KABANATA 81

2016 Words

Binalot nang matinding katahimikan ang buong opisina mula nang umalis si Jiro. Wala ni isa ang umiimik na kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan sa kanilang mga pagitan. "Totoo ba?" mahinahong tanong ni Rina sa katabing si Luigi. Kahit paano rin ay kalmado na ang dalaga subalit ang mga mata ay maang pa ring nakatingin sa kawalan. Mahinahon din namang tumugon si Luigi na pares ni Rina ay nakatunghay rin sa wala. "Oo," Dumaan ulit ang katahimikan at parang kahit isa sa kanila ay walang mabigkas ni isang salita. Hinahayaan ang katiwasayan na dulot ng walang kibuan sa pagitan ng bawat isa. Nagsimulang kumilos si Rina. Ang akala ng mga kasama nito ay lalabas na ito ng opisina pero nagulat na lang sila—higit na si Manuel nang pumihit ito patalikod at tumama ang kamao nito sa gulat niyang mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD