Kahit kailan ay hindi talaga ako magaling magtago. “H-Hi, Elisse!” Nakangisi kong bati sa ka-dorm ko. “Small world! Sinong kasama mo?” Nagkunwari akong hindi kabado kahit na halata naman ito sa panginginig ng boses ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Kahit may aircon ay pinagpapawisan ako. Pakiramdam ko sina Kuya Arthur at Kuya Jerrick ang kaharap ko ngayon. “Kasama ko ang boyfriend ko. Sikat daw kasi ang restaurant na ito online kaya dito namin naisipang kumain ngayon,” kalmadong sagot ni Elisse. Natatandaan ko ngang may kasama siyang lalaki kanina pagpasok sa restaurant pero hindi ko matandaan ang itsura nito dahil sa kanya napunta ang buong atensyon ko. Nakita ko namang tiningnan ulit ni Elisse si Marco. Si Marco naman ay tahimik lang at nakatanaw sa malayo. Hindi ko alam kun

