KABANATA 8

1498 Words
"Aniaman, Carm?" Ano man? "Kumusta?" Tanong ni Bien nang bumitaw silang lahat mula sa matagal at mahigpit na group hug. "Ayan! Mas lalong gumanda!" "Ikaw ba ang tinatanong?" Singit ni Stefano na ang tinutukoy ay si Rina. Nagtawanan ang mga ito samantalang napairap na lamang si Alajar. "Sigurado akong magsisisi si Jiro kapag nakita ka niya ulit. Tama lang din talaga na nab—" napaigik si Randolph nang malakas itong sikuhin sa tiyan ng bagong dating na si Manuel. Nakangiwi nitong sinapo ang nasaktang sikmura. Hindi nakatakas kay Carmela ang madilim na tingin ni Manuel sa kanilang ka-buddy. May pagbabanta sa mga mata nito. Napasinghap si Randolph Vasquez at napaiwas nang tingin bago ulit napangiwi. May napagtanto yata na hindi na dapat niyang malaman pa. "Sorry..." Bulong nito na dinidirekta kay Manuel na hindi naman nakatakas sa kanyang pandinig. Maang lang siyang nakatitig kay Randolph. Nabubuhay ang kuryosidad sa kung ano ang sekreto ng mga ito tungkol kay Jiro na hindi na dapat niyang malaman pa. Gustohin man niyang alamin, pinipigil naman nang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang kagustuhang iyon. Napukaw ang kanyang atensyon ng isang malakas na tikhim. Pinuputol marahil ang alanganganing sitwasyon sa kanilang mga pagitan. Ang tensyon na unti-unti ring nagpaparamdam. Pero hindi pa rin nakatakas sa kanyang mga mata ang palihim na pandidilat ng ilang ka-buddy kay Randolph na napanguso na lang. Mas lalo pang natabunan ang tungkol kay Jiro ng sumingit ang ilang second class officer para batiin at kumustahin si Carmela. Katulad ng mga ka-buddy niya ay nagagalak din ang mga itong makita siyang muli matapos ang isang taong biglaang pagkawala. Kumustahan ang unang nangyari ng igiya siya ng mga ito sa bukas na kusina at pinaupo sa inihandang monobloc chair. Maingay rin ang bawat isa at sabik sa bawat isasagot niya at pagpapabida sa kanya. Halos lahat ng kanyang mga ka-buddy ay pinalibutan siya at tinanong nang maraming bagay. At isa na roon ang kanina pang tinatanong sa kanya ni Rina. "Bakit ka ba umalis?" hindi mapigilang saad ni Luigi. "Hindi ka man lang sa amin nagsabi. Matapos ang... araw... na 'yon." Malalim na napasinghap ito at nag-iwas nang tingin. "Ano ba'ng nangyari noon?" Kuryos na tanong ni Romano Bien. Na sinegundahan naman ni Stefano. "Kailan?" "After graduation, first sem last year." Sagot ni Luigi na matamang nakatitig kay Carmela. Nagbaba nang tingin si Carmela. Hindi niya masalubong ng tingin ang mga ito. Nang mag-angat siyang muli ng mukha’y pinili niyang ngumiti at pagaanin ang sitwasyon. Na iiwas ng tuluyan ang topic sa bagay na iyon. "Hindi na mahalaga 'yon." Nag-aalangan siyang ngumiti. Nang magtama ang kanilang mga mata ni Luigi ay tinaasan siya nito ng kilay bago humalukipkip. "N-nakalimutan ko na." Muli'y nag-iwas siya ng tingin sa binata. Napapalunok ng laway. Naramdaman naman ni Manuel na ayaw ni Carmela na pag-usapan pa ang nangyari nang umagang iyon. At mukhang wala rin itong balak na sagutin ang kanilang tanong kung bakit bigla itong nawala kaya iniba nito ang usapan. Napangiti si Carmela kay Manuel na ngumiti rin sa kanya pabalik. "Alam kong hindi ka pa rin handa na pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon, Carm. Nararamdaman ko." Ani nito ng kahit paano'y mapag-isa sila. "Kaya hindi kita pipilitin na buksan ang usaping 'yon. Alam kong nasasaktan ka pa rin. Hindi ko man alam kung ano'ng eksaktong nangyari pero alam kong hindi ka pa gano'n nakalalaya sa sakit." Tila maiiyak na niyakap niya si Manuel. Ang tinuturing niyang kuya sa kanilang batch. Niyakap naman siya nito at hinagod ang kanyang likod. Ibinaon niya ang mukha sa malapad nitong dibdib at hindi mapigilan ang emosyon na lukubin siya. Tuluyan na siyang napaiyak. "Thank you sa malalim na pag-unawa bok." Sa nangangatal na labi ay nasabi niya. Mahina lang iyon pero sapat na upang marinig nito. Tama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang pag-usapan ang nangyari noong nakaraang taon. Hindi pa rin niya kayang buksan ang bahaging iyon ng buhay niya para sa ibang tao kahit pa sa mga malalapit sa kanya. Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat ng parehas silang kumawala sa mga yakap. Sinasalo naman ng kanyang mga kamay ang mga luhang mabilis na lumandas sa kanyang pisngi. "Minsan," panimula nito. Natuon muli ang kanyang tingin sa binata. "May mga bagay rin na mas maiging huwag mo nang malaman pa para sa ikatitiwasay ng isip mo." May kahulugang sabi ng binata habang nakatitig ng deretso sa kanyang mga mata. Napaawang ang kanyang bibig. Akmang itatanong na sana niya kung ano iyon pero pinili niyang itikom na lang muli ang bibig sa hindi malamang dahilan—o dahil ba sa takot? Mag-a-alas cuatro na ng hapon ng napagpasyahang umuwi ni Carmela. Ayaw pa sana siyang pakawalan ng mga ka-buddy pero kailangan na niyang umuwi. Isa pa'y kanina pa kasi siyang hindi mapakali at kinakabahan. At ang pag-uwi ang bukod-tanging alam niyang magpapanatag sa kanyang pagkabalisa. "Ingat bok!" Nakangiting lumingon siya kay Seraphine nang makatungtong na siya sa sementadong daan sa harap ng D.M.S.T office. Kumaway siya rito. Iilan na lang ang kanyang mga ka-buddy na nasa barracks dahil ang iba'y may mga inaasikaso bago pa tuluyang magsimula ang sembreak. Ang iba'y may mga pahabol pang klase gaya ni Rina. "Sa Linggo ha!" Narinig niyang pahabol ni Jonah. Kaninang dumating ito sa barracks ay animo'y natuklaw ito ng ahas nang makita siya roon. Naghalakhakan naman ang kanilang mga ka-buddy sa naging reaksyon nito. Nabitawan pa nito ang plastic bag na naglalaman ng mga malalaking sitsirya at dalawang kilong lulutuing fishball; na pinabili ng kanilang mga ka-buddy matapos malaman na nasa bayan ito kanina. Tinawagan kasi nila Luigi ang ilang ka-buddy na wala sa barracks na magtungo roon pero hindi derektang sinabi na bumisita si Garcia. Nagtataka pa nga si Jonah kung para saan ang mga meryenda na pinabibili ng mga ito sa kanya. Namimilog ang mga mata ni Sembrano at nang makabawi ay nanggigigil siyang niyakap. Halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito na tinawanan na lang niya. Nang bumitaw sa kanya ang babae ay hindi naman magkandaugaga kung ano ang sasabihin habang sinusuyod din siya ng tingin. At sa huli'y sinapo nito ang kanyang mukha. Namamangha. "Grabe! Sobrang ganda mo!" Bulalas nito. May riin ang bigkas sa pangalawang salita. "Ano'ng... ano'ng... sh*t! Grabe!" Natawa siya sa reksyon ng ka-buddy at muli itong niyakap. "Parehas na lang kayo ni Rina." Aniya. Natatawa. "Siyempre ngayon na lang ulit tayo nagkita kaya naninibago kayo sa mukha ko." Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat upang baklasin nito ang pagkakayakap niya. "Hindi! Hindi talaga! Nagsasabi ako ng totoo! Promise! Lalo kang gumanda ngayon. Tutulo siguro ang laway ni Jiro kapag nakita ka!" At humalakhak ito na tila aliw na aliw sa naisip. "At ang gagong 'yon! Dapat lang talaga na nab—" "Sembrano!" Napapitlag si Jonah nang marinig ang matigas na boses ni Manuel. Awang ang bibig na nataranta ang babaeng ka-buddy. Nilingon niya si Manuel at nakita niya ang pagbabanta at panganib sa mga mata nito bago pa napalitan iyon ng pagkalma. Suminghap ito at nag-iwas ng tingin sa kanya nang magtama ang kanilang paningin. Nangungunot ang noo na nilingon niya si Jonah. "Sorry, sorry. Sorry!" Sunud-sunod na anito, namumutla at kabadong-kabado. "Hala! Sorry talaga mga buddy-koy!" May pagpa-panic na ring kababakasan sa mukha at tinig nito. "Ilan kaya ang muntik nang maging squealer ngayong araw na ‘to kung hindi lang napipigilan ni Coy?" Napahalakhak si Stefano, iiling-iling pagkatapos. Habang sila Romano naman ay ngingisi-ngisi. “Kung hindi biglang dumating si Coy kanina hindi sana napigilan itong si Vasquez! Patay tayo niyan!” sabay tawa ulit nito. Ikinakunot naman ng noo ni Carmela ang mga narinig niyang iyon. "Dito ka matulog ha!" Pahabol pa ni Jonah Mae Sembrano bago pa siya makalayo. Tumango siya saka ngumiti. "Sure!" "Yes!" Narinig pa niyang naisigaw nito at ni Seraphine. "Bye!" "Ingat buddy-koy! Love you! Love you!" Sabay na sabi ng dalawang babae na siya namang ikinangiti niya. "Love you too!" Nagpatuloy siya sa paglalakad. Walang balak lumingon sa likod o kahit saan lalo na ngayong unti-unti niyang nararamdaman ang pinaghalong kaba, takot at nerbyos. Pilitin man niyang supilin ang paglala ng mga umaahong emosyon ay hindi niya magawa. Habang tumatagal na naroon siya ay mas lalo lamang tumitindi iyon at nagdudulot na sa kanya nang matinding takot at pagkabalisa. Kanina pa niya nararamdaman ang mga damdaming iyon na pilit niyang sinusuway ngunit ayaw namang magpaawat. Tila nanunuya pa. Wala sa kanyang hinagap na napabuga siya ng hangin. Nararamdaman na rin niya ang pangangatog ng mga tuhod. Ang pagpintig ng kanyang puso ay animo sumasalida sa paglakas. Namimili ng pagkakataon. Hihimatayin na yata siya sa ginagawa nito. Bakit pakiramdam talaga niya ay may hindi magandang mangyayari sa kanya kung mananatili pa siya sa lugar na iyon? Minabuti niyang bilisan ang paglalakad ng bigla siyang napatili nang may humawak sa kanyang braso. Sa sobrang nerbyos ay hindi na ni Carmela napigilan iyon kaya napalingon sa kanya ang ilang estudyante. "Carmela,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD