Chapter 24

2128 Words
DALAWANG ARAW NA ang lumipas pero hindi pa din nakakausap ni Samantha si Pierre, sa tuwing tumatawag siya ay hindi nakakasagot ang kanyang kasintahan at kapag si Pierre naman ang tumatawag ay siya naman ang hindi nakakasagot. Base sa usapan nila bago ito umalis, ngayon ang balik nito sa Pilipinas kaya naghihintay siya ng tawag nito. Dalawang araw na din niyang hindi nakikita si Alex. Mula ng hinatid siya nito mula sa trabaho ay hindi na niya ito nakita uli. Nang tanungin niya ang kanyang ama tungkol kay Alex ang sinabi nito ay may inaasikaso lang at dahil hindi na niya kailangan ng bogdyguard ay pinayagan nitong umalis muna si Alex dahil wala naman masyadong gagwin. At, dalawang araw na ding hindi pumapasok si Aivee, nagkaroon ng emergency sa pamilya nito, nang tanungin niya ito kung ano ang nangyari ay hindi ito sumagot, pagbalik na lang daw nito sasabihin kaya marahil ay abala ito sa kung ano man ang nangyari. Kaya ngayon ay halos wala siyang kausap sa kanyang opisina. Napabuntong hininga na lang siya dahil pakiramdam niya ay tinatamad siyang magtrabaho ngayong araw. “Fine! I’ll go to Olivia” Agad siyang nagayos ng gamit para umalis nang biglang tumunog ang kanyang selpon. “Babes?” agad niyang banggit nang makita kung sino ang tumatawag. “Hi Babes, I’m sorry hindi nagtutugma ang schedule natin” “It’s okay Babes, I know your busy” sabi niya. “Atleast nakapag usap na tayo today” “Yeah…” hindi man niya nakikita ang kanyang kasintahan alam niyang may gusto pa itong sabihin pero nagdadalawang isip kung magsasabi ito. “What’s wrong Babes?” dahil walang balak magsabi si Pierre kaya nagtanong na siya. “Babes, I need to extend more days” nahalata niya ang lungkot sa boses nito. Malungkot man ay pinalakas pa din niya ang loob ng kanyang kasintahan. “It’s okay Babes, expected ko na din iyon kasi hindi din birong makipag-meeting sa investors” sabi niya. “I hope your here Babes” Bahagya siyang ngumiti. “It’s okay Babes, magkikita din agad tayo. Basta tapusin mo na ang dapat mong tapusin sa Singapore, okay?” Narinig ang pagbuntong hininga nito. “Okay Babes, I’ll do my best na makauwi agad” “By the way Babes, pumayag na si Daddy na sumama ako sayo sa party next week” masayang sabi niya kay Pierre. “Oh really, buti naman pumayag na si Tito, I’m so excited Babes” “Me too Babes, kaya tapusin mo na lahat ng dapat mong gawin para makabalik ka na dito” “Yes, Babes. By the way how’s your shoulder?” “Much better na Babes, hindi na masyadong halata yung pasa” hinawakan niya ang kanyang kaliwang balikat. “Pasa? Nag-pasa ba Babes?” dahil ngayon lang sila nagkausap ni Pierre ay hindi pa niya nasasabi dito ang pagkakaroon niya ng pasa. “Yes Babes, but not serious, okay naman na” agad niyang sabi para hindi na ito mag-alala pa. “I’m sorry Babes, I’m really sorry…” mahinang sabi nito. “…Sobra akong na-guilty that night kaya hindi na muna kita tinext” narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “It’s okay Babes, alam ko namang hindi mo yun sinasadya e” “Pierre!!!” Napakunot noo siya sa narinig niya, boses ng babae, at pakiramdam niya ay narinig na niya ang boses na iyon. “Who’s that Babes?” tanong niya. “That’s Gela Babes, receptionist dito sa hotel, nasa lobby kasi ako ngayon” “Oh! Okay…” hindi niya alam kung bakit parang hindi siya naniniwala sa kay Pierre. “And why she’s calling you?” pagtatakang tanong niya. “Becuase I need to go to the conference room of this hotel, resume na uli yung meeting” “Oh, naka-break ka lang pala?” “Yes Babes, since hindi mag tama ang free time natin so nagbabakasali akong makatawag sayo during my free time” “Atleast nakapag-usap tayo ngayon Babes” dapat masaya siya dahil nakapag usap na sila ni Pierre ngayon pero hindi siya mapakali dahil sa narinig na boses. “Go ahead Babes baka malate ka pa sa meeting mo” “Okay Babes, thank you for the time. I Love you and I miss you” Mapait siyang ngumiti, may mali, alam niyang may mali, kung paano sabihin ni Pierre ang I Love You at I miss you. “Okay Babes, tak…” Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang patayin ni Pierre ang tawag ng hindi natatapos ang sasabihin niya. Sige ka Ma’am baka maghanap ng iba yun Naalala niya bigla ang sinabi ni Aivee sa kanya. Umiling iling siya para mawala sa isip ang tungkol sa sinabi ni Aivee. Ipinagpatuloy niya ang pagaayos ng kanyang gamit para makaalis na siya nang makita ang isang sulat na nasa drawer ng kanyang lamesa. Kinuha niya iyon at muling binasa ang nakasulat. Liar! She deserve the truth. Tell her who really she is. Itiniklop niya iyon at iniligay sa kanyang bag at nagmadaling umalis ng kanyang opisina. “MA’AM SAMANTHA?” Nakita niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya. “Rebecca” “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito nang makaupo na ito. Napansin niya ang pagtingin nito sa kanyang likuran na tila inaalam kung may kasama siya. Kapansin pansin din ang pagpayat ni Rebecca mula ng huli niya itong makita bilang bodyguard niya, noong unang punta niya sa prisinto ay hindi niya napansin ang pangangayayat nito dahil napuno ng galit ang dibdib niya nang malaman na si Rebecca ang nagtatangka sa buhay niya. Kinuha niya ang papel na nasa bag niya at inilapag iyon sa lamesa paharap kay Rebecca. “What is the meaning of this?” seryosong tanong niya. Hindi niya alam kung nagpapanggap lang si Rebecca pero nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyan” sagot nito. “Panong hindi mo alam, ikaw ang nagpapadala ng mga death threat sa amin” Nakatingin lang sa kanya si Rebecca, hindi ito sumagot sa tanong niya. “Bakit Rebecca, bakit mo nagawa to?” mahinang tanong niya. “Tulad ng sinabi ko, nawala ako sa trabaho dahil sa inyo, sa inyo ni Sir Pierre…” mas kalmadong nagsasalita ngayon si Rebecca hindi tulad ng una niya itong makausap dito. “…Kung hindi niyo lang ako sinusuhulan, kung hindi ako tinatakot ni Sir Pierre, sana nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko” “Totoo bang tinatakot ka ni Pierre o sinisiraan mo lang siya kay Daddy?” malumanay na tanong niya. Kilala niya ito, nakikipag usap ito ng maayos kapag maayos ding nakikipagusap ang kausap nito. “Wala akong balak manira ng tao Ma’am Samantha at alam mo iyan, sa tagal kong nagtatrabaho sayo, napalapit na ako sayo, at…” napatigil ito sa pagsasalita, puno ng emosyon ang mga mata nito, mga emosyong hindi niya kayang tukuyin. “… Napamahal ka na sa akin…” pagtatapos nito. Mas matanda ng dalawang taon si Rebecca sa kanya pero hindi niya iyon nararamdaman dahil gusto nito na maging magkaibigan ang turing nila sa isa’t isa at hindi isang amo-bodyguard na relasyon. “Gusto kitang protektahan Ma’am Samantha, gusto kitang ilayo sa lahat ng gustong manakit sayo, gusto ko maging masaya ka” “Rebecca” Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon, nararamdaman niya na totoo ang lahat ng sinasabi nito, pero hindi niya maintindihan kung bakit nagawa nitong pagtangkaan ang buhay niya. “Alam kong si Sir Pierre ang nagpapasaya sayo, alam kong mahal na mahal mo siya, kaya kahit anong pananakot sa akin ni Sir Pierre ay hindi ko sinasabi sayo dahil ayokong mawala ang ngiti sa mga labi mo” Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago muling nagsalita. “Dahil sa pagmamahal mo kay Sir Pierre, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para protektahan ka sa kanya” Bahagya itong ngumiti na tila may naalala. “Sa lahat ng napasukan ko bilang bodyguard, kayo lang ni Don Tonny ang nagparamdam sa akin na bahagi ako ng pamilya niyo. Lahat ng napasukan ko dati, isang bodyguard lang ang tingin nila sa akin. Isang bodyguard na sunod-sunuran sa kanila. Kaya nang makapasok ako sa inyo at naramdaman ko ang pagmamahal niyo, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang protektahan ka, gagawin ko ang lahat para lang masigurado kong ligtas ka. “Alam mong ulilang lubos na ako Ma’am Samantha, alam mo kung ano ang nagyari sa kapatid ko…” unti unti ng nagiging emosyonal si Rebecca. “…nang una kitang makita, nakita ko sayo ang kapatid ko kaya itinuring kitang kapatid, sa tuwing magkasama tayo pakiramdam ko kasama ko din ang kapatid ko…” Dahil nagbabadya na ang luha sa mga mata nito ay huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. “…sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaan na maulit ang pagkakamali ko sa aking kapatid, kaya lahat ay ginagawa ko para protektahan ka, pero…” suminghot ito. “…pero hindi ko kaya si Sir Pierre, hindi ako makatanggi sa kanya” Alam niya ang tungkol sa kapatid na tinutukoy nito. Noong bago pa lang ito sa kanila bilang bodyguard niya ay nakwento na nito ang nangyari sa kapatid nito. Si Rebecca at kapatid nito na lang ang magkasamas sa buhay, naulila na ang mga ito sa magulang. Namana ni Rebecca ang pagiging bodyguard sa ama nito. Isang araw habang nasa trabaho si Rebecca ay tumawag ang kapatid nito at sinabing natatakot ito dahil may humahabol dito. Hindi sineryoso ni Rebecca ang sinabi ng kanyang kapatid dahil alam nito na nagloloko lang iyon. Pero naririnig nito ang hingal sa kabilang linya. Kung anu-ano pa ang sinabi ng kapatid nito para lang maniwala si Rebecca, isinalarawan pa ng kapatid nito kung ano ang suot ng humahabol dito, kung nasaang lugar ito pero hindi pa din naniwala si Rebecca. Hanggang sa narinig nito ang pagsigae ng kapatid nito at sinabing… “Pinu-protektahan mo ang ibang tao pero sarili mong kapatid hindi po ma-protektahan” Hanggang sa makarinig ito ng putok ng baril mula sa kabilang linya at hindi na nito muling nakausap ang kapatid. Ayon sa imbestigasyon ay napagkamalan ang kapatid nito at agad ding nahuli ang suspek. “Bakit Rebecca? Bakit ngayon mo lang ‘to sinabi sa akin?” mahinang tanong niya. Bahagya uli itong ngumiti. “Tulad ng sinabi ko ayaw kong tanggalin ang ngiti sa mga labi mo, kaya hangga’t maaari ay ayaw kong sabihin ang pananakot na ginagawa sa akin ni Sir Pierre” Alam niya na nagsasabi ito ng totoo pero ayaw niyang tanggapin na sinisiraan lang nito si Pierre. “No Rebecca…” nag iisip siya ng tamang salita para sa gusto niyang sabihin. “…No.. Alam kung sinisiraan mo lang si Pierre dahil natanggal ka sa trabaho, alam kong gumaganti ka lang” may diin na sabi niya. “As I expected Ma’am…” nakangising sabi nito. “Alam kung pag sinabi ko ang totoo sayo alam kong hindi ka maniniwala at si Sir Pierre pa din ang paniniwalaan mo” mapait itong ngumiti sa kanya. “Pumunta ako dito para malaman kung ano ang ibig sabihin nito” sabay turo sa papel na nasa lamesa. “Maniwala ka man o hindi, wala akong alam sa sulat na iyan” “Panong wala kang alam Rebecca…” pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya, hindi niya alam kung dahil sa galit, sa paninira nito kay Pierre o dahil sa ayaw niyang maniwala sa sinasabi ni Rebecca. “…ikaw ang nagpapadala nito, sinabi mo kay Daddy na ikaw ang may gawa nito tapos ngayon hindi mo alam?” halos pagalit na sabi niya. “Hindi ko masasagot ang tanong mo Ma’am” sabi nito. “PWEDE BA!!!” naihampas niya ang kanyang dalawang palad sa lamesa kasabay ng pagtayo sa kanyang kinatatayuan. “Please Rebecca, aminin mo na ang lahat dahil gulong gulo ako sa message na iyan” nagulat man siya sa bugso ng kanyang dadamin ay pinilit pa din niyang kontrolin ang kanyang emosyon. “Uulitin ko Ma’am, wala akong alam diyan” nakatingin eto sa kanya ng sinabi niya eto. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Kinuha niya ang papel at agad tinalukuran na si Rebecca para umalis nang bigla siyang napahinto dahil muling nagsalit si Rebecca. “Kilalanin mo ang mga tao sa paligid mo, hindi ko man alam kung ano ang ibig sabihin ng nasa papel na yan, basta ang alam ko kailangang mong mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa’yo” Hindi na niya nilingon pa si Rebecca, tuloy tuloy na siyang umalis ng prisinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD