Kabanata XII: Panibago

1903 Words
Sina Simeon WALA nang bakas ng pamumuwisit sa taniman namin. Noong nakaraan ay inayos na ito ng pamilya. Kitang-kita ang ekta-ektaryang bakante dahil sa nangyari. Hinahayag lamang nito ang pagkalugi ng negosyo. Kahit papaano, may tulong na dumating, ang bagay na iyon ang parating kong ipagpapasalamat. “Ano na ngang sasabihin mo sa akin?” tanong ko Kalay. Nakaupo kami ngayon sa isang pitak ng palayan kung saan pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw. Masakit pagmasdan na ang lugar na puno ng mga berdeng palay ay naging kalbong lupa na lamang. “Ang bait ni kapitan no. Hindi niya manlang pinaimbistigahan ang nangyari rito sa palayan niyo. Binigyan niya kayo agad ng tulong.” Ito kaya ang sasabihin niya? Hindi siguro. “Ayon naman ang isa tungkulin ng leader sis- ang tumulong,” sagot ko. Sadyang nature na ni kapitan ang pagse-serve sa mga kabaranggay niya, indicated lang na may care siya at ginagawa niya ang trabaho niya. “Noong nakaraang gabi kasi bakla, may nakita akong limang lalaki. Iyon din ang gabi kung saan nawasak itong jalayan niyers!” Napatingin ako sa kaniya. “Huh? Kilala mo kung sino ang may sala?” ang tanong ko. “Hindi, bakla. Naka-inuman ko lang iyong limang lalaki.” “Tuloy-tuloy kaya ang gawin mong pagku-kuwento. Huwag paputol-putol. Ano nga ang nangyari riyan sa sugat mo sa noo at diyan sa werut mo?” “Ano ba iyan. Hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo nalalaman ang dahilan no!?”  wika niya. “Mamili ka; kuwento with chocolate or no kuwento without chocolate!?” tanong ko sa kaniya. Nakita niya kasi ang paper bag na bitbit ko kanina. Iyong binigay sa akin ni Vince na may lamang mga chocolates. Hindi siya makatatanggi sa gusto ko. Alam ko na madalang din siyang makakain ng mga imported na chocolates. “Tinatanong mo ba kung bakit masakit ang werut ko?” Tumango ako.  “Ganito kasi iyon, hindi ba nag-iinuman kami, then after hours of drinking, umalis iyong apat na lalaki at naiwan iyong isang lalaking bet ko. Doon, nagka-war kami at ang ginawa naming venue, iyang tubuhan,” tinuro niya ang tubuhan hindi kalayuan sa kinalalagyan namin. “Dakila ang sandata niya kaya lubos na nasugatan ang werut ko, pero nagustuhan ko naman ang nangyari. Matapos ang nasabing war, may na-sight akis na malaking sasakyan dito mismo sa kinauupuan natin. Akala ko, engga rin ang driver, hindi ko naman knowing kung anong ginagawa niya, at hindi ko na rin pinansin pa kasi nga lasing na rin ako no’n. Then, nang pauwi na ako, nabuwal ako at nagalusan itong noo ko, kaya may galos. The morning comes, at ayanchie na nga ang balita- tegi na ang mga jalays niyers.” May posibildad na iyong sasakyan na nakita niya ang may sala sa likod ng nangyari. “Anong oras na no’n?” ang tanong ko. “Hindi na ako sure, sis.” Huminto siya. Nagpangalong baba at ngumiti na parang nahihibang. “Sa mukha niya lang ako sure, at sa five hundred na nibigay niya sa akin.” “Binayaran ka?” Ang lantod talaga nito. “Ewan ko. Basta inabot niya lang sa akin. Ako naman, tinanggap ko nalang. Hindi ko alam kung bayad ba iyon or treat. Bakit? Inggit ka ba?” “Gaga!” Nahampas ko siya ng malakas sa braso niya. Muntik na siyang masubsob sa putikan sa gilid namin. “Mapanakit ka talaga, Sina!” daing nito. Muli ay inayos ang sarili. “Iyong cholocate ha! Huwag mong kakalimutan dahil chinika ko na sa iyo ang nangyari.” “Hmmm… there’s a possibility na iyong nakita mong sasakyan ang may sala. Kung iyon man, may nag-utos kaya sa driver or baka lasing lang talaga siya? Nakaka-disappoint, wala kasing CCTV sa lugar, hindi tuloy malaman ang may sala,” ang wika ko. “Feeling ko rin, pero hindi ako sure kung may nag-utos sa kaniya or sa kanila, kung marami man sila.” Hindi na ako sumagot sa kaniya. Always nalang siya na hindi sure. Walang firm stand. Sumapit na nga ang dilim at pinili na naming umuwi. “Dikooo!?” masayang salubong sa akin ni Vhina. Ginawaran niya ako ng matamis na yakap. “Ang bango naman ng kapatid ko.” Inamoy ko siya sa leeg niya, medyo nakiliti pa siya sa ginawa ko. “Hihi. Diko.” “May pasalubong sa iyo si Diko,” nakangiting wika ko sa kaniya. “Saglit lang, ha?” Tumayo ako at kinuha ang paper bag sa mesa na pinagbabaan ko kanina bago kami tumungo ni Kalay sa palayan. “Charan!” Pinakita ko sa kaniya ang mga cholocates at mas lalo pang sumaya ang mukha niya. “Wow! Ang dami naman, Diko!” Pumapalapak na sagot nito at hindi pa maiwasan na mapatalon sa tuwa. “Pahingi si Ditse ah,” pagsingit ni Espirita. “Hmmm…” “Vhina, pahingi raw si ate Kalay mo.” Kanina pa hinihintay ni kalay ang pangako kong chocolates sa kaniya kaya hindi siya makaalis sa bahay. Hindi naman madamot si Vhina kaya dumapot ito ng ilang piraso at inabot sa ate Kalay niya. “Salamat, Vhina! Ang bait-bait mo talaga, tapos sobrang cute mo pa,” ang pambobolo pa ni Kalay sa kapatid ko. Nagpaalam siya kay mama na uuwi na.   KINABUKASAN “AYAW mo talaga na ihatid kita?” paninigurado sa akin ni Vince. Tapos na ang klase namin kanina pa. Si Nicole, naka-uwi na rin siya. Sinundo ng daddy niyang doctor, may family gatherings ata silang pupuntahan. “Huwag na, Vince. Mag-aaksaya ka lang ng gas,” ang tanggi ko sa alok niya. “Saka may daraanan pa ako.” Ayoko naman na abusuhin ang kabaitan niya sa akin. Siguro, kung ibang tao lang ang inalok niyang ihatid, magkakandarapa pa ang mga ito sa pagsakay sa magarang sasakyan niya. “Okay fine. It’s your life, your choice, Sina ko.” Ngumiti siya at kinindatan pa ako. “Take care.” “Ingat din, Vince. Salamat sa alok!” Tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan niya. Sinarado ang pinto, at pinaandar ang makina. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa makaalis siya. “Stay, away from him!” Nagulat ako sa papel na tumama sa likod ko. “I know you are friends but, stop using him!” Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang babae na hindi naka-suot ng school uniform, but naka-org shirt. Base sa lanyard niya, Criminology ang course nito. “Ah—miss. Nagkakamali ata kayo… hindi ko alam ang sinasabi niyo,” ang dahilan ko. May kasama siyang dalawang bakla na nakatayo sa magkabilang gilid niya. Ang mga ito ang parati kong nakikita na natawag kay Vince, nakataas ang mga kilay nila sa akin. Parang mga dragon na bubugahan ako ng apoy. “You’re Sina, right!?” tanong niya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko siya masyadong nakikita rito sa loob ng University. Maharil dahil hindi ko na pansin ang paligid ko kaya siya naging pamilyar sa akin. “Yes, ako nga.” Matipid na sagot ko.  Nabasa ko na ang mga eksenang katulad nito. Kung binabalak nilang tapakan ang pagkatao ko. Mabibigo lang sila. Hindi ako paaapi, bigla kong naalala ang sinabi sa amin ni Atty. Perciles, don’t forget to stand my rights. They are throwing false accusations in me, and that’s surpassing my rights. “He’s acting like a b***h!” bulong ng matabang bakla sa babae. Malakas ang boses niya kaya baka hindi na iyon bulong. “I am imposing you warning to stop, or else, be ready to see what will happen to you.” Huling salita sa akin ng babae. Binangga pa nila ako sa bago sila umalis. Hindi ko nalang sila papansinin pa. Wala akong oras para sa kanila. Marami pa akong kailangan na asikasuhin. ----------- “SALAMAT po Kapitan sa tulong. Habang buhay ko pong tatanawin na utang na loob ang tulong na binigay niyo sa pamilya namin,” ang taos-puso kong wika kay Kapitan. Tama ang punta ko sa barangay hall dahil nandatnan ko nandirito siya. Kausap ko si Kapitan ngayon at personal na hinahayag ang pagpapasalamat ko. “Wala iyon, Sina. Alam mo naman na  malapit sa akin si Ador. Tinutungalan ko lang ang pamilya ng aking nasirang kaibigan at para na rin iyon sa barangay natin,” nakangiting wika ni Kapitan. Naalala ko tuloy ang tatay ko sa sinabi niya. Wala akong ala-ala sa kaniya dahil sanggol pa lang ako nang pinatay si tatay. Hanggang ngayon, wala pa rin nakaaalam kung sino ang pumatay sa kaniya. Walang pera ang pamilya, kaya ang nangyari ay nasawalang bahala nalang. Magda-dalawang dekada na rin ang nakaraan. Alam kong limot na ito ng marami. “Oh Sina, bakit natahimik ka? Naalala mo siguro ang iyong ama,” wika ni Kapitan. “Ah… opo, Kapitan.” Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang himasin niya ang likuran ko. Naamoy ko ang bango ni Kapitan dahil sa lapit namin sa isa’t-isa. Makisig pa si Kapitan, hindi halata na may edad na siya dahil sa may pera ito. Kami lang dalawa ngayon sa opisina niya. Ang iba ay nasa labas. Akala ko ay titigil na si Kapitan sa ginagawa niya ngunit nagpatuloy lang siya, mas dumukit pa siya sa akin. Nanginig ang katawan ko nang naramdaman ko sa likod ko ang bagay sa kaniyang gitna. Unti-unti akong pinagpapawisan dahil sa pinaghalong kaba at takot. “Mukha kang babae, Sina.” Naramdaman ko ang hininga niya sa buhok ko. Hindi ako makapagsalita at makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. “Ah—Kapitan, aalis na po a-ako.” Buong puwersa akong tumayo at humakbang para makadistansya sa kaniya. Hindi ko maaaring lakasan ang boses ko dahil maririnig ito ng mga tao sa labas. Ayokong gumawa ng eskandalo sa mismong tanggapan niya. “Isa lang, Sina… batid ko naman na gusto mo ring makatikim nito.” Nangingig na ang buong katawan ko. Lumapit pa sa akin si Kapitan, at napasandal nalang ako sa pader. Bigla niyang pinatong ang nanginginig kong kamay sa harapan niya. Hindi ko man gusto pero naramdam ko ang matigas na bagay sa palad ko. “Ka-kapitan…. Huwag po…” mangiyak-ngiyak na paki-usap ko. Nalungkot ako ng sobra. Base sa reaksyon niya, tila tiklop ang mga tainga niya na makinig sa akin. “Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko. Sasaktan ko ang pamilya mo. Masisira ang pagkatao mo dahil kayang-kaya kong baligtarin ang pangyayari,” ang pananakot niya. Mabango ang hininga niya kung literal ngunit kasuklaman ang dating nito sa akin. Nagkamali ako ng akala sa kaniya. Mukhang wala sa tamang pag-iisip si Kapitan. Naiipit ako sa sitwasyon. Wala akong magawa. Makapangyarihan siya, samantalang ako, isang hamak na mamamayan lamang sa nasasakupan niya. Tumulo ang luha ko sa mga mata. Pikip mata na naghihintay ng kasunod niyang gagawin, pero… mabait sa akin ang Diyos dahil bago pa man magawa ni kapitan ang plano niya, nakarinig ako sa magkakasunod na katok na sa pintuan ng opisina. Otomatikong natauhan si kapitan nang marinig ito. Napabalikwas siya at madali na inayos ang sarili. “Tang-ina naman! Abala!” Bulaslas nito nang dahil sa inis. “Umayos ka riyan!” Nanlalaki ang mata niyang utos sa akin. “Dad, nandiyan ka ba?” Kilala ko ang boses sa labas. Si Xian… ang anak ni Kapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD