mesa at pilit na itinatago ang mukha. Nasaan na ba kasi siya? Bilisan mo na JM!! Ilang saglit pa ay biglang may kumalabit sa bandang tagiliran ko dahilan para mapatingin ako rito habang pinipigilan ang kiliti na naramdaman ko. ‘Ay peste ka!” sambit ko rito sabay hawak sa tagiliran ko. Mukhang nagulat naman ito habang nanlalaki ang mga mata. Unti-unti ko siyang pinanliitan ng mata. “Bakit ngayon ka lang?” nakanguso kong tanong rito. Agad namang nanliit ang tsinito nitong mata saka napahawak sa batok ang kanang kamay. “Ay, hehe sorry. Napalakas ang inom ko kagabi kaya tinanghali ng gising hehe,” nahihiyang sagot nito saka umupo sa kaharap ko na upuan. Tanging mesa na walang laman lamang ang namamagitan sa aming dalawa kaya naman kitang kita ko ang isang kamay nito na nasa loob ng kaniyang suot na jacket. Maya-maya pa ay napatingin ito sa akin saka seryosong tumingin. “I have this document sa flashdrive ko and I just printed them out kagabi nung sinabi mo sa akin na needed mo. I don’t know why you still need them, like hindi naman confirm na sila nga ay connected sa kr-” “Just give it to me, JM,” sagot ko rito. Agad itong natigilan sa pagsasalita saka napabuntong hininga na inabot sa akin ang isang envelope. Wala akong pakialam kung nakumpirma na ba nila at kung hindi pa ay ako mismo ang magpapatunay nito. Nang malaman ko ang balita tungkol sa pagkakadawit ng pamilyang Pascal sa nakaraang krimen ay hindi na ako nagdalawang isip na tawagan si JM. Kaibigan siya ni Ryder at dahil alam kong hindi niya ako mahihindian ay naglakas loob na ako na tanungin ito tungkol sa nasabing krimen. Hindi niya alam na ang pamilyang Pascal ang matagal ko ng kinamumuhian at ginugustong paghigantihan. Tinanong ko siya kung may alam ba siya tungkol sa krimen kamakailan lamang at sa kabutihang palad ay siya ang may hawak ng kaso ng namatay. Hindi naman na siya nagtanong pa sa akin at pumayag na makipagkita sa akin ngayon. Agad kong binuksan ang envelope na ibinigay nito at bumungad sa akin ang larawan ng isang lalaki na nakahiga sa sahig habang binabalot ng dugo ang kabuuan ng katawan nito. “Alexia, may tanong pala ako. Magkaibigan naman kayo ni Ryder ‘di ba? Nag-away ba kayo?” tanong nito sa akin. “Huh? Oo, pero hindi kami nag-away,” sagot ko rito habang nasa binabasang papel pa rin ang paningin. “Ah, eh…” parang nahihiya na sambit nito habang hindi makatingin sa akin. Pasulyap-sulyap lamang ito sa akin at dahil kita ko siya sa gilid ng mga mata ko ay hindi na ako nakatiis na humarap rito. “Bakit ba?” tanong ko rito. “Ha-huh? Ah, eh kasi. Kung magkaibigan naman kayo ni Ryder bakit hindi ka sa kaniya humingi ng tu- tulong? I- I mean, pwede naman sa akin pero syempre nasa isang bahay lang kayo kaya mas mabilis mong matatanong sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito,” sambit niya na para bang nag-aalala na baka masamain ko ang sinabi niya. Napayuko na lamang ako at ibinalik ang paningin sa hawak. “AH- eh, I mean ayos rin naman na sa akin noh! Mas gusto ko rin naman na sa akin ka humingi ng tulong syempre. Kahit anong ginagawa ko, ipagpapaliban ko para puntahan ka,” biglang sagot nito. “Ah, I-I mean ano, I’m happy to help naman eh,” biglang bawi nito na para bang nahihiya sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang itsura nito ngayon dahil nga sa nakayuko na ako ngunit sigurado ako na namumula na ito sa hiya. “No need, tama ka naman eh, dapat si Ryder na lang ang tinanong ko kaysa sa’yo. Pero alam ko na hindi niya rin ako tutulungan,” sagot ko rito. Sa oras kasi na malaman niya na itutuloy ko pa rin ang paghihiganti ko ay sigurado akong hindi niya ako papayagan at mas malala ay kung babantayan na niya ang galaw ko. Isang beses ko nang na sabi sa kaniya ang tungkol sa balak kong paghihiganti pero malakas na sampal ang inabot ko. Flashback: “Gusto kong ipaghiganti sina Mommy! Si Daddy! Hindi nila deserve ng mamatay sa kamay ng isang bata na ilang taon lang ang tanda sa akin. Lahat sila, papatayin ko silang lahat!” malakas na sigaw ko kay Ryder ngunit nagulat na lamang ako ng isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko. “Nahihibang ka na ba? Gusto mo bang mamatay huh? Kung wala ka ng rason para mabuhay, then take me. Let me be the reason for you to live, Alexia. You don’t have to take revenge,” sambit nito sa akin. Ilang taong gulang pa lang ako noon at wala pang muwang sa mundo kundi ang hinanakit sa mga nangyari. Magpahanggang ngayon ay sigurado ako na pipigilan niya rin ako sa abot ng kaniyang makakaya kaya naman hindi pwedeng malaman niya ang tungkol dito. Isa pa ay ayaw ko rin naman na idamay pa sila dito lalo pa at malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Ryder. “Eh? Aba, loko ‘yun ah! Hindi ka niya tutulungan? Bakit naman? Si Ryder talaga, napakaswerte na nga, bobo pa rin. Pero di bale, nandito lang ako kung kailangan mo pa ng ibang impormasyon tungkol dyan,” sagot nito dahilan para lumingon ako rito. Malawak ang pagkakangiti nito kaya naman wala sa sariling napangiti na lang rin ako. Salamat JM, siya na lang talaga ang pag-asa ko lalo na at malaki ang maitutulong niya sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa pamilyang Pascal. “Salamat JM,” sinserong sambit ko dahilan para matigilan ito at agad na napaiwas ng tingin. “A-ano ka ba, a-ayos lang noh. Hindi ka naman na iba sa akin. Para ka ng bahagi ng pamilya namin,” nakangiting sambit nito. Ngumiti lang rin ako pabalik. “Basta kapag kailangan mo ng kahit ano pa ’yan. Pera, lovelife, at kahit anong impormasyon mula sa opisina na hindi kayang ibigay sayo ni Ryder, ibibigay ko lahat,” nakangiting sambit nito. “Anong klaseng impormasyon ang hindi ko kayang ibigay? Huh? JM?” rinig naming tinig mula sa likuran ko dahilan para manlaki ang mga mata namin ni JM. Shit, I know that voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD