Malaki pa rin ang ngisi ni Rafa nang tanggapin ang tawag ng isa sa pinakamalapit na tao sa buhay niya. "I mean... was." Bungad-pagbati niya kay Jiro. "Ano?!" Tila kulog na umaalingawngaw sa pandinig niya ang boses nito mula sa kabilang linya. Hindi man niya nakikita si Jiro ay batid n’ya ang kalituhan nito sa kanyang sinabi. Hindi man din sila magkaharap ay alam niyang nag-isang linya na ang kilay ng kaibigan. “Ginagago mo ba ako, Baez?!” Galit ang mababakas sa tinig nito. “Kate-text mo lang na nand’yan siya tapos—” "Kaaalis lang ni Carmela." Putol niya sa iba pa sanang sasabihin nito. “Ngayon-ngayon lang,” sabay kibit-balikat. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Pag-alma nito sa kabilang linya. "Hindi mo man lang din ipinaalam sa akin na magkikita kayo?" Ramdam niya ang pait at galit s

