“MA’AM SAMANTHA, WELCOME back!” masayang bati sa kanya ni Aivee.
“Thank you Aivee, come to office later ha, around 11:00 for the alignment” sabi niya bago pumasok sa kanyang opisina.
Pagpasok niya ay napalingon siya sa couch, parang nasanay na siyang nakaupo lagi si Alex doon. Iniwas niya ang tingin sa upuan at dumeretso sa kanyang lamesa.
Kanina sa byahe nila Alex galing sa ospital ay hindi sila nag uusap, pakiramdam niya kanina ay tila may malamig na hangin ang umiikot sa sasakyan, kahit ng dumating sila sa restarant ay hindi pa din sila nag usap. Agad umalis si Alex kahit na hindi pa siya nakakapasok sa restaurant.
Umiling iling siya para mawala sa isipan niya si Alex kinuha niya ang kanyang selpon para tingnan kung may mensahe na sa kanya si Pierre. Mula kasi nang ihatid siya nito kagabi ay hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya, alam niyang ngayon ang punta nito sa Singapore pero hindi pa ito tumatawag sa kanya. At hanggang ngayon nga ay wala pa din itong mensahe sa kanya.
Nagsimula na lang siyang mag trabaho para makahabol sa mga panahong wala siya dito.
At pagsapit nga ng alas onse ay pumasok si Aivee sa kanyang opisina.
“How are you Ma’am?” agad na tanong nito pagkaupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.
“I’m better, nakapagpahinga na ako ng maayos” sagot niya ng hindi tumitingin dito dahil abala pa din siya sa email niya.
“That’s good to hear Ma’am”
Nag inat-inat muna siya bago at tumingin kay Aivee. “So.. Let’s start?” sabi niya.
Halos alas tres na ng hapon ng matapos sila sa kanilang pag uusap, nagpadala na lang din sila ng pagkain sa opisina para sa tanghalian nila.
“Wohh! Lot of paperworks to do” sabi niya nang matapos sila.
“I can help Ma’am if you want” alok sa kanya ni Aivee.
“It’s okay Aivee, I can manage, kailangan kong maging busy para maka adjust uli ang sarili ko sa trabaho’’ sabi niya. “And… para hindi ko masyadong mamiss si Pierre” sabi niya habang nakatingin sa kanyang selpon.
“What do you mean Ma’am?” pagtatakang tanong ni Aivee.
“His out of the country now, sa Singapore to be exact…” sagot niya. Umayos siya ng upo, isinandal ang likod sa upuan. “… He will stay there for 2 days, pero expected ko na mag-e-extend pa siya”
“Business trip again?”
“Yeah, as usual” ipinikit niya ang kanyang mata.
“Super workaholic naman ng boyfriend mo” pang-aasar nito sa kanya.
Ngumiti lang siya. “Ewan ko ba diyan sa kaibagan mo” sabi niya.
Si Aivee ang nag iisang babae sa limang matatalik na kaibigan ni Pierre, ito ang Prinsesa ng mga ito. Noong umamin sa kanya si Pierre ay naroon din si Aivee at ang tatlo pa nitong kaibigan. Alam ni Aivee ang kwento nilang dalawa ni Pierre, ito din ang dahilan kung bakit pinagkatiwala siya nito kay Aivee dahil ng kanyang kasintahan na matutulungan siya ni Aivee.
“By the way Ma’am, if wala na tayong pag uusapan, balik na ako sa pwesto ko para makapagpahinga ka pa ng unti” sabi nito.
“Okay Aivee, you can go, thank you so much” nakapikit pa din siya hanggang sa makalabas na si Aivee.
Mga sampung minuto pa siyang nagpahinga bago muling nagtrabaho.
Inabot na siya ng gabi sa kanyang opisina, pero marami pa din siyang dapat basahin na mga kontrata. Tumayo muna siya para mag inat-inat at lumabas ng kanyang opisina, may mga ilang tao pa din naiwan at nagtatrabaho pero iilan na lang din, alam din niyang hindi pa umaalis si Aivee dahil nakita pa niya ang gamit nito at bukas pa ang computer.
Bumaba siya sa restaurant para bumili ng pagkain, marami pa ding kumakain sa restuarant kahit ala syete na ng gabi. Bukas hanggang alas dyes ng gabi ang restaurant niya.
Pagdating niya sa baba ay umorder siya ng pagkain para sa hapunan niya. Nakita niya sa Aivee na nasa labas ng restaurant at tila may kausap, hindi naman niya iyon makita dahil natatakpan ni Aivee na nakatalikod sa kanya. Hindi na lang niya iyon pinansin at umakyat din siya, pinasuyo na lang niya na ihatid ang pagkain sa kanyang opisina.
“MA’AM SAMANTHA?”
“Yes Aivee?” tanong niya pero hindi niya na nilingon pa si Aivee dahil sa pagiging abala niya.
Naramdaman ang pagpasok ni Aivee at umupo sa harap ng kanyang lamesa. “Hindi ka pa uuwi? It’s already 11 na” tanong sa kanya ni Aivee.
“Malapit na akong matapos sa mga supplier natin then bukas ko na lang din itutuloy yung sa partnership contract natin” sabi niya. “How about you?”
“Actually Ma’am, pumunta ako dito para magpaalam na kasi uuwi na ako” sabi nito.
Tumingin siya kay Aivee. “Sure you can go na, hinihintay ka na ata ng boyfriend mo” pang-aasar niya dito.
“Boyfriend?” gulat na tanong nito.
Tumawa siya dahil sa reaksyon nito. “Nakita kitang may kausap kanina, so I assumed na boyfriend mo yun” nakangiting sabi niya.
“No Ma’am, pero may boyfriend ako” sabi naman nito.
“Obvious naman na may boyfriend ka kasi blooming ka e”
“Syempre Ma’am, naka-score kagabi” tumatawang sabi nito.
Napailing na lang siya dahil sa sinabi nito. “Shh! Ano ka ba” pigil niya dito.
“Ma’am, normal naman yun sa relasyon” birong pagtataray nito.
“Kahit na no”
Pinagsingkitan siya nito ng mata. “Hmm… Don’t tell me hindi pa naka-score sayo ang kaibigan ko?”
“Aivee, it’s a private topic”
“Sige ka Ma’am baka maghanap ng iba yun” patuloy na pang aasar nito sa kanya.
“His not like that” seryosong sabi niya. “Alam mo umuwi ka na at baka kung anu-ano pa ang sabihin mo” pagtataboy niya sa kanyang sekretarya.
“Okay fine, mauna na ko. Mag-ingat ka Ma’am ha, at huwag ka ng magpagabi, remember nagre-recover ka pa” sabi nito.
“I know, I know, mag ingat ka din” sabi niya. Napailing na lang siya dahil sa mga biro nito sa kanya.
Muli siyang nagtrabaho, kung tutuusin pwede niya namang ituloy ang ginagawa niya bukas pero ginaganahan siyang magtrabaho ngayon hanggat hindi niya pa nararamdaman na pagod siya ay pinapagpatuloy lang niya ang kanyang trabaho.
Nang matapos niya ang kontrata ng kanilang supplier ay napatingin siya sa relo, ala una na ng madaling araw. Kinuha niya ang kanyang selpon na nasa loob ng kanyang bag. Hindi niya napansin na naka-silent pala ang kanyang selpon at marami na ang tumatawag sa kanya, nang tingnan niya iyon…
Daddy..
Mang Benny..
Loisa..
Babes..
Nagulat siya nang makita na may tawag din sa kanya si Pierre. Kinontak agad niya si Pierre pero walang sumasagot. Sinubukan niya uli itong kontakin pero wala pa ding sumasagot. Hanggang sa hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang sinubuksan tawagan si Pierre pero hindi ito sumasagot kaya hindi niya na uli sinubukan pa.
Nag aayos na siya ng gamit niya nang maalala niyang hindi pa pala siya tumatawag para magpasundo. Tatawagan na niya sana si Alex nang maisip na kay Mang Benny na lang siya magpapasundo.
Nakailang tawag na din siya pero walang sumasagot kaya kahit ayaw niya ay si Alex na ang tinawagan niya. Nakailang tawag na din siya kay Alex pero hindi din ito sumasagot. Nagdesisyon na lang siya na mag taxi. Pagbaba niya sa restaurant ay binati siya ng guard na nakatoka ngayong gabi.
“Ma’am na late po kayo ngayon ng uwi ha” sabi nito.
“Oo nga e, ang daming trabaho” sabi nito. “Hmm.. Marami bang taxi’ng dumadaan dito?” tanong niya dito.
“Naku Ma’am pag gantong oras po bihira na ang taxi dito, meron pa po ba kayong kasama sa taas na magta-taxi?” tanong nito.
“No, ako na lang ang naiwan diyan, ako ang magta-taxi”
“Bakit po kayo magta-taxi, e may sundo naman kayo” nagtatakang tanong nito.
Napakunot noo naman siya at nagtataka din sa sinabi ng guard. “May sundo?” nagtatakang tanong niya.
“Opo Ma’am…” tinuro nito ang labas. “Kanina pa po andyan si Sir Alex e” sabi nito.
Nakita nga niya si Alex na nakatayo at nakasandal sa sasakyan habang nag-se-selpon.
“Kanina pa siya nandito?”
“Yes Ma’am, siguro mga 8 pa lang andyan na si Sir. Pinapaakyat ko pero tumanggi po siya”
“Hmm.. Okay, thank you. Mauna na kami” nagtataka man ay hindi na niya iyon pinahalata sa guard.
Napansin lang siya ni Alex nang malapit na siya dito.
“Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko, hawak mo lang pala yung phone mo” masungit na sabi niya.
“This is my personal phone, naiwan ko yung work phone ko” sagot nito habang pinagbubuksan siya ng pintuan ng sasakyan. “Naiwan ko yung phone dahil pinapunta agad ako ni Don Tonny dito dahil hindi ka sumasagot sa tawag nila” pagtatapos nito bago isinara ang pinto ng sasakyan at tsaka ito pumunta sa driver seat.
Hindi na sila muling nag usap pa habang nasa byahe.
“YOUR LATE”
“Late nang umuwi si Samantha so hinatid ko pa siya bago ako pumunta dito” sagot ni Alex. “So, what do you think?”
Pagkahatid ni Alex kay Samantha ay agad siyang nagtungo sa ospital para makausap si Dr. Ramirez. Alam niya na kahit kanina pa gustong umuwi ni Dr. Ramirez ay naghintay pa din ito sa kanya.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito ay umupo agad ito sa upuan kaharap ng lamesa ng doktor.
“She’s lying Alex” sagot nito.
“I know”
“Tingin mo may nanakit sa kanya?”
“I think it’s Pierre”
“Her boyfriend?” gulat na tanong ni Dr. Ramirez. “I don’t think so…”
“And why?” putol niya sa sasabihin ng doktor.
“My God Alex, ang tagal na nila, sana dati pa lang nakikita ko na puro pasa si Samantha, pero this is the first time” sagot ng doktor.
“Malakas lang ang kutob ko na si Pierre ang may gawa noon”
“We need to know…” mahinang sabi ni Dr. Ramirez. “…knowing her, as much as possible itatago niya ang sakit ng nararamdaman niya to protect her love one” sabi nito.
Nakaramdam naman siya ng kung anong galit sa puso nang marinig ang sinabi ng doktor. “I’ll investigate” sabi lang niya.
Natawa naman si Dr. Ramirez sa sinabi niya. “So, until now your still suspecting her?” tanong nito.
Isang buntong hininga lang ang sagot niya.
“I told you Alex she’s not pretending” sabi ng doktor nang mahalata nito na wala siyang balak sumagot sa tanong nito.
“You are just telling that because you like her” tiningnan niya ng masama si Dr. Ramirez.
“Yeah, I like her…” sagot nito. “…but that’s doesn’t mean na magiging bias ako sa kanya. It’s just that I know she’s not pretending at all” pagtatapos nito.
“I still need to investigate”
“Okay fine…” sukong sabi ni Dr. Ramirez. “Whatever you want”
“So, you’re going to Singapore?” tanong niya dito.
“Yeah, it’s a personal errand, you know” sagot nito.
Pakiramdam niya ay nahalata ng doktor na magtatanong uli siya kaya sinabi nitong ‘personal errand’.
“Okay”
“So, your not the bodyguard anymore, close case na yung death threat issues sa pamilya Madrigal” pagbabagong paksa ng doktor.
“Yeah, nahuli na nila ang suspect”
“So, what’s your next work?”
“I don’t know, it will depend to Don Tonny”
“Then, why not focus on your business again” suhesyon ni Dr. Ramirez sa kanya.