KABANATA 48

1221 Words

Muli niyang tinawag ang pangalan nito subalit mukhang hindi siya naririnig kahit naibaba na ang hawak na cellphone. Hudyat na tapos na itong makipag-usap sa katawagan. Kasalukuyang nasa gitnang bahagi na siya ng soccer field habang ito naman ay paakyat na sa konkretong daan. Ang bawat hakbang na ginagawa nito ay punung-puno ng pagmamadali. Animo'y okupado ng kung ano'ng bagay ang isipan ng nobyo na ni hindi man lang nito nararamdaman ang kanyang presensya. Hingal na hingal na siya. Idagdag pa ang pagod na nararamdaman sa mga sandaling iyon dahil sa labis na kakulangan ng tulog—ikatatlong gabi ngayon. Ang totoo rin ay antok na antok na siya. Saan ba ang tungo nito at ni hindi man lang siya naririnig at pagkaabalahang lingonin? Bakit ni hindi man lang din nito nagawang magpaalam sa kanya

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD