Hindi matatawaran ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi habang nasa ilalim siya ng dutsa at nakasandal ang kanyang likod sa malamig na dingding ng shower room. Nakapikit ang kanyang mga mata at naglalaro sa kanyang balintataw ang mga sandaling kapiling niya si Carmela. Ang mga ngiti nitong tumutunaw sa kanyang puso't nagpapalambot sa kanyang mga tuhod. Ang mga tawa nitong tila musika sa kanyang pandinig. Ang boses nitong kinasabikan niyang madinig muli makalipas ang sampong taon. Ang malambing na pagbigkas nito sa kanyang pangalan sa tuwina. Matagal na panahon ang hinintay niya bago dumating ang araw na ito—at hindi siya nabigo. Na kahit wala naman siyang pinanghawakang pangako mula rito ay naghintay pa rin siya. Na kahit walang kasiguraduhan ang lahat, na baka pagkabigo lang ang

