Inihimpil ni Carmela ang dalang motorsiklo sa itinurong espasyo sa kanya ng security guard ng beach resort and conference center. Matapos iyon ay agad na hinubad niya ang suot na itim na rayban at isinukbit iyon sa neckline ng suot niyang itim din na fitted sando. Inalis din niya ang pagkaka-ponytail ng medyo kulay brown na umaalon niyang buhok. Kinailangan lang niyang itali iyon kanina para walang sagabal sa kanyang pagmamaneho—bago saglit na pinasadahan ng tingin ang kinaroroonan. "Rafael Baez." Aniya sa babaeng receptionist na nakatoka sa oras na iyon. "Kayo ho ba si Ms. Carmela Garcia?" Nakangiting tanong nito. Napansin din niya ang pagkaaliw na nakaguhit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Yes." Sagot niyang nakangiti. Nang muling magsalita ito ay sinabi na nito kung saan

