Kabanata 9

1189 Words
Margarette Tinatanaw ko ang payapang karagatan habang nasa view deck ng silid nang madama ko ang pagbangon ni Rig sa kama. His sculpted upper body effortlessly flexed in his simple movements. Para siyang anghel na kagigising lamang sa kanyang itsura na tanging ang lukot na kumot ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan. Rig is really sought-after. Mula sa itsura hanggang sa katawan ay imposible talagang hindi siya magustuhan ng maraming kababaihan. Our eyes met. I looked away immediately, failing to stare at his dangerous eyes for so long. Kumilos naman siya't lumakad palapit sa aking pwesto. Nang narating ako ay yumakap mula sa likod. I had to hold my breath when he buried his face on my shoulder blade. His stubbled beard tickled my skin a little. Mukhang naramdaman niya namang nakiliti ako kaya inangat muli ang mukha at hinalikan ako sa aking sintido. "Maliligo lang ako. Call the reception and order our breakfast," utos niya bago bumitiw mula sa pagkakayapos sa akin. I waited for him to get inside the bathroom before I went back in our room to make the call. Naupo ako sa gilid ng kama at dinampot ang landline phone para tumawag sa reception, ngunit bago ko pa mai-dial ang numero ay umilaw ang screen ng cellphone ni Rig na nasa ibabaw ng bedside table. Lilibeth: How's it going? Is she taking the bait? Napakurap ako sa nabasa. Isn't Lilibeth Rig's ex-girlfriend? Bakit . . . gano'n ang chat niya kay Rig? I felt a lump forming in my throat. Ako ba ang tinutukoy? What kind of bait is it then kung ako nga? Dali-dali kong inalis ang tingin ko sa screen ng phone ni Rig nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya para kunin ang cellphone niya. Maya-maya ay bumalik din sa loob ng banyo para tuluyang maligo. I sighed and just ordered our food. Nang natapos siyang maligo ay saktong dumating din ang pagkain. He seemed pissed while eating. Nakakunot ang noo at halos hindi ako kinikibo kaya hindi ko na naiwasang magtanong. "Okay ka lang ba?" Rig lifted his gaze and looked at me as if he didn't expect me to ask him such question. "What?" I swallowed. "Ang sabi ko ay okay ka lang ba?" Hindi niya ako kinibo kaagad. He just stared at me for a few seconds like he's having a hard time. Maya-maya ay nagbaba ulit ng tingin sa kanyang pagkain. "Yeah. I'm just having a terrible headache." I jerked my head before I stood up. Pumwesto ako sa kanyang tabi at minasahe ang ulo niya. Rig looked at me with a hint of surprise in his eyes. Lumambot na rin ang ekspresyon na tila ba may nahaplos akong bahagi ng kanyang matigas na puso. "Kapag maliligo ka, unahin mo palaging basain ang mga paa mo tapos paakyat ng katawan. Kapag mainit ang panahon at direktang bumuhos ang malamig na tubig sa ulo, nabibigla ang katawan. Your blood pressure will shift too instantly at pwedeng mag-cause ng aneurysm kaya iwasan mo," paalala ko. Rig sighed. He put his fork down and parted his legs so he can drag me to sit on his thigh. Hindi na lamang ako nagreklamo. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagmasahe sa kanyang ulo kahit na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. "Why nursing? Wala namang yumamang nurse," basag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanyang mga mata. "Hindi naman ang yumaman ang dahilan ko kaya ako nag-nursing. Gusto kong makatulong sa mga may sakit kaya pinili kong maging nurse. Kapag tumanda sina Mommy at Daddy, gusto ko silang maalagaan nang maayos bilang pagtanaw ng utang na loob." Umismid siya. "Well, don't you have too much goodness in you, hmm?" Hinaplos niya ang aking hita. "That's a scary thing to possess, Margarette." "Hindi naman siguro." "The world is mostly unfair to kind people." He moistened his lower lip. "I know someone who was so kind. Sa sobrang bait, inaagnas na ngayon. You know why? Because kindness is equal to stupidity." Payak akong ngumiti. "Pwede kang maging mabuti nang hindi ka nagiging tanga, Rig. Isa pa ay masarap tumanaw ng utang na loob." "Yeah. But debt of gratitude is mostly used as a weapon. Kung tunay na mabuti ang isang tao, they will never use it to their advantage. It's not supposed to be a ticket to abuse and mistreat someone you once helped." Humugot ako ng hininga. "Tama ka naman diyan, Rig. Pero hindi naman lahat ng pinagkakautangan ng loob ay gano'n. There are people who are genuine. Iyong hindi isusumbat sa iyo kung ano man ang nagawa nila para sa iyo. Siguro kung sakali mang ikapahamak natin ang pagkakaroon ng utang na loob, kailangan na lang nating matutunan ang apat na mahalagang bagay." "And what are those, hmm?" he asked while watching my lips. "Do not defend yourself, do not engage, do not explain, and never take it personally. May napanood akong interview ni Dr. Ramani at iyon ang payo niya." "Care to elaborate?" I massaged his temples. "You don't have to defend yourself because once you do, you're declaring that you're ready to go to war against the other person. A senseless war of ego to be exact. Never engage, because once you feed them with attention, they'll do everything to keep you on the hook. Do not explain, because the other person will never listen to you nor see your point so useless lang din ang pagpapaliwanag mo. Lastly, do not take it personally. Sabi ni Dr. Ramani, no matter how crazy it may sound, it's not actually about you. It's the other person who is projecting their own insecurities, traumas, and loneliness. It is not our fault that they give just to get something in return. If they get mad because they think you didn't pay them forward for what they've done to you, then sila ang may problema. Kasi ang utang na loob ay hindi nababayaran. After all, it's debt of gratitude not an investment." Rig's lips curved a small smile. "Well aren't you a little something, hmm?" "What do you mean?" "Nothing," he replied in a breathy way. "Thanks for giving me a massage. Let me return the favor," aniya bago ako binuhat upang dalhin sa kama. "Rig, it's too early," protesta ko nang hubarin niya ang aking pantaas ngunit umiling siya't kinuha ang oil sa banyo. "We're not gonna f**k. I'm gonna give you a massage. Lay on your stomach." Bumuntonghininga ako't ginawa ang kanyang sinabi ngunit nang tila napansin niya ang peklat ko sa likod ay kumunot ang kanyang noo. "The hell happened here?" tanong niya. Palibhasa ay madalas madilim kapag nakikita niya akong hubo't hubad kaya wala siyang ideya na mayroong peklat ang lower back ko. Payak akong ngumiti. "Sabihin na lang nating masyadong masalimuot ang mundo ko bago ako nabigyan ng maayos na buhay ng mga magulang mo." Lumamlam ang kanyang mga mata. Maya-maya ay umiwas siya ng tingin at bumuntonghininga. "Be careful with who you trust, Margarette. Even the ones who are offering you a hand might have caused you to fall in the first place . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD