"Nandito ka lang pala." Narinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses. Wala na siyang pakialam pa kung malaman man nito ang kanyang pag-iyak. Hindi na talaga niya kaya. Hinding-hindi na talaga niya kaya 'yong sakit. Ang sakit-sakit. Hindi niya alam kung paano aalisin ang mga aspileng patuloy na tumutusok sa puso niya at paulit-ulit na bumabaon doon. Humagulgol na talaga siya ng todo. Isang bagay na kanina pa niya gustong gawin na ayaw niyang makita at marinig ng mga kasama sa barracks. Kaya naman nang maramdaman niyang mabilis na nakatulog ang mga kasama dulot ng sobrang pagod ay saka siya nagpasyang lumabas at nagtungo sa open field ng mag-isa. Wala na rin siyang pakialam pa kung makita ni Rina ang paghihirap niya. Saglit na tiningala niya ang ka-buddy na nakatunghay sa kanya sa may

