KABANATA 67

1936 Words

Buong maghapon na naghintay si Carmela kay Jiro pero hindi nito tinupad ang sinabi nito sa notes na 'see you later'. Dahil walang Jiro na dumating ng hapong iyon hanggang sa gumabi. Naghanda pa man din siya ng isang masarap na hapunan sa pagbabaka-sakaling susulpot itong muli sa bahay niya pero siya rin ang mag-isang kumain ng niluto niya. Parang maiiyak siya kanina habang mag-isang kumakain. Umasam siya na tutupad ito sa sinabi nito pero hindi naman nangyari. Lumalim na lahat-lahat ang gabi at naghintay siya na may pumindot ng doorbell at si Jiro ang mapagbubuksan niya ng gate. Pero ganoon pa rin, walang Jiro na dumating hanggang sa nakatulugan na niya ang paghihintay rito na may luha sa mga mata. Iyon din ang pangalawang beses na hindi ito tumupad sa sinabi nito. Ang una ay nangyari n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD