"Tita, Lindy. That's enough. It tickles," reklamo ni Elise habang panay ang hagikhik. "I can't breath properly..." Segunda naman ni Evo na napangiwi. "Sorry. I can't help myself e. Ang cute cute niyo kasi. You two are so adorable." Kararating lamang ni Lindy sa bahay ng kapatid niya at ang kanyang unang ginawa ay sugurin ng yakap at halik ang dalawa niyang pamangkin. Tuluyan na nilang nilisan ni Cliff ang Romblon. Maluha luha siya kanina nang magpaalam kina 'tay Dindo at 'nay Nelia. Sa airport ay sinundo sila ng sasakyan ni Cliff na minamaneho ng tauhan nito, the same person na kumuha ng sasakyan noong araw na umalis sila. Ngunit hindi sumabay ang binata sa kanila. Tumawag kasi ang sekretarya nito. Kinakailangan raw nitong pumunta agad sa opisina nito kaya nagtaxi na lamang ito papunta

