"Nasaan si Paige? Bakit wala siya rito? Hindi ba at ang sabi niya kanina ay malapit na raw siyang makarating dito sa istasyon? Pero bakit hanggang ngayon ay wala siya rito?" tanong naman sa akin ni Nixon. Ngunit hindi ko siya sinagot. Ni hindi ko nga siya nililingon at nakatutok lang ako sa computer ko, kahit na wala naman akong ginagawa. "Kyson, hindi mo ba nakita si Paige rito kanina noong dumating ka? Baka kung ano na ang nangyari sa babae na 'yon dahil anong oras na ay wala pa rin siya rito," dagdag pa ni Zephyr. Pero nanatili pa rin akong tahimik at hindi sila iniimik. "Bingi na ba ngayon si Kyson? Ni hindi man lang tayo alam sagutin. Hindi ko akalain na ganito kabastos ang ating kaibigan." Sinamaan ko naman ng tingin si Nixon dahil sa sinabi niya. Pero tinaasan lang niya ako ng k

