8 - ISSUES

1743 Words
KELAI’S POV Pagsakay ko sa service cab ay natigilan ako saglit dahil nakaupo sa lagi kong inuupuan si Maya. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Lihim akong napabuntong hininga at saka umupo sa tabi niya, sa pwestong inuupuan lagi ni Ryan. As usual ay maingay pa rin sa loob ng cab at hindi ko maintindihan kung bakit dito umupo si Maya. Isa kasi siya sa maingay at mahilig makipagkwentuhan sa mga ka-trabaho namin. At hindi niya gugustuhin na pumwesto dito. Pagsakay ni Ryan ay mababakas din ang gulat sa kaniya. Wala siyang nagawa kun’di ang umupo sa pinakalikod ng service cab dahil doon na lang may bakante. Hindi pa ako pumapayag sa offer niya sa akin at sabi niya ay willing naman daw siyang maghintay sa desisyon ko. Halos wala rin akong tulog dahil magdamag kong iniisip ang napag-usapan namin kahapon. Kung tutuusin dapat ay hindi ko na pag-isipan pa ang lahat. Dapat ay hindi ko tanggapin ang offer niya dahil may dalawang babae na sa buhay niya, at ayoko nang pumangatlo pa. Pero may part sa akin na gusto kong subukan. Tutal naman ay chill lang iyong sa amin, walang seryosohan at walang emotional attachment. Hindi ko naman ikakapahamak iyon pero naguguluhan pa rin ako. “Can I ask you a question?” Napalingon ako sa katabi ko nang bigla siyang bumulong sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko.  “Sabay kayo ni Ryan na bumaba ng cab. Anong meron?” tanong pa niya. Wow! So kaya pala dito niya naisipang maupo ay dahil sa nakita niya kahapon? At kailan pa siya naging curious sa buhay ko? Weird. “Wala naman,” sagot ko na lang. Napairap sa akin si Maya at hindi nakatakas sa paningin ko iyon. “Nagtatanong lang e. Sabagay, baka nga wala lang iyon. Imposible namang magkagusto sa ‘yo si Ryan,” malditang sabi niya sa akin. Napangiti ako nang mapakla. Bahagyang tumalikod sa akin si Maya. Naglagay siya ng earphone sa tainga niya at saka pumikit. Gustong gusto ko nang hilahin ang buhok niya at ingudngod ang mukha niya sa sahig ng cab. Nanggagalaiti ako sa sinabi niya at nag-init ang dugo ko.  How dare her? Sa ilang taon ko na siyang katrabaho ay ngayon lang niya ako pinag-malditahan ng ganito. And take note, dahil lang sa nakita niya kahapon kaya niya ako ginanito. And then it hit me. Sa way ng pakikipag-usap niya kay Ryan at sa way ng pagtingin niya, something’s off. Marahil ay gusto niya si Ryan kaya ganito na lang ang inis niya sa akin. Wow! Just wow!  Sinulyapan ko siya ng isa pa at nanatili siyang nakapikit habang nakikinig sa music niya. Napailing na lang ako at kinuha ang phone ko sa bag. Kelai : May nagkakagusto sa ‘yo. And nagagalit na siya sa akin dahil akala niya ay may something sa atin. Kahit na hindi ko pa tinatanggap ang offer ni Ryan, patuloy pa rin kami sa pagpapalitan ng messages. At sa tingin ko ay kailangan niyang malaman ang tungkol kay Maya. Ryan : Sino? Kelai : Itong katabi ko. Nakatitig lang ako sa phone ko dahil hinihintay ko ang reply niya. Pero nagtaka ako dahil dalawang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang reply. Bahagya akong sumilip sa pwesto ni Ryan at nakita kong nakatitig lang siya sa screen ng phone niya. Marahil ay pinag-iisipan pa niya kung anong ire-reply niya, o baka may iba pang dahilan. Baka ka-text niya rin ang isa sa mga babae niya. Umayos na lang ako ng upo at inilagay muna ang phone ko sa bag ko. Hindi ko na muna hihintayin ang text niya dahil baka may pinagkakaabalahan pa siyang iba. Ipinikit ko na lang din muna ang mga mata ko. Puyat nga pala ako pero nakakapagtaka dahil hindi man lang ako nakakaramdam ng antok sa mga oras na ito. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa resto. Agad akong bumaba ng service cab dahil ayokong maabutan ni Maya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin niya at baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong magsalita rin. As much as possible ay ayokong masangkot sa kahit na anong gulo dahil wala ako sa Pilipinas. Ngunit sa kamalas-malasan naman ay nakasabay ko naman sa pagpasok sa resto ang ex ko na si Francis. Hindi ko alam kung sinasadya niya ngunit sinabayan niya ako sa paglalakad. “Alam mo na siguro na may girlfriend si Ryan at sinabi mo sa akin noon na hindi ka magiging katulad ko,” mahina niyang sabi sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabi niyang iyon. Ang galit na naramdaman ko dahil kay Maya ay mas nadagdagan pa dahil sa sinabi ni Ryan. Tumigil ako sa paglalakad at matapang na humarap kay Francis. “Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ako ng ganiyan. Wala ka nang pakialam kung anong gusto ko sa buhay ko. Mind your own.” Pagkasabi ko noon ay mabilis akong umakyat sa opisina ko at agad na isinarado ang pinto. Pabagsak akong umupo sa upuan ko. Bakit kapag sila ang nagkakamali, ayos lang? Pero bakit kapag ako na, parang ang laki-laki na ng kasalanan ko? Ni wala pa nga silang napapatunayan na may something sa amin ni Ryan e. At ano bang pakialam nila sa akin? Naputol ang pag-iisip ko nang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at tiningnan kung sino ang nag-message. It’s Ryan. Ryan : Kaya pala inagawan ako ng pwesto kanina. Ilang araw na rin kasi niya akong kinukulit. So totoo nga na may gusto si Maya kay Ryan.   Kelai : May free time ka ba mamaya? Let’s drink. Hindi ako umiinom pero dahil sa mga nangyari ngayong umaga, gusto ko na lamang na magpakalasing at pansamantalang makalimutan ang lahat. Tutal naman ay si Ryan ang nakakausap ko ngayon, siya na lang din ang yayayain ko. Baka mas maintindihan pa niya ang side ko. Ryan : I saw you. Kinausap ka ni Francis. Kaya ka ba nagyayaya? Okay sige. Sa inyo na lang tayo uminom. Hindi na ako nag-abala pang replayan si Ryan dahil ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Mahaba-haba ang oras namin mamaya para mag-inom. Sakto rin kasi na weekend na kaya ayos lang kung malasing man ako. Mabilis na lumipas ang maghapon. Katulad kahapon ay sabay ulit kaming bumaba ni Ryan sa service cab but this time, sa stop ko na kami bumaba. Alam kong lahat ng mga ka-trabaho ko ay nagtataka na sa amin ngunit wala na akong pakialam. Tutal naman ay may nasabi na sa akin si Maya at Francis, then let it be. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. “Dumaan na muna tayo sa bilihan ng alak,” nakangiting sabi sa akin ni Ryan. “Pati pagkain na rin kasi wala akong stock sa bahay,” sabi ko naman. Una kaming pumunta sa supermarket para bumili ng mga chips. Then nagtake-out na rin kami ng pang-dinner namin mamaya. Ang huling pinuntahan namin ay ang bilihan ng alak. Ang daming naghilerang mga alak na hindi ko naman alam kung ano-ano iyon. Nakatingin kami pareho ni Ryan sa mga shelves. “Anong gusto mo?” seryosong tanong sa akin ni Ryan. “Honestly, hindi ko alam kung ano-ano ang mga iyan. Ikaw na lang ang bahala,” alanganin ko namang sagot sa kaniya. Gulat na tumingin sa akin si Ryan. “You mean hindi ka pa nakakapag-inom?” Bahagya akong napatawa. “Masyado bang nakakagulat?” “Oo. Ang lakas mong mag-aya sa akin tapos hindi ka pa pala nakakapag-inom,” iiling-iling na sagot niya sa akin. “Sabi mo nga ‘di ba, chill lang sa buhay. So tara na,” sabi ko na lang. Isang sulyap pa ang ipinukol sa akin ni Ryan at saka bahagya siyang ngumiti. “Does that mean pumapayag ka na sa offer ko?” “Ano bang magandang inumin dito?” pag-iiba ko ng usapan. Life sucks. At ayoko nang maulit ang mga nangyari sa akin. Nakakapagod nang magseryoso. Nakakasawa nang napapag-iwanan. Nakakasawa nang masaktan. Kaya ngayon ay i-eenjoy ko na lang ang lahat. Sabi nga ni Ryan, chill lang.  Kumuha si Ryan ng mga in-cans na inumin. Heineken ang pangalan niyon at may red horse pa. Medyo pamilyar ako sa red horse dahil iyon ang palaging iniinom ng mga katrabaho ko kapag may outing kami. Anim ang kinuha niya at saka nakangiting tumingin sa akin. “Okay na ito,” sabi pa niya. Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa may counter. Dahil sa ako ang nagyaya ay ako dapat ang magbabayad ngunit pinigilan ako ni Ryan. “Ako na,” nakangiting sabi niya. Hindi na ako naka-angal pa dahil mabilis niyang naiabot ang pera niya sa kahera habang hawak ang isa kong kamay. Hinayaan ko na lang siya at tahimik na inagaw ang kamay sa kaniya. Pagkatapos niyang magbayad ay tahimik kaming lumabas sa bilihan. Malapit lang naman ito sa tinutuluyan ko kaya naglakad na lang kami.  “Wow, ang ganda ng place mo,” pagpuri ni Ryan nang makapasok na kami sa tinutuluyan ko. “Huwag kang mambola. Makalat pa dito kasi tuwing weekend ang schedule ko nang paglilinis,” sabi ko naman. “Maayos naman a,” sabi pa niya. Umupo siya sa may dining habang ako naman ay inaayos ang mga binili namin. Nag-ring ang phone niya at agad naman niyang pinatay iyon. Napatingin naman ako sa kaniya at saglit na natigilan. “Baka pala hinahanap ka na ng girlfriend mo,” mahinang sabi ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Binuklat niya ang plastic na may lamang alak at inilagay iyon sa mini ref ko. “Kailangan mo munang kumain dahil baka malasing ka agad.” Tumango na lang ako. Ang pang-dinner dapat namin ay naging meryenda. Sabay na naming kinain ang tinake-out naming pagkain. Tahimik lang si Ryan at hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Nakakapagtaka dahil hindi pa siya nagtatanong sa akin. Natapos kaming kumain nang wala pang nauumpisahan na kahit na anong pag-uusap. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkailang dahil hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali kaya bigla siyang nanahimik. Sabi ko sa sarili ko na mag-chill na lang ako sa buhay ko pero sa simpleng pananahimik lang ni Ryan ay kung ano ano nang pumapaosok sa isipan ko.  Hay naku Kelai, ewan ko na lang sa ‘yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD