Margarette
Tiningnan ko ang kamay ni Rig na humawak sa aking baywang habang naglalakad kami patungo sa resto ng resort. Nang madama niya ang pagtingin ko ay marahan niyang piniga ang aking baywang.
"Someone is eyeing you. I don't like it," he said with a hint of jealousy.
Tahimik na lamang akong bumuntonghininga. Today's our last night in Bali. Bukas ay babalik na ako ng Manila habang siya naman ay kukunin lang ang gamit niya sa mansyon pagkatapos ay lilipad na patungong London, pero hanggang ngayon, para bang hindi ko pa rin siya makitaan ng pagsisinungaling tungkol sa sinasabi niyang pagkakagusto niya sa akin.
Sa katawan ko pala. He's possessive towards my body but not with me. I should keep reminding myself of the fact that Rig only sees me as a s****l subject.
That's all, although sometimes I'd like to think that we're making progress. Dahil paminsan-minsan ay nagagawa naming mag-usap tungkol sa kanya-kanya naming buhay. Bagay na hindi naman namin nagagawa noon. It was like in a span of three days, Rig stopped being a total stranger to me.
Pagdating sa boho style na resto ay ipinaghila niya ako ng silya. Isang bagay na hindi ko inasahan.
I watched him drag his seat closer to mine. Ipinatong din niya ang kanyang braso sa sandalan ng upuan ko saka niya binuklat ang menu.
"Order something heavy. I drained your strength last night," he commanded before he tucked a few strands of my hair on the back of my ear.
I pursed my lips, shushing the butterflies that are starting to wake up in my belly because of his simple actions. Iniwas ko rin ang tingin ko at bahagyang yumuko nang hindi niya napansin ang pamumula ko, ngunit mukhang hindi iyon nakatakas sa nagmamatyag niyang mga mata.
"I can make you blush now, huh. Are you into me already?" he teased in a cocky way.
Lumunok ako at umiling. "H-Hindi."
He smirked. "Yeah, right. As if I can't smell your lies like your arousal," he replied before he touched my thigh. Napasinghap pa ako nang tumaas iyon nang husto hanggang tinamaan niya ang undergarments ko.
"S-Stop it, Rig." Nahihiya kong pinasadahan ng tingin ang paligid. "People might see us."
"Don't care," pahikab niyang sabi. "I could f**k you on top of this table and they can all watch for all I care."
"Rig," suway ko.
He gave me a side eye before he slouched on his seat and pulled his phone out. "Fine."
Lumapit ang lalakeng waiter habang abala si Rig sa kanyang phone. Nang magtanong ang waiter ng order ay marahan kong tinapik ang hita ni Rig.
"Ano gusto mong kainin?" I asked.
"Ikaw," he said in a bored way while replying to God-knows-who.
My cheeks burned. Hindi ako nakapagpigil at kinurot siya sa tagiliran. Umikyad siya't mahinang tumawa habang hinahawakan ang kamay kong kumurot sa kanya; isang bagay na nakapagpatulala sa akin.
His laughter. It seems . . . genuine.
Rig shifted to his seat then pinched the tip of my nose when he saw me staring at him in a bewitched way. Akmang sasagot na rin siya nang matanggap na chat. Nang mabasa iyon ay naglaho ang sigla sa kanyang mukha saka bumuntonghininga.
"I'll have your special Nasi Ayam," he said then turned his gaze to me. "What's yours, baby?"
Napakunot ako ng noo nang mapansing nakaigting ang kanyang panga at ang mga mata ay tumalim na tila nainis siya.
"Uhm, I'll just have the same."
Iniwan kami ng waiter matapos i-confirm ang order, at habang naghihintay na mai-serve ang pagkain ay napansin ko ang pagbagsak ng mood ni Rig. Halos ayaw na rin niyang hawakan muna ang phone niya kahit kanina pa iyon tumutunog dahil sa mga natatanggap niyang chat.
Maya-maya ay nagkaroon ng komosyon sa dulong mesa. The guy slapped his partner so hard that she fell on the floor with bleeding lips. Napatayo ang mga tao kabilang kami. Umawat ang mga staff ngunit walang makapigil sa lalake.
As if Rig hated what he saw, he went to the guy and punched the guy on the face. Nakabawi ang lalake at nasuntok si Rig sa pisngi ngunit nagawa itong sipain ni Rig.
Nataranta ako nang husto. Mabuti na lamang at dumating ang iba pang staff kasama ang mga gwardya para awatin sila.
I gave the woman some first aid before I dragged Rig away from the scene.
"Tang ina niyan," asik pa niya bago sumama sa akin matapos ma-escort ang lalake palabas ng resto.
"Kumalma ka na. Tama na," I reminded him while rubbing his chest.
Rig drew in sharp breaths. Halatang hirap pa siyang pakalmahin ang sarili ngunit nang hinaplos ko ang pisngi niya nang makita ang namumulang bahaging siguradong magpapasa mamaya, tumingin siya sa akin at pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib.
"Let's go back to our seats," he said before he held my arm and pulled me back to our table.
"Hihingi lang ako ng ice," sabi ko.
Tumango siya at hinayaan ako. Luckily, they had an ice pack in the resort. Ni-request ko na lang ding idala sa room namin ang pagkain nang doon ko na maasikaso si Rig.
Pagkarating namin sa room ay nilagyan ko kaagad ng yelo ang pisngi niya. He was silent for a moment before he spoke in a low voice as if it's so hard for him to talk about what he's about to tell me.
"I had an older sister. She got pregnant at a young age. Kinuha sa amin ng pamilya ng nakabuntis pero binugbog naman ng gagong tatay ng anak habang buntis. Noong ibinalik sa amin, malamig nang bangkay."
Parang tinadyakan ang dibdib ko. "Is that . . . why you failed to contain your anger earlier?"
He clenched his jaw and nodded without looking at me. "Hindi ko nagantihan 'yong putanginang nakapatay sa ate ko dahil binaril niya sarili niya matapos niyang mapatay mag-ina niya. You know how much that made me furious? Knowing that I could never beat up the man who abused my sister? Kaya kapag nakakakita ako ng iba na kagaya niya, o kaya kahit sinong malapit sa kanya, gumaganti ako sa sarili kong paraan."
I sighed. "Rig, valid ang galit mo, pero hindi naman pwedeng habambuhay mong dala 'yan."
He looked away and shook his head while taking in a sharp breath. "I hope it's that easy."
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at muling pinatingin sa akin. "Kaya mo. Kahit paunti-unti, you have to let it go."
Basag siyang ngumiti habang tila may sama ng loob na nakatitig pabalik sa akin. "I hope I could do that before I fully destroy someone who doesn't deserve my wrath."
Napakurap ako. "What do you mean?"
Umiling siya at tumayo. "I need some air. Kumain ka na. I'll just take a dive," aniya bago tuluyang umalis ng room at isinara ang pinto.
I sighed. Looks like the Samaniegos are still strangers to me because of how little I know about them . . .