"Yes, Janice. Nakuha ko na iyong mga papeles. Later in the evening ay aasikasuhin ko agad ang mga iyon. Hindi pa kasi ako nakakauwi. Nandito pa ako sa Las Palmas. Tomorrow, mga around lunch ay ipapa LBC ko ang mga iyon pabalik diyan sa Manila... Yes... Thank you... Alright, bye." Isinilid na ni Cliff ang cellphone sa bulsa ng kanyang jeans matapos maputol ang linya sa pagitan nila ng kausap. It was Janice, her very hard working and efficient secretary na tumawag upang kamustahin kung nakuha na ba niya ang mga papeles na pinadala nito. Importante kasi ang mga iyon at kailangan niyang mapirmahan agad. Mga kontrata ng mga bagong suppliers nila ng mga computers. Hindi na niya masyadong pinahaba ang kanilang usapan. Nagpaalam agad siya rito. Alam niya kasing magtatanong na naman si Janice kun

