KELAI’S POV
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang alarm ko. Tamad akong inabot iyon para patayin ito at saka nagpakawala ng buntong hininga. Antok na antok pa ako dahil alas dose na ako nakatulog kagabi. Sa sobrang kadaldalan kasi ni Ryan sa text ay hindi ko na namalayan ang oras. Kaya heto, puyat ako at kulang pa sa tulog.
Tiningnan ko ang cellphone ko at may isang message ako na galing sa kaniya.
“Good morning Kelai. See you later.”
Isang ngiti ang sumilay sa labi ko ngunit agad din akong sumimangot. Napapangiti na ako ng lalaking iyon at hindi na iyon maganda. Bumangon na lang ako sa bed para maligo dahil baka ma-late pa ako. Hindi na ako nag-abalang replayan pa siya dahil wala na akong balak na makipag-usap pa sa kaniya.
Pagkatapos kong mag-prepare ng sarili ay bumaba na ako. Sakto naman na nasa bus stop na ang service cab kaya mabilis akong sumakay doon. Inilagay ko sa tainga ko ang earphones ko katulad ng dati. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata. Nararamdaman ko pa rin ang antok kaya iidlip muna ako sa biyahe.
Ine-enjoy ko lang ang music ko nang biglang may kumuha ng earphone sa tainga ko. Mabilis akong nagmulat ng mata para komprontahin ang kung sino mang gumawa noon ngunit natameme ako. Isang Ryan na nakangiti ang bumungad sa akin. Kumindat pa siya na mas lalo kong ikinatulala.
Sh*t! Ang gwapo niya.
Ipinilig ko ang ulo ko at saka masamang tumingin kay Ryan. Hindi dapat ako nagpapadala sa kagwapuhan niya. Dapat ay sinusungitan ko na siya ngayon ngunit hindi ko man lang maibuka ang labi ko. I cannot utter any word.
“Good morning,” nakangiting bati niya sa akin.
Inilagay niya sa tainga niya ang isang side ng earphone ko. Lihim naman akong nagpakawala ng buntong hininga dahil nate-tense na naman ako. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ko rin magawang bawiin sa kaniya ang earphone ko dahil wala akong lakas ng loob na gawin iyon.
“Pang-broken ang mga songs mo ha,” komento pa niya.
Seriously? Close na ba kami kaya may karapatan na siyang punahin ang playlist ko? I mean, kagabi lang naman kami nagka-usap and imagine sa text pa iyon.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi nagsalita. Ayokong maging rude kay Ryan ngunit hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko maintindihan kung nahihiya ba ako o naiilang sa kaniya. Hindi na rin naman siya nangulit pa.
Pagkarating namin sa resto ay agad na bumaba si Ryan. Hindi na niya ako kinausap at all kaya napabuga ako ng hangin. So I think that’s it. Doon na natapos ang mumunti naming conversation dahil lang sa hindi ko pagpansin sa kaniya kanina.
But who cares? Hindi dapat ako naaapektuhan dahil hindi naman kami magkaibigan or what. He’s just a stranger to me na nagkataong naging katrabaho ko. Wala naman akong obligasyon para kausapin siya o kaibiganin siya. Sanay na rin naman ako na walang kumakausap sa akin dito. Everything is just casual, no attachment, no affections, nothing. Just a simple job with professionalism.
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bigla na lang akong nawala sa mood at ang bigat ng pakiramdam ko. Tahimik akong pumasok sa opisina ko. As usual ay binuksan ko ang PC ko para simulan ang trabahong ilang taon ko nang ginagawa.
Habang hinihintay kong ma-set up ang computer ko ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Walang text si Ryan so I guess, iyon na talaga iyon. Baka hindi lang siya makatulog kagabi kaya naisipan niya akong kulitin.
Yeah Kelai, ginawa ka na namang pampalipas oras.
Ginulo ko ang buhok ko at saka padabog na tumayo. Magkakape na lang siguro muna ako bago magsimula dahil paniguradong hindi ako makakapag-focus sa trabaho ko. Lumabas ako ng opisina at dumeretso sa staff pantry.
Pagpasok ko sa staff pantry ay nagulat ako dahil nandoon si Ryan at nagtitimpla rin siya ng kape. Hindi na dapat ako tutuloy ngunit humarap na siya sa akin and of course, nakita na niya ako.
“Dadalhan sana kita ng kape sa opisina mo pero nandito ka na,” nakangiting sabi niya sa akin.
“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Kinuha niya ang dalawang tasa ng kape at saka lumapit sa akin. Iniabot niya ang isang tasa sa akin. “Alam ko kasing napuyat kita at kakailanganin mo ng kape,” mahinang sabi niya sa akin.
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Wala lang dapat sa akin iyon ngunit naging iba ang dating sa akin ng mga salitang “napuyat kita”. Nginitian pa ako ni Ryan na mas lalong nakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
“S-salamat,” nauutal kong sabi sa kaniya.
My god Kelai! Ano bang naiisip mo? Katrabaho mo lang naman ang lalaking nasa harap mo ngayon pero ganiyan ang reaksyon mo sa presensya niya.
“Allowed pa naman tayong magkaroon ng five minutes para magkape hindi ba?” seryosong tanong niya sa akin.
Awtomatiko akong napatingin sa relo ko at nakitang sampung minuto pa ang natitira bago magsimula ang duty hours namin. Kapag napaaga kasi kami ng dating sa resto ay hinahayaan kami ng boss namin na mag-almusal or magkape muna.
Usually kapag ganito ay puno ang pantry dahil maaga kaming dumating, but to my surprise, kami lang dalawa ang nandito ngayon para magkape.
“Yeah,” maiksi kong sagot sa kaniya.
“Then let’s enjoy our five minutes, shall we?”
Umupo siya sa may dining. Sinasabi ng isip ko na dapat ay umalis na ako sa staff pantry para layuan ang lalaking ito ngunit nakita ko na lang ang sarili kong umupo rin sa may tapat niya.
Bahagya naman siyang napangiti. “Akala ko ay iisnabin mo ulit ako.”
Awtomatiko namang napataas ang kilay ko. “Hindi kita inisnab,” depensa ko naman.
“Kaya pala,” makahulugan niyang sabi sa akin.
Sige Kelai, makipagdaldalan ka pa sa lalaking nasa harapan mo. Sooner or later, magiging komportable ka na rin sa kaniya. And you know the consequemce of it right?
“Anong naisipan mo at ako ang napili mong kulitin kagabi?” deretso kong tanong sa kaniya.
Bahagya siyang natigilan pero kalaunan ay ngumiti siya. Those smiles again. Bakit ba kailangan niyang ipakita sa akin lagi ang mga ngiti niya?
“At bakit hindi ikaw ang dapat kong kulitin?” balik tanong niya sa akin.
You’re playing games with me huh? Akala mo yata ay poging pogi ako sa ‘yo?
“I just don’t understand,” imbes ay sabi ko na lang.
“Well, me either,” sagot naman niya.
Kumunot ang noo ko at deretsong tumingin sa kaniya. “What do you mean?”
Improving Kelai. Nakakatingin ka na sa kaniya ng deretso at hindi ka na rin nauutal.
Magsasalita na sana si Ryan ngunit biglang pumasok si Francis. Nagkatinginan pa kaming dalawa ngunit ako na ang unang umiwas ng tingin.
“Kape tayo p’re,” pag-aalok naman ni Ryan kay Francis.
Muling tumingin sa akin si Francis bago niya binalingan si Ryan. “Sige lang p’re, salamat.”
Kumuha ng tubig si Francis. Bago siya lumabas ng pantry ay tumingin pa siyang muli sa amin ni Ryan. Nang tuluyan siyang makalabas ay saka naman nagsalita ulit si Ryan.
“Mukhang may nagseselos.”
Mapakla akong tumawa. “Malabo. Malabo pa sa mata ko.”
“Gusto mo bang patunayan kung nagseselos nga ba siya o hindi?” naghahamon niyang tanong sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Inilapag niya ang kaniyang tasa sa table at saka marahang ngumiti. “Pagseselosin natin ang ex mo, game ka ba?”
“Alam mo, hindi ko alam kung paano mo nalaman ang number ko at paano mo nalaman na ex ko si Francis. At hindi ko rin alam kung ano ba talagang pakay mo sa pakikipag-usap sa akin. Pero Ryan, hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo okay? Just leave me alone.”
Tumayo ako at hinugasan ang tasang ginamit ko. Pagharap ko ay nagulat ako dahil ang lapit masyado sa akin ni Ryan. Naaamoy ko na naman ang pabango niya at nakakaramdam na naman ako ng pagka-tense. Mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin at mabilis akong humakbang papunta sa exit ng pantry. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay bigla siyang nagsalita.
“Nakikita ko sa mga mata mo na may galit ka pa ring nararamdaman sa kaniya. And I can help you with that. Trust me Kelai, we can avenge your broken heart.”
Hindi ko na siya pinansin pa. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko ngunit nakita ko pa si Francis sa malapit sa may pintuan ng opisina ko. Nagpanggap na lang akong hindi siya nakita at dere-deretsong humakbang palapit sa opisina ko.
“Yes baby, see you later. I love you.”
Bago ako tuluyang makapasok sa opisina ko ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Francis sa kausap niya sa kaniyang cellphone. Pabagsak akong umupo sa upuan ko at naikuyom ko na lang ang kamao ko. Kusang naalala ng utak ko ang pagmamakaawa sa akin ni Francis noong outing namin. Then maririnig ko ang conversation niya with his girlfriend.
The f**k!
So that was all lie? Sinubukan niya lang ba kung marupok pa rin ako? Sinubukan niya lang ba kung mahal ko pa siya? Then f**k him!
Dinampot ko ang cellphone ko and I send a text message to Ryan.
“How can you avenge my broken heart?”