"Noong magkita kami noon, mukha siyang miserable. Lutang. Natutulala. Nang mapag-usapan ka namin ay para siyang maiiyak. Mahal na mahal ka no'n sa kabila nang malaking issue na nangyari noon." Magtatanong sana siya tungkol sa sinabi nitong 'malaking issue' ng may pumutol sa kanilang pag-uusap. "Sir?" Parehas silang napalingon sa nagsalitang lalaki. "May tawag po kayo sa telepono mula sa main branch." "Okay." At nagpaalam ito sa kanya. Naiwang natitigilan pa si Carmela matapos magpaalam ni Rafa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang maproseso ng utak niya ang lahat ng mga pinagsasabi nito. At mas higit ding natuon ang isipan niya sa sinabi nito. Malaking issue raw na kinasangkutan ni Jiro. Naipilig ng dalaga ang kanyang ulo. Wala siyang maisip na kahit ano na kinasangkutan nito dah

