Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya bago hubarin ang pang-itaas na damit. Bakit nga naman siya mahihiya? Wala siyang sobrang taba sa katawan at makinis ang balat niya. Nagtagal din siya sa Amerika at sanay siyang maligo sa beach nang dalawang pirasong saplot lang ang suot. At lalong hindi rin siya dapat mailang kung makita niya ang muscles ni Drake. She's a nurse. Napag-aralan niya na lahat ng sulok ng katawan ng tao. Naka-dalawang boyfriend na rin siya na ang huli ay halos maghubad na rin sa harap niya pero wala namang epekto. "Wow... Parang gusto kong pagsisihan na niyaya kita dito." Lumakad ito palapit sa kanya dala ang mapang-akit nitong mga mata. "So sexy... A body that could make a man fall to his knees..." "So flattering," wika niya habang hinahanap an

