Head up! Stay strong. Fake smile. Move on!
40 days later....
CRYSTAL'S POV
"Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo?"
I think makasampung tanong na iyan ni Yaya Helen sa sakin. Pero sa halip na mairita ako ay tinawanan ko na lang siya.
"For the 10th time din Ya, hindi na po. NO. As in hinding-hindi." Umismid lang siya nang kumindat ako sa kanya.
"Basta mag-iingat ka doon. Tawagan mo na lang ako o si Feliza kapag kailangan mo ng rescue."
"Si Yaya talaga. Para naman akong sasabak sa MISSION IMPOSSIBLE nito. Ipapaalala ko lang ha, Yaya. Maximum of two weeks lang ako doon. Baka nga mag-round trip lang ako eh."
Maliksi akong dumistansya sa kanya nang makita kong bumubuelo ang isa niyang kamay.
"Nakita ko yun Yaya Helen. Akala mo ha, mind reader kaya ako." Buti nakalayo agad ako. Kukurotin na naman ako sa singit kapag nagkataon.
Matapos ang dibdibang pakikipagyakapan, kay Yaya, hinila ko na ang hindi kalakihang maleta ko.
My bestfriend even bribed me with pineapple gelatin, chicken macaroni and arroz a valenciana mapapayag lang akong isama siya sa pupuntahan ko. Laglag ang balikat niya nang sabihin kong ako lang mag-isa. Para lang siyang reader ng story na sabik na sabik sa susunod na update ni author ngunit umabot na ng siyam-siyam eh wala pa yung next chapter. Alam ko yung feeling na yun. At iyon nga mismo ang nakikita ko sa mukha ng kaibigan ko ngayon. Yamot na yamot. But seriously, I really need this time alone for the healing process. At eto nga't inihatid ako ni Fel sa terminal ng Florida bus sa Sampaloc.
Hindi ko lalayasan ang Pilipinas. Mag-unwind lang ako sa probinsya. Napagpasyahan kong mag-commute na lang. Kawawa naman kasi si Mang Nestor na family driver namin kong ipagmamaneho pa ako. Masyadong mahaba kasi ang biyahe. Bago ako sumakay sa bus, naalala kong may kasama pala akong pumunta dito sa terminal. Parang hangin lang kasi. Hindi umiimik. Walang kibo. Kanina pa ganyan. Ginagamitan ako ng zip the mouth strategy.
"Hoy, sasakay na ako sa bus. Hindi mo ba ako kikibuin? Sige ka manigas ang dila mo't tuluyan ka nang mapipi."
"Take care" Sabi niya. "Yun lang? Sure ka?" Pangungulit ko. Mami-miss ko kasi ang isang ito kaya itotodo ko na.
"Haist! Well, keep safe. I know you're not ok yet. Your head is up but your smile is fake."
"Ano ang gusto mong pasalubong?" Pag-iiba ko ng topic.
"Ang gusto ko? Sana pagbalik mo ok ka na talaga. Sana magkaroon na ng kislap ang mga mata mo. Kasi Crystal kahit ngumingiti ka, kabaligtaran naman ang sinasabi ng mga mata mo. Diyan makikita na sobrang bigat ang dinadala mo. You look devastated. Gusto ko pagbalik mo, may spark na ang mga matang yan. Not a spark of tears but a spark of joy."
"Thank you Fel." I hugged her tight and waved a hand.
Mahaba ang biyahe. It took about more or less 10 hours. Feeling ko nga namanhid na ang puwet ko sa pagkakaupo though nakailang stop naman ang bus sa ilang kainan along the highway. Pero hindi ko pinagsisisihang bumiyahe by land.
I really enjoy seeing the breathtaking sceneries na nadadaanan namin like the vast ricefields in Tarlac and Pangasinan. I live in the city so its really amazing to see such wide vast of green. Also the seedy beaches of Baoang, La Union. The panoramic coast of Narvacan Ilocos Sur. The awesome view of Banaoang bridge. The Banaoang bridge is as scenic as the river itself. It spreads across the Abra river connecting the rocky mountain slopes of the town of Santa and the tail of Bantay, both in Ilocos Sur. It's really a wonderful sight. I was also impressed with the old historical churches like the St. Agustine church, San Ildefonso church, and many more.
Hindi ako nakaidlip sa buong durasyon ng biyahe.
When the bus stopped at Laoag, it was past noon. Sumaglit ako sa isang kainan. After eating bagnet (lichong kawali), dinardaraan (dinuguan), puqui- puqui and kalog (fresh buko), I took a passenger van going to Sta. Praxedes. Mula sa bayan, itinuro ko k.ay Manong driver ang direksyon patungo sa pupuntahan ko. A place which is situated in the valley surrounded by the northern tip of the great Caraballo mountain range.
Along the road, are locals planting rice. By their looks, entail massive talent to make the lines ( of the rice) straight ( almost at least ) and extreme will-power to stay in the mud for the whole day! Sobrang napahanga ako sa kanila because they may never be wealthy by harvesting rice for themselves but they keep on doing this all year round to feed their families.
Further down the road, something caught my attention. It's their version of the "calesa." The wheels are not the same with the calesa's of Vigan City and Laoag City. Here, the wheels appear to be with "interiors" or maybe tubeless perhaps? That would make the ride smoother on humps and potholes. Amazing!
After more or less 40 minutes, I smiled nang bumungad sa akin ang view ng vacation house sa paanan ng bundok. I so miss this place! Pagkaabot ko ng pamasahe kay Manong driver, huminga ako ng malalim. Nilanghap ko ang preskong simoy ng hangin na humahaplos sa aking pisngi at tumatangay sa nakalugay, tuwid na tuwid, maitim at hanggang baywang kong buhok.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa pagkakaalam ko, 3,000 square meters ang nababakurang bahagi ng resthouse.
Ang bakod na nakapalibot ay gawa sa semento at ang itaas na bahagi nito ay barb wire. Nababakuran ng apat na klaseng flowering vines ang bakod sa harap ng resthouse.
Sa malayo pa lang ay nakakapukaw na ng pansin ang resthouse dahil sa makukulay na bulaklak ng vines. Sa leftside magpahanggang sa likod ay makikita ang mga matatayog at mayayabong na forest trees. Pumasok ako sa gate. Mabuti at hindi nakakandado sa loob.
Bumungad ang 300 square meters na main house . Sa bandang kanan ng gate, makikita ang gazebo na may sukat na 15x9 square meters. Isa iyan sa paborito kong tambayan dito. Ang bubong ay nipa, may ratan at kahoy na upuan at mesa at naka- tiles ang sahig. Sa likod ng main house ay makikita ang 150 square meter na guest house. May apat na kwarto. Dalawa sa itaas at dalawa sa ibaba. May balkonahe ito na nakaharap sa man-made lake na ginawang fishpond. Ang garahe ay nasa left side ng guest house. Umaabot ng 17 hectares ang sukat ng property na ito mula sa main gate kasama na ang fishpond, ang taniman ng palay at mais sa tapat ng resthouse (hindi nababakuran ang kamaisan at palayan kasi nasa gawing harap ito ng resthouse at ang kalsada o daan ang nasa pagitan ), at ang nasa bandang likuran ay ang malawak na sagingan at kakahuyan (hindi rin kasama sa nabakuran).
Parehong may kaya sa buhay ang mga magulang ko. Isa kami sa mga tinatawag na silent millionaires. Bakit silent? Kasi hindi kami maingay.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng mamataan ko ang medyo matabang babae na nakasuot ng salamin. Lumabas ito mula sa malaking pintuang kahoy ng main house.
"Mae-mae!" Ngumuso ako. Feeling ko kasi isa akong bubuwit kapag tinatawag akong 'mae-mae.'
"Mae-Mae! Na-miss kita, Anak. Kaytagal mong hindi nagawi dito. Aba't ang laki mo na at artistahin eh!"
"Hehe kahit po noong wala pa po akong ngipin eh artistahin na po ako, Nana Beth." Humagalpak ito ng tawa saka kinuha ang bagahe ko.
"Halika na't pumasok tayo sa loob. Tamang-tama, madami akong nilutong kakanin. Lahat paborito mo."
Umakbay ako kay Nana at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Noon, every year kaming nagpupunta dito nina Papa't Mama. Kapag nagkataong busy sila pareho, si Yaya Helen ang kasama ko. Natigil lang ang pagpunta namin dito noong mamatay si Papa. So, 3rd year high school ako noong huling bakasyon ko dito.
Sina Nana Beth at ang asawa nitong si Tata Nicanor ang katiwala namin dito. Halos walang ipinagbago ang bahay. Ang dingding ay gypsum board. Ang sahig ay yari sa wood tiles ganun din sa taas. May tatlong kwarto sa baba at dalawang CR kasama ang nasa master's bedroom. Tanging mesa at upuan na yari sa antique, limang porcelain vases na nasa mga sulok, isang napakalaking wooden- carved cabinet, malaking ref, microwave, collection ng alak at mugs mula sa sikat na coffee shops sa iba't ibang lugar ang makikita sa ibaba kasama na ang pangkaraniwang kusina. Mayroon ding attic na hinati sa dalawang kwarto. Walang 2nd floor.
Kung tutuusin yung attic lang ang pinaka 2nd floor. Maganda ang pagkakagawa pero napakasimple lang ng bahay. Napakalinis at halatang alagang-alaga ng aming katiwala.
"Nana, si Tata Nicanor po? Wala ata ngayon?"
"Nasa bayan, Anak. Namili ng abuno (fertilizer) para sa maisan at ilang kakailanganin sa kusina. Akala namin bukas ka pa darating. Nasundo ka sana ng Tata Nicanor mo sa Laoag."
"Alam niyo pong darating ako?"
"Oo Anak. Itinawag sa amin ni Helen. Ipagpaumanhin mo rin sana kung hindi kami nakarating sa burol ng Mama mo."
"Okay lang po, Nana." Pilot na ngiti ang iginawad ko kay Nana Beth.
"Mabuti at naisipan mong maglagi dito. Makakabuti sayo ang sariwang hangin, Iha."
"Kaya nga po. Gusto ko po talagang mag-unwind kahit 2 weeks lang."
"O siya, magpahinga ka muna sa kuwarto mo. Ako na ang bahalang mag-ayos sa bagahe mo."
"Salamat Nana."
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ko. It's a French inspired bedroom decor. Feminine bedroom with lots of shabby and cottage chics. I really like the bed-frame, beddings, mirror and the gorgeous fresh white paint of my bedroom walls. Shiny gold hearts are printed on the front of the pillows for a bold yet feminine touch.
Hinawi ko ang puting kurtina at binuksan ang mga bintana. Sumalubong sa akin ang malamig at napaka-preskong hangin. Wow! So refreshing!
Nang magsawa akong pagmasdan ang malawak na lupain mula sa aking bintana, humilata ako sa malambot na kama. I laid like a cat. And for the first time after my mother's death, I was able to sleep PEACEFULLY.