THE VISITOR

2000 Words
Marami ang mga naikasso kay Ejiro. Kinasuhan na rin siya ng kaniyang asawa. Kinausap siya ng ayos ni Detective Walker. Kailangan nilang sampahan ng kaso si Ejiro, lalo na at nadamay din ang kanilang anak sa p*******t ni Ejiro. Bata pa lang ang kanilang anak, ngunit gano'n na kalupit ang kaniyang naranasan. Kasalukuyan pa rin namin na hinanap kung saan nagtatago ngayon si Henry Chin. Isa-isa naming pinupuntahan kung saan siya posible na magtago. Nabalitaan din namin na wala na pala siyang mga pamilya rito sa bansa. Kaya halos lahat ng mga airports ay pinabantayan na rin namin, kung sakali man na magbalak si Henry Chin na lumabas ng bansa.  Pagod na pagod rin kaming apat dahil madalas na kaming napupuyat dahil sa paghahanap kay Henry Chin. Mino-monitor namin ang mga daan para ma-locate kung saan nagpunta ang sasakyan ni Henry Chin. Nakuha na namin ang plate number noong una niyang sasakyan noong tinakasan niya sina Detective Walker, pero biglang nagpalit ng sasakyan si Henry Chin. Nakita na lang namin na nakahinto ang sasakyan niya sa isang amandunadong repair shop. Walang mga CCTV sa lugar na 'yon, kaya hindi namin malaman ang plate number ng bago niyang sinakyan. Kaya naman ang lahat ng mga makikita naming mga sasakyan na lalabas mula sa lugar na 'yon, inaalam namin kung sino ang may-ari. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas. Siguro ay hindi pa nakakalayo rito si Henry Chin. Kilala siya ng mga tao rito dahil nga sa kaniyang mga negosyo. May mga checkpoints na rin ang nagkalat, kaya sigurado kami na magiging madali sa kaniya ang makalabas dito.  "Oh! Oh! Nahanap ko na ang bagong sinakyan ni Henry Chin!" sigaw bigla ni Nixon. Napatingin naman kami sa kaniya. Para bang nabuhayan kaming lahat ng dugo dahil sa sigaw niya. Lahat kami ay mga antok na antok na at nanonood lang sa aming mga laptop. Tumayo naman kami nina Paige at Zephyr at lumapit sa lamesa ni Nixon. Gano'n din ang dalawang detectives.  "Nasaan?"  "Itong kulay pula ang bago niyang sinakyan. Nakilala ko ang may-ari niyan. Siya si Roger Benito at siya rin ang nagda-drive noong sinundo niya si Henry Chin sa abandunadong repair shop. Nasisiguro ko na nasa loob si Henry Chin dahil siya ang nagbigay ng sasakyan na 'yan kay Roger. Si Roger naman ay isa sa mga drivers niya," paliwanag sa amin ni Nixon. Ipinakita pa niya sa aming ang printed copy ng impormasyon tungkol kay Roger.  "Hanapin niyo na agad kung saang mga lugar nagpunta ang sasakyan na 'yan. Walker, inform mo na agad ang mga tauhan natin sa checkpoints tungkol sa plate number ng sasakyan na 'yan," utos agad sa amin ni Benjamin. Kinuha naman niya ang susi ng kaniyang sasakyan.  "Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Detective Walker. "May pupuntahan lang ako saglit. Sabihan niyo ako kapag na-locate niyo na kung nasaan siya, para mapuntahan ko na agad."  Hinayaan na lang siya ni Detective Walker, saka kami nagsimulang magtrabaho. Alas-diyes na ng gabi, ngunit hindi kami maaaring magpatulog-tulog. Sayang ang araw kung sakali man na hindi na naman namin mahanap ngayon kung saan nagtatago si Henry Chin. Kalat na kalat na rin naman ang balita tungkol sa kaniya sa buong bansa namin. Dahil siya na ang pinaka-most wanted ngayon. Maraming mga tauhan at pera si Henry Chin, hindi malabo na mas marami siyang gawin na kasamaan kapag hindi namin siya mahuli.  Dalawang oras pa ang nakalipas at namataan ko na kung saan dumaan ang sasakyan ni Henry Chin. "I got his location. Dumaan siya one hour ago sa intersection at lumiko roon papasok sa ginagawang daan doon," sambit ko. Kinunutan naman ako ng noo ni Paige. "Pero hindi ba ay dead-end na 'yon? Hindi pa naman maayos ang tulay na naroon, kaya saan siya dadaan?"  "s**t. Ang alam ko ay mayroong shortcut doon na palabas sa highway," sambit ni Nixon. "Ibig sabihin ay gusto niya lang makaiwas sa mga checkpoint natin? Grabe! Kung isang oras na ang nakalipas noong dumaan siya d'yan, may posibilidad na baka nakalabas na siya sa lugar natin!" kumento rin ni Zephyr. Mabilis naman na tinawagan ni Detective Walker si Benjamin, ngunit laking gulat namin nang pumasok sa loob ng station si Benjamin.  Dala-dala na niya si Henry Chin na nakaposas na at hinihila niya papasok. Miski ako ay nagulat dahil nahuli na pala niya si Henry.   "P-Paano mo siya nahuli agad?" hindi makapaniwalang tanong ni Detective Walker. "Akala ko ba ay may lakad ka? Pero bakit nahuli mo na agad ang lalaki na 'yan?" dagdag na tanong pa niya.  "Kaya nga, may lakad ako. Ang lakad na 'yon ay ang hanapin kung saan nagtatago ang isang 'to. Balak pa sana niya na tumakas kanina mula sa mga checkpoints. Mabuti na lang at mabilis kong nahuli ang sasakyan niya, kaya nagawa ko siyang mahuli. Akala yata ng isang 'to ay hindi na natin siya magagawang mahanap pa," paliwanag naman niya sa amin.  "Woah. Detective Cason never fails to disappoint me. No wonder, he will not be called as the legendary detective for nothing," mahinang sambit ni Paige kina Nixon. Pero nagawa ko pa rin na marinig ang sinabi niya na 'yon. Pinupuri pa niya si Benjamin, kahit hindi naman niya alam kung ano talagang uri ng detective si Benjamin. Nakakasuka na makarinig ng papuri para sa kaniya.  "Madali lang naman siya na mahuli. Hindi lang masiyadong aksyunado ang ibang mga tauhan natin, kaya nagawa niyang nahuli," kumento ko. Hindi na 'yon narinig pa ng dalawang detectives dahil dineretso na nila sa interrogation room si Henry Chin. Inamin na rin naman ni Ejiiro kung sino-sino ang mga tumulong sa kaniya sa pagtatanim ng bomba. Sa ngayon ay tatlo na ang nahuhuli. Ang iba ay hinahanap pa rin dahil mga nagtago na. Idinawit na ni Ejiro angg kani-kanilang mga pangalan. Pero mas malala pa rin ang mga kaso kay Ejiro, kumpara sa kaniyang mga kasamahan.  Sumunod naman kami sa interrogation room upang pakinggan ang magaganap na pag-amin ni Henry Chin. Sinimulan na siyang kausapin ni Detective Cason. "Bakit mo inutusan sina Ejiro na pasabugin ang City Mall at patayin si Mr. Senar?"  "Hindi pa ba nasabi ni Ejiro ang dahilan? Dahil si Senar ang pinakamalaking kalaban ko sa industriya. I see him as a threat to my businesses. Kaya pinapatay ko siya. Baka pati ang iba pa niyang mga buildings ay sumabog na bukas nang hindi niyo inaasahan." Ngumisi pa si Henry Chin kay Benjamin. Hayop talaga ang isang 'yon. Grabe na ang inggit na nararamdaman niya, kaya naman kahit ikukulong na siya ay may balak pa rin siyang kasamaan na gawin.  Ngunit matunog na natawa si Benjamin sa harapan niya. Mukhang may pasabog na naman siya na hindi namin alam. "Talaga lang ha? Inaasahan mo pa rin ba na mangyayari 'yon? Ang lahat ng mga tauhan mo ay nahuli na ng ibang mga tauhan ko. Sinabi na nila sa amin ang lahat ng mga binabalak mo pa. Gusto mo pa nga raw na matuloy 'yon kahit nasa kulungan ka na. Gustong-gusto mo talaga na mapabagsak si Mr. Senar at ang lahat ng mga negosyo niya kahit nagawa mo na siyang mapatay. Ngunit hindi na 'yon mangyayari pa. Wala nang may gusto pa na madamay sa gulo na gusto mong mangyari. Wala nang tutulong sa 'yo na kahit sino pa man. Nakausap ko na rin ang pamilya mo na nasa ibang bansa. Hindi ka rin nila magagawa pang matulungan. Sobrang laki ng nagawa mong kasalanan, kaya malala ang magiging kaso mo."  "What? Paano niya nagawa ang lahat ng 'yon sa loob lamang ng dalawang oras na umalis siya mula rito? Grabe. Hindi man lang niya sinasabi sa atin kung ano ang mga plano niya. Mahilig talaga siyang kumilos ng mag-isa lang. Kaya masanay na kayo. Sa susunod ay maaari rin siyang maging ganiyan. Magugulat na lang tayo na tapos na pala ang kaso dahil nahuli na niya ang kriminal," humahanga naman na sambit sa amin ni Detective Walker.  Mas hilig niya ang kumilos nang mag-isa sa isang kaso? Kaya siya nakakagawa ng mga kasalanan din noon nang malinis, dahil ayaw niya na may kasama siya. Kaya siguro walang nakakaalam na kasabwat ni Benjamin ang kriminal na pumatay sa aking ina. Naikuyom ko ang aking kamao. Ganoon pala ang gawain niya.  "What do you mean? I don't believe you! My family loves me so much and I just talked to them the other day. They said that they miss me so much!" apila naman ni Henry Chin. Naglabas si Benjamin ng cell phone at may pinarinig kay Henry.  "We already heard what happened to my husband, Detective. I am so sorry for what he did. I also didn't expected that he will do such a crime. But we won't be able to cooperate with you. I will cut ties with him. I don't want my family to suffer from damages because of what he did there. I already talked to my parents and to our two daughters. They all agreed to my decision to cut ties with Henry. We won't be able to help you with anything in accordance to Henry's case, Detective."  Boses 'yon ng babae at asawa pala ni Henry Chin. Kung sabagay, hindi na 'yon bago sa mga mayayaman na pamilya. Ayaw nila na masira ang kanilang reputasyon. Kapag may isang nagkaroon ng scandal o issue na kumalat na sa business industry, hihiwalay na agad sila sa tao na 'yon upang hindi na sila madamay pa sa pagkasira.  "Are you sure that you will cut ties with your husband?" tanong pa ni Benjamin sa kaniya.  "Yes. Even before he got caught, he contacted yesterday. He said that he needs my help to get out of the country and to go here. I asked him why I need to help him to go out of the country if he can just go here without any problem. But he won't tell me the issue. I suspected him that he did something bad there. I just told him that I will help him. But after that call, we changed our numbers so that he won't be able to call us. I asked someone from the Philippines to look for what Henry was doing. And there, I found out that he's on the run. Then you called me and told me about his case." Hindi naman kinaya ni Henry ang mga naririnig na mga sinasabi ng kaniyang asawa. Kaya naman mabilis itong nagwala. Natapos na ang kaso at sa korte na dadalhin si Henry Chin, kasama ng mga pamilya ng mga naging biktima sa sunog na naganap sa City Mall.  "Haaay! Mabuti naman at tapos na ang kaso na ito. Ilang araw din natin itong pinagpuyatan," sambit ni Zephyr at nag-unat pa ng kaniyang katawan. "Makakapag-pahinga na rin kayo ng ayos. Asahan niyo na sa susunod na mas marami pa tayong mga kaso na kailangang malutas at hindi talaga tayo makakatulog," ani Detective Walker.  Nagpaalam na kami sa kanila at hinatid muna nina Zephyr at Nixon si Paige sa apartment nito. Hindi na ako sumama dahil wala naman akong balak na ihatid pa si Paige. Sobrang pagod na rin ako kaya kailangan ko na ng pahina. Nang makarating ako sa dorm ay nag-ayos muna ako ng sarili. Bukas na lang ako kakain. Hindi na talaga kaya ng katawan at mga mata ko, dahil bumibigay na ang mga ito sa sobrang pagod at antok.  Nakabukas naman ang laptop ko at akmang hihiga na nang may mapansin ako. Muli kong tiningnan ang laptop ko saka ko nakita ang dalawang lalaki na nakatayo sa apartment ni Benjamin. Tiningnan ko ng ayos kung sino ang isang lalaki dahil medyo madilim pa roon. Nakaupo siya sa sofa at nakasuot ng sumbrero. Samantalang si Benjamin naman ay kakapasok lang sa kaniyang apartment at nadatnan sa sala ang lalaki.  Mabilis kong kinuha ang earphones ko at pinakinggan ang kanilang magiging usapan. Saka ko lang namukhaan na ang lalaki na 'yon ay ang kriminal.  "Long time no see, my friend. Did I surprise you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD