SIX YEARS AFTER

2000 Words
"Where are the rookies?!"  "Rookies? They're coming, Chief!"  Nilingon kami ni Detective Walker at sinenyasan na pumunta na kami sa gitna at pumwesto. Magsisimula na rin ang welcome ceremony para sa aming mga baguhan dito sa Detective Station District. Pumwesto kami ng mga kasamahan ko. Marami-rami rin kami ngayon. Nang makapila na kami at deretso kaming nakatayo ngayon ay nagpunta na ang Chief Detective sa harapan naming lahat.  "Attention! I am Chief Detective Carmela Simson. I am the one running this district and we are all welcoming all of you, our future Detectives! Do your best and make sure that you will pass all of our challenges to you. All of you will be divided to each detectives here. They will be your superior. Each detectives will have four rookies assigned for them to train the rookies well."  Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. Siya pa rin ang Chief Detective rito. Ang kinaibahan lang ay nailipat na sila sa ibang distrito at hindi na sa dating probinsya na tinitirahan ko. Inilibot ng Chief Detective ang kaniyang mga mata sa amin at bahagyang natigil ang paningin niya sa akin. Wala naman akong reaksyon sa aking itsura ngayon. Mabilis niya rin naman na iniwas ang paningin niya sa akin.  Sinimulan na niya na sabihin kung saang detective kami nabibilang. Sunod naman ay itinuro na niya ako at ang tatlo pa na nasa likuran ko. "The four of you will work under Detective Benjamin Cason and his partner, Detective Walker," sambit pa ng Chief Detective.  Nang matapos na niyang sabihin kung saan kami nabibilang ay sinabihan na niya ang mga detectives kung ano ang dapat na gawin sa amin. Masiyadong malaki ang distrito na ito at ito na rin ang main district. Kaya naman ang ibang mga detectives mula sa iba't-ibang distrito ay nagpunta rito para sa orientation ngayon ng mga rookies. Isa-isa na silang nag-aalisan sa Detective Station District dahil babalik na sila sa kani-kanilang mga distrito. Hanggang kaming apat na lang ang natira na rookie rito at kasama ang dalawang detectives na nasa harapan namin. Dito kami madedestino, kaya hindi na kami umalis pa.  "Bago ang lahat, kailangan niyo munang ipakilala isa-isa ang inyong mga sarili. Magsimula tayo sa 'yo."  Itinuro ni Detective Walker ang babae na nasa gilid ko. Ngayon ko lang din napansin na may isang babae na napasama sa amin. Mahirap pa man din magtrabaho kapag may babae. Pakiramdam ko ay mahihina lang naman ang mga babae at magiging pabigat kapag nagkaroon ng laban sa pagitan ng mga detectives at mga kriminal. Mas maliit din sa akin ang babae na ito.  "Rookie number 55, Sir! I am Paige Zuri at your service. I graduated from Police University and I am an outsanding student there," pakilala naman ng babae. Narinig ko na natawa si Detective Cason dahil sa pakilala ni Paige Zuri.  "Ano naman ang magagawa ng talino mo kapag nakaharap ka ng kalaban at may balak na patayin ka? Magagawa mo ba siyang labanan gamit ang talino mo? O gamit ang mga awards na nakuha mo sa Police University?" Hindi ko alam kung ako lang ba, pero pakiramdam ko ay may pagkasarkastiko siya noong sinabi niya 'yon. Pakiramdam ko ay nmay pagbabago siya. Hindi ko siya gano'n na nakilala noon. Napakalamig ng pakikitungo niya sa ibang tao ngayon. O baka ganito lang talaga siya sa trabaho.  "Nahasa rin naman po ako physically sa pakikipaglaban sa Police University. Kapag mas tinuruan niyo pa ako rito, sigurado ako na matatalo ko kung sino man ang kumalaban sa akin."  "Ngayon pa lang ay sinasabihan na kita. Hindi madali ang trabaho na ito. May pagkakataon ka pa para magpalit ng trabaho, 'yong alam mo na makakaya mo talaga. Baka akala niyo laro lang ang gagawin niyo rito? Buhay ang kapalit sa trabaho na ito, buhay ang kailangan niyo na itaya," sambit pa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang sinasabi niya sa amin ngayon. Nanahimik naman ang babae na nasa tabi ko.  "Ano ka ba, Benjamin? Bakit ganiyan ang sinasabi mo sa mga bata?" bulong pa ni Detective Walker. Pero narinig naman namin ang kaniyang sinabi. Alanganin siya na tumawa at muling tumingin sa amin. "Pagpasensyahan niyo na siya. Pero mabait talaga si Detective Cason. Ikaw naman, magpakilala ka na."  "Nixon Spencer here and graduated from All Detectives University," maiksing pakilala niya. Sumunod na itinuro ay ang isa pang lalaki. "I am Zephyr Jones! Malabo man ang aking mga mata, magagawa pa ring makahuli ng mga kriminal. I also graduated from All Detective University" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso talaga siya sa sinabi niya. Napansin ko pa na inayos niya ang kaniyang salamin.  Akala ko ay magpapakilala na ako, ngunit nagkaroon muli ng kumento si Detective Cason. "Kung para sa inyo ay biro ang trabaho na ito, you can go and quit now. Malabo ang mata mo? Paano ka pa makakakita nang ayos sa oras na mawala 'yang salamin na suot mo? Pinagyayabang niyo ba na galing kayo sa All Detectives University? Pero base sa mga itsura ninyo, mukhang wala kayong magagawang tama. Baka makatakas lang ang mga kriminal sa inyo sa oras na gumawa tayo ng trabaho."  Nakaramdam naman ako ng inis sa kaniyang mga sinasabi. Hindi na tama ang mga sinasabi niya sa amin ngayon. Hindi ko alam kung sinasabi niya lang ba 'yon sa amin para mas lalong lumakas ang loob namin at gawin naming inspirasyon ang kaniyang mga sinasabi. O baka naman kaya niya 'yon sinasabi dahil ayaw niyang magkaroon ng mga rookies na kailangan pa niyang turuan?  "Benjamin, ano ba ang problema mo sa mga bata? Wala naman silang ginagawa pang masama ngayon. Kailangan pa nating makita ang mga kakayahan nila. Aalamin natin kung matatanggap ba sila rito o hindi sila makakapasa sa ating mga ipapagawa," singit muli ni Detective Walker. Inilagay ni Detective Cason ang kaniyang mga kamay sa baywang niya at naglakad-lakad sa harapan namin. Para bang problemado siya ngayon sa hindi malamang dahilan.  Nilingon ako bigla ni Detective Cason. Tinitigan niya ako nang mabuti na para bang minumukhaan niya o sinusuri niya ako nang mabuti. Bahagya pa akong kinabahan dahil baka nakilala na niya ako. Pero sana ay hindi. "Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin? May balak ka ba na labanan ako ngayon? Bakit? Naiinis ka ba sa akin dahil sa mga nasasabi ko sa 'yong mga kasamahan?" tanong niya sa akin.  "I am Kyson Leonidas," tanging sagot ko lang sa kaniya. Napangisi naman siya. Siguro ay napikon siya dahil sa dami ng mga sinabi niya sa akin ay nagpakilala lang ako. Maangas pa ang boses ko nang ipakilala ko ang sarili ko. "Hindi ko gusto ang tinginan mo sa akin at ang pananalita mo."  "Wala naman siyang nagawang masama sa 'yo, Benjamin. Bakit ka ba ganiyan? Hindi ka na ba nakikinig sa akin ngayon? Hindi dapat ganiyan ang pakikitungo mo sa mga baguhan. Mga inosente pa sila--"  "Kung bakit ba naman kasi kinailangan pa na bigyan tayo ng mga rookie na ito? Pabigat lang sila sa mga kaso at baka kapag napahamak sila, tayo pa ang sisihin ng kanilang mga magulang."  Naikuyom ko naman ang kamao ko nang marinig ang sinabi niya. "Bakit? Wala naman sigurong masama kung masisi kayo, lalo na at may pagkukulang din naman kayo sa pagpoprotekta sa amin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasambit ko 'yon. Muli niya akong tiningnan. Kita ko na nagbago lalo ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil sa sinabi kong 'yon.  "Ano kamo?"  Mabilis na siyang inawat ni Detective Walker at agad na ipinapasok sa isang kwarto. "Balikan ko na lang kayo mamayang hapon. Mag-meryenda na muna kayo. Kakausapin ko lang ang isang 'to."  "Bitiwan mo nga ako! Bastos ang isang 'yon!"  Nagpupumiglas pa si Detective Cason ngunit hindi na siya nakalayo pa sa hawak ni Detective Walker. Napabuga naman ng hininga ang dalawang lalaki na katabi ko. Para bang pinigilan nila ang kanilang paghinga simula pa kanina. Inakbayan naman ako ni Nixon."  "Grabe! Ang tapang mo talaga, kaibigan. Nagawa mo siyang sagutin nang gano'n," kumento niya. Dumagdag naman si Zephyr. "Akala ko ay ngayon pa lang, bagsak na agad ako. Nakakatakot siya. Pero ni hindi man lang natakot itong si Kyson."  Mga kaibigan ko silang dalawa at nagkasama kami sa All Detectives University. Magkakaklase kami simula pa noong college at hanggang sa distrito ay kasama ko pa rin pala sila. Ang akala namin ay magkakahiwa-hiwalay kami. Pero maswerte na rin kami dahil magkakasama. Ayoko rin naman na iba pa ang mga makasama ko. Mas mabuti na rin na sila ang kasama ko sa lahat ng magaganap na imbestigasyon. May nadagdag lang na isang babae sa amin.  "Tara na nga at kumain muna tayo. Nagutom ako sa mga sinasabi ni Detective Cason," yaya pa sa amin ni Nixon. Pumayag naman ako at palabas na sana kami nang harangan kami ng babae na kasama namin sa team.  "Uhm... pwede ba ako na sumama sa inyo? Since we are in one team?" tanong niya sa amin.  Nagkatinginan naman kaming tatlo. Hindi kami komportable na may kasamang babae. Wala naman kaming nakasama na mga babae simula nag-college kami. Hindi uso sa mga kaibigan ko na makipagrelasyon dahil mas nakatuon ang kanilang atensyon sa pag-aaral kaysa sa mga babae. Lalo na ako na wala talagang balak na makipagrelasyon. Mas pinagbubuti ko na makamit ang gusto kong trabaho. Para makamit ko na ang hustisya na gusto ko.  "Ayos lang naman sa akin. Magkakasama rin naman tayo ng matagal dahil nasa iisang team," sagot ni Nixon. Bago ko lang 'yon na narinig sa kaniya. "Ayos lang din sa akin. Panahon na siguro para magkaroon tayo ng kaibigan na babae. Tsaka kasamahan ka na rin naman namin sa trabaho," dagdag pa ni Zephyr. Saka nila ako tiningnan. Hinihintay na lang nila kung payag ba ako o hindi.  "Ayoko siyang kasama," sagot ko. Nauna na akong maglakad kaysa sa kanila. "Ang ibig niyang sabihin ay pwede ka raw sumama sa amin. Tara na!" rinig ko pa na yaya ni Nixon.  Bakit pa kaya nila hinintay ang desisyon ko kung hindi rin naman pala nila susundin ang gusto ko? Hinayaan ko na lang sila. Kawawa rin naman ang babae na 'yon dahil walang ibang makakasama bukod sa amin. Nagpunta na lang kami sa malapit na kainan. Tatawagan na lang daw kami ni Detective Walker kapag kailangan na ulit kami roon. Hindi naman marami ang in-order ko na pagkain dahil nagtitipid din ako.  Ngunit hindi ko akalain na sobrang ingay at ang kulit pala nitong si Paige Zuri. Masiyado siyang maraming sinasabi at napakadaldal niya. Pakiramdam ko ay hindi na siya mauubusan pa ng kwento. Samantalang si Zephyr naman ay todo kinig at pakikipag-usap din sa kaniya. Nilingon ko naman si Nixon na napapakamot na lang sa kaniyang ulo ngayon.  "May naiintindihan ka ba sa mga sinasabi nila ngayon?" bulong sa akin ni Nixon. Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi naman ako nakikinig sa mga pinagsasabi nila."  "Oo nga pala, wala kang pakialam sa mga pinag-uusapan ng ibang tao," tanging kumento niya lang.  "Alam niyo ba, singer din ako. Akala ko nga dati magiging singer ako kapag tumanda ako. Pero hindi ko naman akalain na ito pala ang gugustuhin ko na trabaho," sambit pa ni Paige.  "Talaga? Kumakanta ka? Sample-an mo naman kami rito!" sagot pa ni Zephyr. Parang hindi na nga sila nakakain na dalawa dahil patuloy lang sila sa pag-uusap.  Napatingin naman sa amin si Paige. "Nako, nakakahiya naman! Saka ko na lang kayo kakantahan kapag close na talaga tayong lahat. Hindi naman kagandahan ang boses ko," natatawa pa na sambit ni Paige.  "Pero kung gusto mong maging singer kapag tumanda ka, gaya ng sabi mo kanina, siguro ay sumasali ka sa mga contest noon sa eskwelahan noong kabataan mo," singit naman ni Nixon sa usapan nila.  "Hindi ako sumasali. Pero naranasan ko nang kumanta ssa music room noon. Memorable pa nga ang gabi na 'yon para sa akin. Gabi na kasi at kumanta ako sa music room. Buti na lang at wala nang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD