Thylane “K-Kuya Ricky,” umiiyak kong tawag sa kasama dahil natatakot na talaga ako. Wala akong ideya kung sino ang mga iyon, at kung bakit nila kami hinahabol. Alam kong ano mang oras ay magsisibagsakan na ang mga luha ko na kanina pa nais kumawala sa akin. Kung ama ko lamang itong si kuya Ricky ay baka kanina pa ako lumambitay rito at sumiksik dahil sa takot. Mariin akong napapikit nang marinig at maramdaman na naman na naputukan kami ng gulong, ngunit sa pagkakataon na iyon ay alam kong nasa unahang gulong na ang nabutas. Lalo akong natakot dahil iba na talaga ang andar ng sasakyan. Pagewang-gewang na kami sa gitna ng kalsada. Ang mga naka-motorsiklo na kalalakihan ay sinasabayan na ang takbo ng aming kotse. “Parating na rin si Señorito Alfonso at ang mga pulis, Señorita. Wa

