Chapter 15 Monteclaro's birthday party- the trio meet up

2025 Words
Eksakto alas otso ng gabi ay nasa maluwang na bulwagan ang lahat ng mga bisita ngunit bago pa dumating ang ibang mga panauhin ay nauna na sa kanilang table ang mga alaga ni Madam Aura. Nagsimula ang gabi sa isang mainit na pagpupugay ni Senador Monteclaro. Ang unang mapupuna sa naturang kasiyahan ay ang mga magagarang kasuotan ng mga bisita. Siyempre hindi nagpahuli ang grupo ni Melissa sa pabonggahan ng kasuotan. Sumunod naman ay ang maiksing mensahe galing sa malalapit na pamilya at kaibigan ng Senador. Naging maningning ang gabi dahil sa grupo nila na naging agaw atensyon sa mga lalaking bisita ng host. Nagsimula na ang magarbo at masaganang kainan. May banquet table sa bawat sulok at puno ito ng mga pagkain at inumin. Abala naman ang servers at iba pang staffs ng resort. "Good evening, ladies! How was the food?" tanong ng Senador. Lumapit ito nang mapansin na tapos na sila maghapunan. "The food was great. Thank you, Mr. Senator!" sagot ni Aria. "That's good. By the way, I want you to meet Mr. Hendrick Madson. May-ari s'ya nitong resort at isa sa pinakamatalik kong kaibigan," masayang pagpapakilala ng Senador sa kaibigan. "No further introduction, my friend. We have already met earlier today," nakangiting saad ni Hendrick sa kaibigang Senador. "Oh! That didn't surprise me. Anyway, choose your pick. I have to attend to other guests, alright?" magiliw na pahayag ni Senador Monteclaro at magalang na nagpaalam sa kanila. Naiwan si Hendrick sa kanilang grupo at masayang nakipagkwentuhan. "Ladies, only if I can have all of you. I would love to, but I can only choose one. May I take this chance to be with this lovely lady in blue?" magiliw na paanyaya nito kay Melissa. "I've told you," bulong ni Leslie sa kanyang tainga. Nakangiti ang mga kasama nang lingunin ito ng dalaga. Malapad ang mga ngiti na binigay n'ya ang kanang kamay sa lalaki at iginiya s'ya nito sa gitna ng bulwagan. Nagsayaw sila sa malambing na himig ng musika. Magaling sumayaw ang lalaki. Matikas pa din ito sa kabila ng edad nito. Sa tantiya n'ya ay mahigit sisenta na ang kanyang kapareha. Gwapo ito at habang tinitigan n'ya ang kasayaw ay may naalala s'ya dito na hindi n'ya matumbok. Parang nakita na n'ya ito somewhere. "Siyempre kanina nagpakilala na s'ya so malamang dun mo s'ya nakita," sabi ng kanyang isipan. Naipilig n'ya ang ulo upang mawaglit sa isipan ang ganung palaisipan. Pagkatapos ng tugtugin ay hinatak s'ya ng lalaki sa isang sulok. Tiningnan n'ya ang mga kasama at nakita n'ya na may mga kanya-kanya ng kapareha ang mga ito. "Would you mind if we go out?" tanong ni Hendrick. "No problem." Nakangiting pagpayag ni Melissa. Dinala s'ya nito sa isang open space malapit sa amusement park. Malamig ang simoy ng hangin at tanging nag-iisang ilaw sa gitna ang nagsilbing liwanyag nila. "I appreciate you joining me here," panimula nito at napatingin sa payapang kalangitan. "You got a beautiful place. Do you live here?" saad ng dalaga at naupo sa isang bench na gawa sa semento. "Yes, from the day I left the company. I let my son take over the family business and I decided to live here with Maki. I loved this place, you know. This is the only memory I have of my wife," kuwento nito. "What happened to her?" tanong ng dalaga. Nakatayo pa rin ang lalaki habang may hawak na inumin at ang isang kamay nito ay nasa bulsa. "She was taken away from me for good. She got sick," patuloy ng Amerikano. "Sorry to hear that. I guess she has found peace already and she still looks out for you," saad n'ya. "That is the reason why I can't leave this place. We had all our memories here. My son couldn't force me to live with him. We have a house in Makati, but we seldom go there." Kuwento ng lalaki na hindi nagdadalawang-isip. "Where is your son? Doesn't he want to live in Makati?" curious na tanong n'ya. "No, he has his own space. Maybe someday if he already has a family," sabi nito patungkol sa sariling anak. Napatingin ito sa kanya at lumapit. Umupo sa kanyang tabi habang ang mga mata ay nakapagkit sa dalaga. "You are beautiful." Papuri nito. "Thank you!" nakangiting tugon ng dalaga. "How about you? Why are you in this kind of work? Sorry, I do not mean to offend you or anything, I am just curious." Mahabang pahayag ng matanda. "I chose to live this life. I am an orphan. My relatives doesn't want me all along so that's why I am here trying to find a living," matapang na pagtatapat n'ya tungkol sa kanyang naging buhay. "Good thing that your boyfriend allowed you to be in this profession," saad nito. "I do not have a boyfriend, but I already like someone. Just that, we are in a complicated situation," pahapyaw na sabi n'ya. Pakiramdam n'ya matagal na n'yang nakita o nakilala ang lalaki kaya nagagawa n'yang magkuwento rito. Higit ninuman ay walang ibang may alam sa kanyang buhay maliban sa mga taong malalapit sa kanya. "Then he must be scared of something," sabi nito. Nagkibit balikat lang ang dalaga at hindi na nagsalita pa. "Are you not drinking?" tanong nito nang mapansin na halos hindi n'ya nagagalaw ang dalang inumin. "Occasionally I do, but it depends on my mood." Sagot ni Melissa. "I have this feeling that I'm going to like you. Really! The first time I saw you today, I can say that. I like this girl," prangkang saad ni Hendrick sa kasama. Hindi na ito bago kay Melissa at alam naman n'ya paano pakisamahan ang mga ganitong kliyente lalo na sa kagaya ni Hendrick na mukhang madaling kausap. "What made you say that?" tanong ni Melissa. "I don't know. I just feel it," tugon nito. "You think we are that compatible?" natatawang biro n'ya. "I think so, yes." Mabilis ang sagot na tugon ng lalaking kasama. "You're such a nice person. Your wife must be lucky to have you," saad n'ya rito. "I knew that. If I'm going to marry someone again, she must be feeling the same thing. I think I have found that special someone," seryoso ang pagkakatitig nito sa dalaga. "Really? That's good news. I'm happy for you," masayang pahayag ng dalaga kahit pa na medyo naiilang s'ya sa nagiging takbo ng kanilang usapan. "Yes. Would you be happy if you found out it was you I was talking about?" tanong nito na tila binabasa ang tunay n'yang saloobin. "You must be very quick to say that. I am so flattered. Thank you! However, the time we were together wasn't enough for you to admit your special affection towards me," saad ni Melissa. "I don't like wasting time. I hate that because we don't know if in the next second we'll still be alive." Giit ni Hendrick. " I understand," tumatango na sagot ng dalaga. "I hope I didn't offend you or make you feel awkward," patuloy ng lalaki. "Not at all. You are such a gentleman and I admire you for that," nakangiting sabi ni Melissa na nagdulot ng masayang pakiramdam sa kausap. "If ever I ask you to stay for a while, do you mind?" tanong nito. "What do you mean?" ulit na tanong ng dalaga dahil medyo malabo ang dating sa kanya ang sinabi ng matanda. "If I invite you to extend your vacation here at the resort, would that be okay?" pag-uulit nito ng tanong. "I am not sure yet. I have to check first if I have some other matters in the next few days to come," pahayag ng dalaga. "Alright. If ever you have changed your thoughts, let me know. The offer is always wide open for you." Mapagpasensya na sabi ni Hendrick. "Sure, thanks." Nakangiting tugon n'ya. Naubos na nito ang inumin kaya nag-aya na itong bumalik sa hall kung saan naroon ang maraming bisita. "Dad, I have been looking for you. Where have you been?" tanong ng lalaki na sumalubong sa kanya. "Sorry son. I have lost my consciousness that you will be home tonight. I am just having a good time with this beautiful lady! Melissa, please meet my only son, Gregory!" masigla ang boses na pagpapakilala ni Hendrick sa dalawa. Napatda naman ang babae sa nangyari. Hindi n'ya inaasahan na mag-ama ang dalawa. Saka n'ya na-realize na kaya pala parang pamilyar sa kanya ang lalaki dahil ama pala ito ni Gregory. Gusto n'yang kumaripas ng takbo sa nalaman. "Hi! I didn't know he was your father," nauutal na panimula ng dalaga. Maging si Gregory ay nagulat. Ngunit ilang sandali lang ay napalitan ito ng pagdidilim ng kanyang mukha na ipinagtaka ni Melissa. "You know each other?" pagkumpirma ng ama ni Gregory. "Yes, remember Daniel's bachelor party? We met there once," sarkastiko ang binata sa naging tugon nito sa tanong ng ama. Hindi na nagawang sumagot pa ni Melissa dahil iginiya na s'ya papasok sa event hall. Magkasunod silang tatlo na pumasok sa bulwagan. Hinanap n'ya ang kanyang grupo ngunit hindi na n'ya mahagilap ang mga ito. Si Hendrick naman ay hindi umaalis sa kanyang tabi kahit pa na may iba itong nakakausap. Samantala si Gregory ay magkasalubong ang kilay at madilim ang mukha sa buong oras na sila ay magkasama katabi ang ama nito na halatang hindi apektado sa kanilang pagkakilanlan. "Did you plan all this?" bulong ng binata sa kanya habang lumalagok ng alak sa hawak nitong glass. "No. I don't have any single idea until you arrive." Pakli ng dalaga. "Really, huh? You want me to believe that?" marahas na bulong nito na pinipilit na nagpipigil upang hindi sila mahalata ng ama na nag-aargue. "Bahala ka sa kung ano ang iisipin mo," sagot ng dalaga. Pilit na pinagtatakpan ng masayang ngiti ang kanina pa ay kagustuhan ng dalaga na makaalis. How she wishes she could na sana matapos na ang party. Pagod na s'ya at higit pa doon ay naiilang s'ya sa kanyang sitwasyon na napapagitnaan ng mag-ama. Ngunit sa kabilang dako ay hindi n'ya maiwasan ang mapaisip o magtaka sa naging reaksyon ng binata. Gusto n'ya kiligin sa idea na baka nagseselos ito ngunit ayaw lang ipahalata. "Son, you want to have a dance with Melissa? Okay lang sa akin," untag ng ama na abala sa pakikipag-usap sa ibang kakilala. "Marunong din pala itong magtagalog, pinahirapan pa ako kaka-salita ng English." tahimik na pag-alburuto ng dalaga. Nagpaunlak naman ang binata sa suhestiyon ng ama. Hinawakan n'ya ng mahigpit sa bewang ang dalaga at sabay sila na nagpumagitna upang magsayaw. Napansin n'ya ang reaksyon ng kanyang mga kaibigan na naguluhan sa nakikita kanina pa. "Ano ang ginawa ninyo kanina ni Dad?" kumpronta ni Gregory sa kanya. "We talked." Tipid na sagot n'ya. "Talaga? Talk? Ilang oras kayo na nasa labas? Matagal akong nag-ikot at naghanap hindi ko kayo nakita, saan kayo nag-talk, huh?" ulit nito na mukhang mainit ang ulo. "Sa amusement park kami nagtagal and we just talk. Even if you ask him," giit n'ya. "Alam ko naman na hindi s'ya magsasabi ng totoo. Because some things are meant to be private," sagot nito. "Why are you mad? Are you jealous?" diretsong tanong ng dalaga. Tumigil ang binata at naningkit ang mga mata sa naging tanong n'ya. "Are you kidding me?" nagpipigil ito sa hindi maunawaan na reaksyon kung magagalit ba ito o matatawa. "I think you are just jealous," matapang na sagot ng dalaga kaya napahigpit ang paghawak nito sa kanya. "No way. That will never happen," overconfident na sagot ng binata at iniwan s'ya sa gitna. Mabagal na lakad takbo ang ginawa ng dalaga saka bumalik sa dating pwesto sa tabi ni Hendrick. "Are you guys cool?" tanong nito na walang alam sa nangyayari. "Of course. Can I excuse myself? I wanted to rest," paalam n'ya sa matandang Madson. Tiningnan nito ang orasan at alas dos na nga ng madaling araw. "Sure, you may go! Sorry, I didn't notice the time." Paghingi nito ng paumanhin. "Thanks." Sagot ni Melissa sa ama ng binata saka walang anuman na naglakad palabas ng hall papunta sa villa na kanilang tinutuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD