Pagkapasok ng villa house ng grupo ay hiningal si Melissa. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa hindi inaasahang pangyayari kanina. Ngayon lang n'ya na-realize na malaki ang pagkakahawig ng dalawa ngunit masasabi n'ya na may pagkakaiba ang mga ito pagdating sa babae. Nahiga si Melissa habang minamasahe ang kanyang ulo. Na-stress s'ya nangyari. "Kailangan ko makapag-isip ng dapat gawin, hindi maari na masira ang plano ko." Saad ng dalaga habang nakapikit. Hindi s'ya makatulog dahil hindi s'ya mapalagay hanggat walang solid na game plan. "Alam ko na," napapangiti na bulong n'ya saka tumayo at tumungo sa shower upang makapaglinis ng katawan at ma-relax. Paglabas n'ya ng shower ay nagsidatingan na ang mga kasama. Puno ng pagtataka ang mga ito kanina at hindi pa rin ito nawawala sa ka

