Animo'y naglalakad sa kawalan si Carmela habang tinatahak niya ang daan papuntang comfort room sa tabi ng kanilang unit. Naririnig niya ang bulyawan ng dalawang taong malapit sa kanyang puso pero wala siyang balak na kumpirmahing tama nga si Luigi sa hinala nito. Parang wala siyang lakas ng loob na isiwalat ang literal na panggagago sa kanya ni Jiro. Kung paano siya pinagtaksilan nito. Kung paano tila sabik nitong halikan si Ciarra. Kung paanong humawak ang kamay nito sa makinis at bilugang hita ng babae. Parang hindi niya kayang isumbong si Jiro sa mga ka-buddy niya kahit nasasaktan na siya at sinaktan siyang lubos nito. Parang hindi niya kayang ipaalam sa mga ito ang nasilayan niya kaninang madaling-araw dahil hindi niya makayang malaman at maisip na pagtutulungang bugbugin ng mga ito

