"Bakit niyo pinoposasan ang isang detective?" Lahat kami ay napatingin sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses. Nakita naman namin na naglalakad na papunta sa amin si Benjamin. Saan naman kaya siya nanggaling? Bakit ngayon lang siya dumating dito? "Detective Cason, ikaw pala 'yan," gulat pang sambit ng police officer na kausap kanina ni Detective Walker. "Uncuff her. She's on my team," seryosong utos pa ni Benjamin. Nagtataka naman na nilingon ng officer si Paige. Umamo na ang mukha ngayon ni Paige at hindi na masama ang kaniyang tingin sa mga kababaihan. "Pero bakit siya nakikipag-away sa isang bar kung isa pala siyang detective? Bakit naman hindi mo sinabi sa akin na detective ka?" Mabilis na inalis ng officer ang posas sa mga kamay ni Paige. Mabilis din na nag-react ang mga ba

