Sinadya talaga ni Melissa na gawing sulit ang kanyang pamamalagi sa resort. Alam n'ya na nanggagalaiti na ang binata sa ginagawa n'yang pakikipaglapit sa ama nito. Nalilito man ay hindi nagpatinag ang dalaga. Basta ang tanging alam n'ya ay ginagawa lang n'ya ang sa tingin n'ya ay naayon sa kanyang plano at kagustuhan. Naging routine na n'ya na magmasid sa dalampasigan tuwing umaga at ganun din sa dapit hapon bago pa sadyain ang villa ng mga Madson. Walang pinagbago ang pagiging malambing at magiliw sa kanya ni Hendrick. "Kung maari lang dito na ako tumira subalit hindi maari dahil sa Manila ang buhay ko. Ang sarap pa naman sana dito," bulong ng dalaga habang masayang minamasdan ang pagsikat ng araw. "You can stay here for good or maybe you can frequently visit me here," biglang bungad n

