KABANATA 50

1193 Words

"O ano, nahimasmasan ka na ba?" Narinig niyang tanong ni Rina matapos nitong ilapag sa katabi niyang mesa ang tinimplang kape para sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Tulala pa rin siya hanggang sa mga sandaling iyon. Kagigising lang niya at 9:30 na raw ng umaga ng wala sa sariling tanungin niya ito tungkol sa oras. Ni hindi man lang niya nagawang magsuklay. Sabog-sabog na ang buhok niya mula sa pagkaka-bun no'n at nagmukha na rin siyang bruha. Suot pa rin niya hanggang ngayon 'yong suot niya kahapon. "May problema ba tayo, Carm?" Usisa ni Manuel na siyang nakatayo sa harapan niya. Maaga rin itong nagising mula sa maikling tulog sa hindi nito malamang dahilan. 'Tulad ni Luigi ay naka-topless din ito habang humihigop sa tinimplang kape at nakapamaywang ang isang kamay. Sa isang tabi naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD