Chapter 22

1511 Words
KINABUKASAN AY MAAGANG nagising si Samantha dahil alam niya na kailangan niyang pumunta kay Dr. Ramirez, hindi na niya hinintay ang pagdating ni Loisa para sa gatas niya dahil agad siyang bumaba. “Good morning Samantha, ang aga mong nagising” bati ng kanyang ama, na halos kababa lang din dahil paupo pa lang ito sa upuan. “Good morning Dad, I have follow up check up today” sagot niya, umupo na din siya sa kanyang upuan. “Good morning Don Tonny and Ma’am Samantha” bati sa kanila ni Agnes. Ito ang kasama nila sa mansyon na hindi niya nakakausap. “Good morning hija” bati ng kanyang ama dito. “Good morning Ma’am Samantha, andito ka na po pala, pagtimpla na po kita ng gatas?” bati naman sa kanya ni Loisa na nakasunod kay Agnes, tinutulungan nito si Agnes sa paghahanda ng lamesa. “No, coffee na lang” maikling sagot niya. “…and also, help me later to clean my shoulder” “Sige po Ma’am” nakangiting sagot niya. Mga ilang minuto lang ay nagdatingan na din ang iba nilang kasama. Si Mang Benny na halatang kagigising lang at si Andres na medyo basa pa ang suot na damit marahil sa pagdidilig ng halaman. Tulad ng sinabi ng kanyang ama ay madalas na silang sabay sabay kumakain, maliban sa kanilang mga guard na bihirang sumabay dahil ayaw ng mga itong maiwan ng walang tao ang tarangkahan. Bihira lang siyang makasabay sa agahan dahil madalas ay tanghali na siya nagigising kaya mas madalas ay nagbabaon na lang siya ng pang almusal sa opisina. Ngayon lang niya napansin na sobrang aga palang gumigising ng mga kasama nila sa mansyon para magtrabaho. “Where is Alex?” tanong ng kanyang ama nang magsimula na silang kumain. Hindi niya alam kung para kanino ang tanong na iyon. Kanina pa din niya napansin na wala si Alex pero hindi niya iyon pinapahalata dahil hanggat maaari ay gusto niya nang umiwas dito para kay Pierre. “Wala po siya sa kwarto niya Don Tonny, hindi ko po alam kung nasaan siya” si Agnes ang sumagot. “Baka nag-jogging po Don Tonny” singit naman ni Mang Benny. Tumango lamang ang kanyang ama sa mga sagot ng mga ito. Sa kalagitnaan na ng pagkain nila ay dumating si Alex, tama nga si Mang Benny nag-jogging ito. “Alex, sumabay ka na sa pagkain namin” aya ng kanyang ama dito. Hindi naman na ito tumanggi at agad ding umupo sa pwesto nito. Agad na iniabot ni Agnes ang kanin kay Alex, napatingin naman siya kay Agnes dahil sa atensyon na binibigay nito sa binata. Halata sa mukha ni Agnes ang hiya at ganoon din ang paningning ng mga mata nito at ngiti ng magpasalamat si Alex. At doon niya napatunayan na may pagtingin si Agnes kay Alex. “By the way Samantha, I’ll borrow Benny today, Jaime is sick so wala akong driver” sabi ng kanyang ama na umagaw ng atensyon niya. “Alex can go with you Dad” sagot niya. “Yeah, pwede naman si Alex pero mas kabisado ni Benny ang mga lakad ko and I don’t have the time na ituro yun kay Alex” sabi nito. “If you feel na sa tingin mo binabalik ko siya as your bodyguard, of course not, ihahatid ka lang niya hanggang sa opisina mo” Naintindihan naman niya ang ibig sabihin nito dahil abala nga ito sa isa nilang negosyo kaya kahit sa byahe ay nagtatrabaho ang kanyang ama. Napabuntong hininga siya. “Okay Dad, I understand” sagot niya. Pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya si Alex pero hindi niya ito tinitingnan. “And also hija…” tawag uli ng kanyang ama. “… Pumayag na ako kay Pierre para sa party na pupuntahan niyo” sabi nito. Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng kanyang ama. “Really Dad?” “Yes, I told you kung siya ang magiging dahilan para maging masya ka, susuportahan kita” nakangiting sabi nito. “Thank you so much Dad, thank you so much” masayang sabi niya. “You’re welcome anak, I just want you to be happy” seryosong sabi nito. “You don’t know how happy I am right now Dad” hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama at muling nagpasalamat. “HOW ARE YOU Samantha?” tanong ni Dr. Ramirez. “I’m good Doc, much better than last week” “Good to hear” nakangiting sabi nito. “Let’s look your wound?” tanong nito. Tumango lang siya sa kanyang doktor. Sinenyasan siya nito na sumunod sa kanya at pinaupo sa hospital bed. Dahil alam niya na lilinisan ang kanyang sugat ay nagsuot lang siya ng sleeveless na tinirnuhan niya ng blazer. Pinatanggal ng kanyang doctor ang blazer niya, hinawi niya din ang buhok niya papunta sa kaliwang balikat niya. Sinimulan na nitong tanggalin ang gasa sa kanyang balikat. Nang matanggal, ilang segundo nitong pinagmasdan ang sugat marahil para tingnan kung magaling na tagala iyon. Nakatingin din siya sa kanyang balikat at ganoon din si Alex. Hindi alam niya kung bakit pinasunod ni Dr. Ramirez si Alex sa kanila. “Your wound is healing” sabi nito habang pinagmamasdan ang balikat niya. “But I want to know kung may masakit pa sa paligid ng sugat mo, so I will press it and let me know kung may masakit” sabi nito. Tumango siya bilang sagot. “Masakit?” tanong nito sa unang diin sa kanyang balikat Umiling iling siya tanda na wala siyang sakit na nararamdaman. Inilibot ni Dr. Ramirez ang kamay nito sa paligid ng balikat niya at sa bawat tanong nito ay umiiling lang siya. “Okay, it seems wala ng maga sa loob ng balikat which is good” sabi nito. “Now, I want you to face me and sit straight” utos nito na sinunod naman agad niya. “No!!” Nagulat na lang siya ng biglang hawiin nito ang kanyang buhok na nasa kaliwang balikat niya. At ganoon na lang din ang gulat nito nang makita ang pasa doon. Napalapit naman ng husto si Alex para tingnan ang kaliwang balikat niya. “Oh my gosh Samantha, what happened here?” gulat na tanong ng kanyang doctor. Hahawiin niya sanang muli ang kanyang buhok para takpan iyon nang pigilan siya ni Alex. “What happened Sam?” napatingin siya kay Alex at nakita niya ang walang emosyon nitong mukha. Umiwas siya ng tingin dito at bumuntong hininga bago sumagot. “Nagpa-massage kami kahapon nila Pierre at ng Mommy niya, pinadiinan ko ng husto sa parteng balikat ko dahil masakit, akala ko may lamig sa balikat ko hanggang sa maramdaman ko na lang na sumasakit na iyon dahil sa pagkakadiin ng kamay ng nagma-massage” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang masira si Pierre, ayaw niyang malaman ninuman na si Pierre ang may gawa ng pasa niya, dahil alam niyang hindi naman iyon sinasadya ni Pierre. “You’re lying Sam” madiin na sabi ni Alex. “Then, don’t believe me” masungit na sabi niya kay Alex. “Samantha…” singit ng kanyang doktor. “…I told you na lagi kang mag-iingat diba?” “I’m sorry Doc, hindi ko sinasadya” mahinang sabi niya. “Okay, okay, now let me see that” sabi nito. Pinakita naman niya ng buo ang kanyang balikat. Napansin niya na nagtinginan ang dalawang lalaki pero hindi na niya iyon pinansin pa. “Is it hurt if I will press it?” tanong nito at unti unting diniinan ang balikat niya. “Yes” Huminga ng malalim ang kanyang doktor bago nagsalita. “Okay, first I will give you an ointment for this, but you need to do a cold compress atleast twice a day” sabi nito. “Since nadiinan lang iyan ng tao I am expecting na walang damage yan sa loob so after 2 days dapat wala na yan… If after 2 days ay may pasa ka pa din we need to do xray, okay?” sabi nito. “Yes Doc” “Okay, now please sit straight, I want to see kung naapektuhan ang shoulder line mo dahil sa aksidente” sinunod niya ang sinabi nito at pinagmamasdan ang dalawang balikat niya. “Okay, I think your shoulder line is okay, lalagyan ko na uli ng gasa ang sugat mo” sabi nito. Nang matapos ang kanyang checkup ay pinagbilinan siya ng kanyang doktor tungkol sa mga dapat niyang gawin. “If ever na hindi nawala ang pasa mo after 2 days sabihan mo ang secretary ko for the next procedure, I will be out of the country for 2 weeks so please Samantha, be careful, okay?” nag-aalalang sabi nito. “Don’t worry Doc, hindi na po kita pag-aalalahin” nakangiting sabi niya. “Dinadaan mo na naman ako sa magandang ngiti mo dahil alam mong gandang ganda ako sa ngiti na yan” pang-aasar na sabi nito. Natawa na lang siya dahil sa sinabi ng kanyang doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD