Chapter 21

2739 Words
“GOOD EVENING PO Tita Andy” bati niya sa ina ni Pierre. Pagkatapos nilang mag hapunan ay nagyaya si Pierre na pumunta sa bahay nito para magkape, agad naman siyang pumayag dahil matagal na din siyang hindi nakakadalaw dito at gusto niya ding kamustahin ang ina nito. “Samantha, anak, buti naman at napadalaw ka uli dito” nakangiting sabi ng ina nito, sinalubong siya nito ng yakap. “…kumain na ba kayo ng dinner? Paghahanda ko kayo” sabi nito. “Mom, kumain na po kami ni Samantha pumunta kami dito para mag coffee…” si Pierre na ang sumagot at hinawakan nito ang kamay niya. “…and also gusto ka niyang kamustahin kasi alam niya ang nangyari sayo” nakangiting sabi nito. Pakiramdam niya ay nagsisimula sila uli ni Pierre dahil ramdam uli niya ang kilig sa simpleng paghawak sa kanya ng kanyang kasintahan. Natutuwa siyang maramdaman muli si Pierre, akala niya ay hindi niya namimiss ang kasintahan niya pero pagkatapos nilang mag usap ay naramdaman niya na sobra niya na palang namimiss ang kanyang kasintahan. Unti unting bumabalik ang kilig noong nagsisimula pa sila. “Okay, I’ll prepare coffee for you” alok ng ina ni Pierre. “Hmm… Tita, let me do it po, ngayon ko na lang po kasi uli mapagtitimplahan ng coffee si Pierre” nahihiyang sabi niya. Nakita nito ang kilig sa mga mata ng ina ni Pierre at may ngiting nang aasar sa kanilang dalawa. “Namiss ko na kayong dalawa na magkasama” nakangiting sabi nito. Natawa din sila ni Pierre dahil sa pang aasar ng ina ni Pierre. Pinagtimpla na din niya ang kanyang Tita Andy at nakaupo na sila ngayon sa beranda ng bahay nila Pierre, nakaharap sila sa swimming pool ng mga ito. Naghanda din ng dessert ang ina nito para daw bagay sa kapeng iniinom nila. Marami silang napagkwentuhan, ang tungkol sa problema sa kumpanya ni Pierre, ang nangyari sa ina nito na hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung sino ang kausap nito bago atakihin sa puso. Nalaman niya na may tumawag sa ina nito at tinakot na papatayin kapag hindi nagbigay ng malaking pera, kahit na alam naman ni Tita Andy na wala namang pinanghahawakan ang kausap nito ay nakaramdam pa din ito ng takot hanggang sa atakihin ito sa puso, mula noon ay tinanggal na lahat ng telopono sa bahay ng mga ito at selpon na lang ang meron bilang komunikasyon ng mga ito, hindi na din sumasagot ng tawag si Tita Andy kapag hindi nito kilala ang numero. Napag usapan din ang tungkol sa nangyari sa kanya, sa construction site, sa ospital, at ang nangyaring pagkidnap sa kanya. Hindi naman makapaniwala ang ina ni Pierre sa nangyari dahil ngayon niya lang din iyon narinig, walang sinasabi sa kanya si Pierre na kahit ano. “Oh my God Samantha hindi ko alam na grabe pala ang pinagdadaanan mo ngayon” gulat na sabi ng kanyang Tita Andy. “It’s okay Tita, atleast okay na po ang lahat” sagot niya. Ngumiti ito sa kanya at muling humigop ng kape. “So…wala pa ba kayong balak magpakasal?” biglang tanong ng Tita Andy niya na kinagulat niya, halos mabilaukan siya dahil kumakain siya ng cake. “Mom…” suway naman ni Pierre sa ina nito, halata din sa mukha nito ang gulat sa tanong. “…Bigla bigla ka na lang nagtatanong ng ganyan” sabi nito. Napakunot noo naman ang ina nito. “May mali ba sa tanong ko, ang tagal niyo na din pwede na kayong magpakasal...” natatawang sabi nito. “Kami nga ng Daddy mo 6 months pa lang nagpakasal na e” mas malakas na tawa ang pinakawalan nito. “Mom, iba ang sitwasyon ni Samantha. May mga inaasikaso pa kami pareho…” sabi nito at biglang humarap sa kanya. “…Pero Babes, if ever na matapos na lahat ng inaayos natin pwede naman na tayong magpakasal diba?” seryosong tanong nito. Natigilan siya sa sinabi ng kanyang kasintahan. Parang kanina lang noong nasa puntod siya ng kanyan ina ay sinabi niya na parang gusto niya ng sumama kay Pierre dahil alam niyang ito na lang ang tunay na nagmamahal sa kanya at ngayon ay sinasabi na nito sa harap niya ang tungkol sa kasal. Nay, ito na ba ang sign? Ngumiti siya sa kanyang kasintahan. “Oo naman Babes no, looking forward din ako dun…” sabi niya. Pinasingkit niya ng mata ang kanyang kasintahan. “…don’t tell me ito na ang proposal mo sa akin?” pang aasar niya kay Pierre. “Of course not Babes, wala pa nga akong singsing e” natatawang sabi nito. Napakunot noo siya ng makita niya ang ngiti ng kanyang kasintahan dahil ngayon niya na lamang ito nakitang tumawa ng ganoon ang kanyang kasintahan na parang ang sinsero ng ngiti. Napangiti na lang din siya sa nakita niya. Hindi pa din kumukupas ang magandang mukha ng kanyang kasintahan, halata man na pumayat ito pero sa bawat ngiti nito ay nakikita pa din nito ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya. Si Pierre na talaga ang taong para sa kanya at wala ng iba. “Babes?” tawag sa kanya ni Pierre at bigla siya nitong inakbayan sa kanyang balikat, napaiwas siya ng tamaan nito ang sugat niya sa balikat. “Oh No…” napatayo si Pierre. “… I’m sorry babes, hindi ko sinasadya” nag aalalang sabi nito. “It’s okay Babes, hindi naman sobrang sakit nagulat lang din talaga ako” nakangiting sabi niya. Tiningnan ni Pierre ang kanyang relo. “Babes, it’s already 11pm linisan na muna natin ang sugat mo bago kita ihatid sa inyo?” patanong na sabi nito. Tumango naman siya dahil kailangan pa din linisan ang sugat niya, bukas pa ang check-up niya kay Dr. Ramirez. “Mom, punta lang muna kami sa room para malinisan ang sugat ni Samantha” paalam ni Pierre sa ina nito. “Sure Hijo, no problem papalinis ko na lang to” sagot naman nito. “Thanks po Tita” nakangiting sabi niya. PAGDATING SA SILID ay agad inayos ni Pierre ang mga gagamitin para sa paglilinis, alam nito na tatlong beses sa isang araw nililinisan ang sugat niya dahil napagusapan din nila iyon noong nasa restaurant pa sila. Naka-sleeveless siya pero merong blazer na suot at naka-high waist cowl skirt na hanggang tuhod. Habang inaayos ni Pierre ang mga gagamitin ay tinanggal na niya ang kanyang blazer at umupo sa isang upuan na katapat ng bintana ng silid. Hindi na bago sa kanya ang silid dahil ilang beses na din siyang nakapunta dito at nakatulog na din siya dito ng isang beses kasama ang mga kaibigan ni Pierre. Sobrang simple lang ang silid nito, isang malaking higaan, isang flat screen TV na nakasabit sa pader na katapat ng higaan niya, computer table at computer chair na bihira na nitong magamit dahil mas madalas na nasa opisina ito, at isang malaking couch na kasya ang dalawang tao na katapat ng bintana nito kung saan ito madalas nagpapahinga. Merong sariling banyo ang silid nito at walk-in closet. Hinila ni Pierre ang computer chair nito at tinapatan siya nito. “Tomorrow is your schedule to your doctor, right?” tanong nito habang tinatanggal ang gasa sa kanyang balikat. “Yes Babes…” sagot naman niya. “… I think okay na ang sugat ko kasi medyo tuyo naman na unlike before” “I want to go with you tomorrow…” bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. “… But I need to go Singapore” malungkot na sabi nito. Napag usapan din nila kanina habang nasa restaurant sila ang tungkol sa pag alis ni Pierre papunta sa Singapore, meron itong kailangan puntahan doon para maging investor sa negosya nito, dalawang araw kailangang manatili ng kanyang kasintahan sa Singapore. Tinanggihan na ni Pierre ang unang meeting nito dahil iyon yung araw na nakidnap siya, pero muli itong tinawagan ng investor para makausap at siya na ang namilit kay Pierre na puntahan iyon. Ayaw niyang maging dahilan siya para maapektuhan ang negosyo ng kanyang kasintahan. Hanggat maari ay gustong niyang supurtohan ito lalo na at may probleama sa kumpanya nito. “It’s okay Babes, I told you diba? Kapag natapos muna ang problema mo sa company mo we have a lot of time na sa isa’t isa” “I know Babes, but it’s different it’s your health” sabi nito habang nililinisan na ang sugat niya. “You can go with me next time, for sure meron pang susunod” sabi niya para hindi na ito malungkot pa. “Okay, I will go with you next time, I promise” sabi nito. Natapos na ni Pierre ang paglilinis ng sugat niya at sinisimulan ng balutan ng gasa. “Sino naglilinis ng sugat mo kapag nasa inyo ka?” tanong nito. “Si Loisa” pagsisinungaling niya. Mula ng malaman niya ang selos na nararamdaman nito kay Alex ay nagiging maingat na siya sa mga sinasabi niya. Ayaw man niyang magsinungaling sa kanyang kasintahan mas pipiliin niyang alagaan ang emosyon ng taong mahal niya. “Buti na lang andyan si Loisa para tulungan ka” nakangiting sabi nito. “BABES, I KNOW it’s too late but can you stay pa kahit 30 mins?” paglalambing nito sa kanya. Pagkatapos siyang linisan nito ay nagpasya silang manood ng isang pelikula at ngayon ay katatapos lang ng pinapanood nila. Magyaya na sana siyang umuwo dahil lagpas alas dose na nang biglang magsabi ito na manatili pa siyang ng kaunting oras. “Hmm.. 15 mins? Past 12 na Babes baka nag-aalala na sa akin si Daddy” sabi niya. “I’m good sa 15mins Babes, thank you so much!” masayang sabi nito at bigla siyang niyakap. Natawa siya sa naging reaksyon ni Pierre dahil sa pagpayag niya na manatili kahit ilang minuto lang, para itong batang nanlaki ang mata dahil sa gulat. Umayos ito ng upo, lumipat ito sa computer chair dahil magkatabi sila sa couch para makaharap sa kanya, niyakap siya nito at isinandal ang ulo sa kaliwang balikat niya. “Sobrang miss na miss kita Babes” pabulong na sabi nito. “I miss you too Babes” sagot niya. Totoong namiss niya ang kanyang kasintahan kaya gumanti siya ng yakap dito. Nagulat siya nang bigla siyang tinitigan ni Pierre na hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa kanyang bewang. “What?” nagtatakang tanong niya. “I love you” “I lo…” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan na siya ni Pierre, isang matamis na halik na namiss din niya. Isang halik na puno ng pagmamahal. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dahan dahang gumanti ng halik sa kanyang kasintahan. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa kanya ni Pierre. Bawat galaw ng labi nito ay tila napaparamdam nito ang pagmamahal nito sa kanya. Hanggang sa unti unti ay nararamdaman na niya ang pagbilis ng halik ni Pierre, isang halik na puno ng pagka uhaw, isang halik na hindi niya masabayan. Pero hindi siya nagpatinag kay Pierre, sinusubukan niyang sabayan ang mabilis na halik nito at nadadala na din siya sa init ng halikan nila. Naramdaman niya ang paghaplos ng kanang kamay ni Pierre sa kanyang likuran, pero hindi niya ito pinigilan dahil pakiramdam niya ay nagdadala din iyon ng init sa kanilang dalawa. Bumitaw pansamantala si Pierre sa paghahalikan nilang dalawa para lang huminga at muli na naman nitong inangkin ang kanyang labi. Isang mainit na halik na naman ang naramdaman niya at muli na namang niyang sinasabayan ang halik na iyon. Nararamdaman na niya ang pagdiin ng kanang kamay ni Pierre sa kanyang likuran, madiin ang bawat hagod na iyon. Hanggang sa tumabi na si Pierre sa couch kung siya saan nakaupo, nakalipat ito ng upuan ng hindi napuputol ang kanilang halikan. Pakiramdam niya ay nakahiga na siya kahit na alam niyang hindi dahil nararamdaman pa din ng kanyang mga paa ang sahig tanda na nakaupo pa din siya. Bumaba ang halik ni Pierre sa kanyang leeg at ibang kilig na naman ang naramdaman niya, hindi niya mapigilan si Pierre dahil sa init na nararamdaman niya. Hinayaan niyang halikan nito ang buong leeg niya. Hanggang sa maramdaman niya ang kaliwang kamay ni Pierre na hinahaplos ang kanyang binti at dahil naka skirt lang siya ay nakaramdam siya ng pagkailang. “Babes?” mahinang tawag nito kay Pierre. Hindi sumagot si Pierre dahil alam niyang mahina lang ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito. Ibinalik ni Pierre ang halik nito sa kanyang labi kaya hindi na uli siya nakapagsalita. Sa pagkakataon na iyon ay naging mas mapusok ang halik nito na parang uhaw na uhaw sa kanya, halos hindi na siya makasabay sa halik na ginagawa nito. Naramdaman niya ang kaliwang kamay nito na nakahawak sa kaliwang balikat niya at ang kanyang kanang kamay naman ay naglalakbay kung saan saan hanggang sa makarating sa kanyang dibdib at bigla na lang siyang nakaramdam ng takot. “Ba..bes” pinipilit niyang magsalita kahit na naghahalikan sila. Sinubukan niyang itulak si Pierre pero hindi ito nagpapatinag sa tulak niya. Nararamdaman na niya ang sakit sa kaliwang balikat niya dahil sa pagkakahawak ni Pierre. Hindi naman niya maigalaw ang kanang braso niya dahil naiipit sa pagitan ng katawan niya at sandalan ng upuan. Mali na to, nasasaktan na ako. “Pi..e..rre..” Hindi pa din nito binibitawan ang labi niya. Pahigpit din ng pahigpit ang hawak ni Pierre sa kanyang balikat. “Pi..e.rre na..sa.saktan a..ko” reklamo niya pero hindi pa din siya nito pinapakinggan. “AHHHHH!” Napasigaw siya dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang balikat, halos maiyak siya sa sakit at doon lang natauhan si Pierre. “Oh my God Babes, what happened?” nagtatakang tanong nito. “You hurt me Pierre…” sabi niya na halos maluha luha sa sakit. “… I told you nasasaktan na ako pero di mo ako pinakikinggan” sabi niya. “I’m sorry Babes, I didn’t hear nadala lang ako” paliwanag nito. Tiningnan nito ang kaliwang balikat na iniinda niyang masakit at nakita niya ang gulat ni Pierre na makita nito ang pamumula at halos bumakat ang kamay nito. “Oh no! Babes I am so sorry” sabi nito na tila natataranta dahil sa nakita. “It’s okay, I just want to go home” mahinang sabi niya. BABA NA SANA ng sasakyan si Samantha ng hawakan siya ni Pierre sa kanyang braso. “Babes, I’m really sorry” sabi nito. Bahagya siyang ngumiti dito. “I need to go, I’m so sleepy na” sabi niya. Agad din naman siyang binatawan ni Pierre at bumaba na siya, hindi na niya nilingon pa si Pierre pagkababa niya, alam niyang hinihintay nitong makapasok siya sa kanila bago umalis. Nang makapasok na siya sa tarangkahan ng kanilang mansyon ay tsaka niya narinig ang pagalis ng sasakyan ni Pierre. Napabuntong hininga na lang siya bago muling naglakad. Hindi muna siya pumasok sa loob ng mansyon, dumeretso siya sa kanilang hardin at umupo muna sa isang bangko para magpahangin. Nararamdaman pa din niya ang sakit sa kaliwang balika, parang mas masakit pa iyon kesa sa sugat niya sa kanang balikat. Napabuntong hininga siya at tsaka tumingin sa kalangitan. Nay, bakit parang bigla akong na-confuse, bakit parang bigla akong natakot? Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng lamig kahit na hindi naman humahangin sa labas. Nay, ikaw ba yan? Niyayakap mo ba ako? “Bakit ngayon ka lang nakauwi?” Nakilala agad niya ang boses na iyon kaya hindi niya na ito nilingon pa. Si Alex. “It’s my first time to stay late again, tapos sesermonan mo lang ako” sabi niya. “We need to clean your shoulder” “It’s okay, nalinis na ni Pierre ang sugat ko…” tumayo siya at hinarap si Alex. “…and starting tomorrow let Loisa clean it for me, please?” sabi niya at nilagpasan na si Alex. “I said no Sam, I told you na hangga’t hindi yan gum…” “Alex, please, ayokong nagseselos si Pierre, ayokong maramdaman niya na hindi secure ang relasyon namin kaya please, let Loisa do it, and…” bumuntong hininga muna siya bago pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. “… Remember? Hindi na kita bodyguard” pagtatapos nito at tuluyan nang umalis, hindi na niya hinintay ang sagot ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD