Mabilis na hinubad ni Jiro ang suot na sport coat at isinampay iyon sa sandalan ng sofa. Binuksan din niya ang ilang butones ng suot na long sleeved polo upang makahinga nang maayos dahil pakiramdam niya'y nasa-suffocate siya habang ang dalaga'y nag-aalalang nakamasid lang sa kanya. Patamad na naupo siya sa mahabang sofa bago nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Hindi niya aakalaing ang masayang dinner date nila ng nobya ay mauuwi sa bahagyang pagkasira dahil kay Jerry. At ang tatay niya'y wala man lang talaga pakundangan kung magbitbit ng kung sinu-sinong babae sa kahit saan. Talagang pinanindigan nito ang pagiging buhay at feeling binata. Wala na talaga itong natitirang kahihiyan pa sa katawan. "Do you want something to drink?" Narinig niya ang malumanay na boses ng dalaga at

