Awang ang labi at bahagya pa ring namumungay ang mga mata na sinundan niya ng tingin si Jiro nang umangat ito mula sa pagitan ng mga hita niya. Hanggang ngayo'y tumataas-baba pa rin ang kanyang dibdib mula sa intensidad na pinadama nito kanina bagama't nasa paghupa na ngayon. Magkahinang pa rin ang kanilang mga paningin ng itali nito ang sash ng kanyang roba matapos makatayo. Ibinaba rin nito ang isang hita niya mula sa pagkakasampa ng bahagya sa gilid ng vanity table. Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala ang sensual na ayos kani-kanina. Inalalayan siya nito nang umayos siya ng tayo. Subalit kagaya pa rin ng naunang mainit na tagpo sa pagitan nila ay walang nangyari. Siya lang ang lumigaya pero ito ay hindi. Nag-aalalang tinitigan niya ito bago bumaba ang tingin sa umbok na nasa pa

