KELAI'S POV Napamulat ako ng mata nang bigla akong may marinig na kaluskos sa loob ng kwarto ko. Nakita ko si Ryan na may dalang pagkain. Kumunot ang noo ko nang makitang nandito pa siya. Tumingin pa ako sa orasan para makita kung anong oras na at bigla akong napabangon nang makitang alas tres pa lang ng madaling araw. "L-love," namamaos kong tawag kay Ryan. Ngumiti naman siya sa akin. "Ipinagluto na kita ng almusal para hindi mo na kailangan pang bumangon. Medyo napaaga lang dahil kailangan ko pang umuwi para maligo at magbihis. Hindi kasi pwedeng um-absent tayong pareho." Mas lalong kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang leeg ko at napagtantong wala na akong lagnat. "Pwede na rin akong pumasok ngayon. Wala na akong lagnat," sabi ko naman sa kaniya. Ibinaba ni Ryan sa bedside table an

