Margarette
"Lutang ka pa, Marga. Nasa bakasyon pa yata ang isip mo," nakangising kumento ni Nesleigh nang mapansing halos hindi ko nagagalaw ang lunch ko dahil kanina pa panay ang sulyap ko sa aking bagong phone na si Rig ang bumili kapalit ng luma.
I put my utensils down and sighed. "Wala lang akong gana ngayon. Medyo . . . kinulang sa tulog."
She scoffed. "Why? Someone kept you up all night?"
I pursed my lips. Sort of. Bumalik na ng Europe si Rig, at magmula nang naghiwalay ang landas namin matapos naming umuwi galing ng Bali ay hindi na siya nagparamdam.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang sumama ang loob ko. Kung bakit may bahagi ng puso kong hinahanap ang presensya niya.
Is it because he gave me a hint that he wants me? Kasi sabi niya noong huling gabi namin sa Bali ay gusto niya akong masolo?
I really don't understand why I feel so hung up. Kung bakit may parte ng pagkatao kong nagsimulang umasa sa kanya.
Do I like him? Interesado na ba ako sa kanya ngayon?
Another heavy sigh left my lips. Nakangisi namang umiling si Nesleigh bago niya binuksan ang tumbler niya.
"Hindi mo na kailangang sagutin. Halata na masyado sa mukha mo na in love ka," she said.
My heart pounced and I suddenly became defensive. "Hindi, ah!"
Natawa siya nang mahina. "Para naman tayong mga bata kung ide-deny mo pa. Pa-graduate na tayo ng kolehiyo, Marga pero ni minsan hindi pa kita nakitang nagkaganito." She poked my side. "Umamin ka na lang. Hindi ka naman marunong magsinungaling."
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ako in love."
It's too early to call it love? Maybe I'm just having a sort of attachment issue, that's all? Rig took my virginity anyway at napag-aralan na namin noon sa psychology class na naa-attach ang isang tao sa nakakuha ng virginity niya.
Yes. Iyon lang iyon. Rig is a walking red flag anyway. He's possessive. He gets triggered easily. And he jumps from one girl after the other. Hindi naman gano'n ang gusto ko, 'di ba?
Bumuntonghininga ako. "Ubusin na nga natin 'to nang makabalik na ng duty," sabi ko na lang kahit alam kong hindi ko rin naman magagalaw ang pagkain ko.
We went back to our stations after our lunch break. Dinaldal pa ako ni Nesleigh habang nagra-rounds kami kaya kahit paano ay naokupa rin ang isipan ko.
Nang natapos ang duty ng araw na iyon ay nagyaya naman ang mga kaklase namin. Birthday ni Lovely, ang kaklase naming running for a latin title. Hindi naman kami makatanggi dahil talagang mabait. Mabuti na lang at kumain lang sa Japanese resto at walang nagyaya ng inom dahil hindi talaga ako sasama kung sakali.
"Bye! Salamat ulit sa libre, ah?" paalam ni Nesleigh kay Lovely bago kami nakisakay sa kotse ng kaklase naming si Yujin.
We waved them goodbye before Yugin drove his car. Sila ni Nesleigh ang mas nag-usap habang nasa daan kami pauwi. Minsan ay sumasagot ako kapag tinatanong ngunit mas panay ang check ko sa phone ko.
I cannot admit to myself that somehow, I am waiting for a chat from Rig. Kaya lang tuwing tinitingnan ko ang phone ko at wala ni isang chat ay sumasama lamang lalo ang loob ko.
Pagkahatid nila sa akin sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto. Ngunit imbes mag-shower na at magbihis gaya ng kinasanayan, ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama saka ako blangkong tumitig sa kisame.
A heavy sigh escaped my lips while I'm resting my palms on my belly. "Ano bang nangyayari sa'yo, Margarette? Bakit ba hinihintay mong mag-chat siya eh hindi ka naman girlfriend?"
I rubbed my palms on my face and was about to pull myself up when I felt my phone vibrated. Bigla akong nakaramdam ng excitement, kaya lang nang makitang chat lang iyon ni Nesleigh na sinasabing nakauwi na siya ay bumagsak na naman ang enerhiya ko.
I chatted her back before I finally decided to take a shower. Napatagal pa ang pagbababad ko sa banyo dahil talagang ginugulo ni Rig ang isip ko. Para naman akong naging late bloomer nito? Nagkaka-crush ako noon pero hindi naman malalim. Tipong pagkalipas ng ilang araw o linggo ay nawawala na, pero ito, iba.
My skin is looking for his warmth. My lips crave for his kisses. Mga bagay na alam kong mali dahil wala naman kaming relasyon.
Pinatay ko na ang shower at nagroba. I dried my hair and went out to wear my indoor clothes. Ngunit nang napansin kong umiilaw ang cellphone kong nasa ibabaw ng kama ay sandali ko iyong nilapitan.
My heart nearly jumped out of my chest when I saw the most recent missed call from Rig. Sinundan naman iyon ng chat niya.
Righael Samaniego: Why aren't you answering my call? You mad or something?
I chewed my bottom lip as I contemplated whether to chat him back immediately or let him wait, too. Baka sabihin pa ay sabik na sabik ako sa chat niya!
Bumuntonghininga ako bago ibababa na sanang muli ang phone ko nang muli siyang tumawag. Hindi ko kaagad sinagot, ngunit nang manaig ang kasabikan kong marinig ang tinig niya ay labag sa loob kong sinagot ang tawag.
My heart beat faster than usual the moment Rig's face flashed in the screen. Tila kagigising lang at nakahiga pa sa kama. His hair was disheveled and I could see his stubbled beard from this angle.
Ang . . . gwapo.
"I forgot my phone in my room," bungad niya sa akin.
Napakurap ako. "Huh?"
"I said I forgot my phone. Naiwan ko sa kwarto ko diyan sa bahay. Nagloko rin ang cards ko dahil hindi na-notify kaagad ang bank na nakabalik na ko ng Europe. I just got my new phone last night but I was too exhausted to install my apps and make a call."
Lumunok ako. "B-Bakit ka naman nagpapaliwanag? H-Hindi ko naman tinatanong, eh."
He smirked. "I just felt the need to explain. Your face says you're upset anyway."
Umiwas ako ng tingin nang uminit ang aking pisngi. "H-Hindi ako galit, ah. H-Hindi ko naman hinihintay ang chat mo."
"Well, I was waiting for yours. It's sad to see my account after three days and saw several people's chats except yours."
Napakurap ako habang ang pisngi ay lalong uminit. "N-Nag-expect ka na . . . icha-chat kita?"
His brow lifted. "Why not? We f****d for three days straight in Bali. You think I wouldn't crave for your attention after that?"
Rig and his mouth as always. Bumuntonghininga na lamang ako at naupo sa gilid ng kama. "Mag-breakfast ka na. Anong oras na diyan nakahiga ka pa."
I don't know why but I swear I saw his eyes twinkled after hearing what I said.
Akmang sasagutin na niya ako nang tila bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at tinawag siya ng isang babae. Rig immediately dropped the call to probably prevent me from hearing the girl.
Napatulala ako sa screen ng phone ko. Ang dibdib ay nanikip at napuno ng galit.
My teeth gritted. Bakit ba ako nagpapapaniwala sa lalakeng 'yon? He's a manwhore. He wouldn't change overnight kaya bakit ako nagpapauto?
I sighed, and before I even knew it, I already blocked his accounts in all of my social media.
Hindi ako papayag na maging laruan niya.