Chapter 40: First Move

1844 Words

NAABUTAN kong nagla-live selling si Mama sa sala. Kaya naman muntik na akong mapagalitan nang padabog akong pumasok ng bahay. Sinimangutan niya ako at sinenyasang tumahimik bago siya muling ngumiti sa harap ng camera. Malay ko bang may plano siyang mag-live selling ngayong araw. Sinamantala yata niyang wala kaming tatlo kaya hindi na rin siya nagbigay pa ng komento noong nagsabi akong hapon na makakauwi. “O sige! I-mine niyo na ‘to! One hunded pesos! Yes, one hundred pesos na lang mga sis!” Nagulat ako sa taas ng energy ni Mama. May kasama pang pagpalakpak. Katapat lang niya ang phone niya pero ang lakas ng boses niya. Akala mo nakasigaw sa mga nanunuod ng live niya kahit kung tutuusin ay hindi naman kailangan dahil maririnig at maririnig siya ng mga ito. Nakita kong naningkit ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD