Madaling araw palang ay gising na si Melissa. Excited s'ya sa magiging ganap ngayong araw. Maaga s'ya naghanda ng maisusuot. Isang maiksing short ang kanyang napili at nakapaloob dito ay isang one piece swimsuit, kaya mapapansin agad ang makurba n'yang pangangatawan. Nag-beach slippers din ang dalaga at gumamit s'ya ng scarf upang gawing protection sa mainit na sikat ng araw. Naglakad s'ya papunta sa dalampasigan. Nais n'ya masilayan ang paglabas ni haring araw. Nakahanap ng magandang pwesto ang dalaga sa isang cottage na katapat ay ang mismong restaurant sa hindi kalayuan na matatanaw mula roon ang lahat na nasa tabing dagat. Huminga ng malalim ang dalaga at napangiti s'ya sa malamig at malinis na simoy ng hangin. "Good morning, self!" bulong n'ya. "Good morning too, dear! Let's have a

