Umuwi si Melissa ng Quezon City na bigo at laylay ang balikat. Maging ang mga kasama ay nasurpresa sa kanyang biglaang pag-uwi. Walang gustong magtanong kay Melissa. Lalo't base sa reaction ng itsura nito ay hindi pa ito ganap na nakaka-move on sa kung ano man ang pinagdadaanan nito. Diretso sa kanyang silid si Melissa ng walang pasabi. Nagkatinginan ang magkakaibigan na naroon na sina Candy, Mandy at Leslie. Pabagsak na nahiga ang dalaga at tumalikod sa mga kaibigan. Sumenyas si Mandy kay Candy ngunit nagkibit balikat lang ito. Ilang sandali lang ay nakatulog na ang dalaga. Marahil ay sa sobrang pagod sa biyahe at dala na rin ng emotional stress mula sa pinanggalingang lugar. Papagabi nang s'ya ay magising. Wala sa silid ang mga kaibigan kaya tumayo na ang dalaga upang makapaglinis ng k

