Kabanata XI: Ayuda

1534 Words
          BUMABA ng puting magarang sasakyan si Donya Catripia. Galing siya sa isang first class restaurant kung saan, nakipagkita siya sa taong malapit sa kaniya. Napatitig siya kanina kay Sina nang mahagip ng kaniyang paningin ang magkaibigang naka-upo sa nabuwal na puno. Nang madako ang paningin niya sa mukha ni Sina, isa lang pumasok sa isip niya, ang taong gusto niyang pahirapan nang lubusan.             Dumiretso agad siya kaniyang paboritong pahingahan. Sa balkunahe ng kaniyang mansyon. Nanariwa sa kaniya ang mga lumipas na ala-ala kung saan kasama niya pa ang taong mahal niya, walang hadlang sa pag-iibigan at pagtataksil.                  “Hindi!!” Malakas na sigaw nito. Sa galit at kirot ng sintido ay naihagis niya ang maliit na upuang gawa sa metal na nagbigay pa nang malakas na tunog na sumasapat upang marinig ng isang katiwala ang ingay na kasalukuyang naglilinis sa hagdan.             “May problema ho, donya?” hingal na tanong ng mutchacha nang maakyat siya. Bumaling si Catripia rito. Gusto niyang mapag-isa, ayaw niya ng kasama. Hindi niya gusto ang pekeng pag-aalalang pinapakita ng katulong.                         “Tawagin mo si Bulog. May itatanong ako sa kaniya! Bilisan mo.” Nakadampot siya ng babasaging base at hinagis iyon sa katulong na inabala siya sa kaniyang pag-iisa. Katulong na nais lamang siyang pagsilbihan.             “Sige po, donya,” sagot ng katulong at tumalis na. ‘Umaatake na naman ata ang sakit ni ma’am,’ wika pa ng katulong sa kaniyang isipan habang pababa.             ‘Mga taong pera lamang ang kailangan, at wala naman talagang paki sa ‘yong kapakanan.’             ‘Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman ng puso ko, Ador,’ saad ni Catripia habang nakatitig siya sa lumang litrato sa kaniyang telepono. Naitabi niya pa ang litrato na ito, dahil sa pagmamahal niya sa lalaki, upang ma-preserve ay pina-digitalized niya ito.             “Ano po ang ipapagawa niyo, Donya?” agad na bungad ni Bulog, ang malusog na taga-maheno ng kaniyang mga sasakyan, nagsisilbi na sa pamilya ng Del Palar ng matagal na panahon.             “Iyong lalaking nakita natin kanina, may namukhaan ako sa kaniya,” usisa ni Catripia kay Bulog.             “Ah- bakit po Donya? May ginawa mo pang masama sa inyo ang baklang iyon? Sabihin niyo lang sa akin at sisimukraan ko siya!” wika ni Bulog. Nagkakamali ata siya ng pakawari. Mukhang ang kaibigan ni Sina ang sinasabi nito.             “Wala naman.”             “Alin po ba sa kanila ma’am? Dalawa po kasi sila?” paglilinaw ni Bulog. Nakita niya ang litrato sa cellphone at mukhang alam na niya ang tinutukoy ng amo.             “Ah- madam, si Sina po ba ang sinasabi niyo? Siya na po ang anak ni Ador at Jana. Kamukhang-kamukha—             “Ni Jana kakana-kana!” Si Catripia na ang nagtuloy ng sasabin ni Ador. Kilala niya ang ina ni Sina at mukhang galit na galit siya rito. Nagulat si Ador sa sinabi ni Catripia, gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya.             “Siya ang bunga! Malaki na pala.” Tumayo ito at muling tinignan ang mga maliit na bahay sa kaniyang harapan. “Sabagay, matagal na panahon din pala akong nawala.”             “Mabait na bata po iyon, Madam. Nabalitaan ko nga po kanina na nasira raw po ang palayan ng mga Simeon. Hindi naman po matiyak kung sino ang salarin. Nang magising sina Jana at Juanito ay sira na ang kanilang mga pananim,” saad ni Ador. Narinig niya rin ang balita at kagaya ng iba ay nakaramdam din siya ng awa. Gayong alam niyang mabuti ang mga Simeon, at wala siyang alam na gagawa nang mga kawalanghiyaang bagay sa mga ito.                 ‘Nababagay lang sa Pamilya nila ang nangyari. Pagkakamali nang isa, paghihirap ng lahat’ natatawag saad ni Catripia sa isip niya.             “Bulog!” naka-isip niya ng panibagong plano.             “Ano iyon, Donya?”             “Alam ko na dahil sa nangyari ay kinakailangan ng tulong na pinansyal ng Pamilya ni Sina. Nag-aaral pa ba siya?”           “Pagkakaalam ko ho ay nasa Kolehiyo na siya. Masipag na bata at matalino. Bakit niyo ho natanong Donya?” sagot ni Bulog. ‘Hindi pa kaya nawawala sa ala-ala ni Donya ang nakaraan?’ ang tanong niya sa sarili nito.             “Kapag nagkasalubong kayo sa daan, kausapin mo siya at ipasok mong katulong dito sa Mansyon upang makatulong siya sa pamilya niya.”             “Walang problema, Donya. Masusunod po ang pinag-uutos niyo. Ang buti talaga ng puso niyo,” ang sang-ayon ng driver. Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya, hindi pa nito nakakalimutan ang mga lumipas na kaganapan, pero hindi, sa tantiya niya ay maluwag na ang puso ng kaniyang Donya upang tulungan muli ang Pamilyang Simeon.   Sina Simeon             “NAY!” Malakas na pagtawag ko kay nanay. Na-excite lang ako. Alam kong maririndi si nanay sa ginawa ko dahil madalas mahinhin lang ako. Ang saya ko ngayon dahil kasama namin si Ms. Maricar at dala nila ang tulong ni kapitan sa amin. Napansin din ito ng mga kapitbahay kaya iyan, pansin ko rin ang aligid ng iba.             “Ano ba iyan, Sina kung maka—” Hindi na natapos ni nanay ang sasabihin niya. Nagulat siya nang matanaw si Ms. Maricar na kasama ko pati na rin ang dalawang tanod na may dalang ayuda galing kay kapitan. “Anong ginawa niyo sa bahay?”             “Ano pa ba sa tingin mo, Jana!? Dahil malakas kayo sa akin. Hindi na pinatagal pa ni kapitan at ito, dininig na niya ang inyong hiling! May ayuda na kayo,” saad ni ms. Maricar. Napangiti ako sa sinbi ni ms. Maricar. Siguro nga ay gumawa rin siya ng way para mabigyan kami ng tulong ni kapitan.             “Alam niyo naman aleng Jana na maawin si Kapitan at lubos na may paki-alam sa kaniyang mamayan. Kaya lahat ng laman ng sasakyang ito ay para sa inyo!” hayag ng matcho na tanod.             “Pati ikaw?” kinikilig na tanong ni Kalay rito. Siya talaga, kahit may edad na ay wala pa ring pinapalagpas. Nakukuha pang magbiro. Napangisi tuloy ang mga tao sa paligid dahil sa kaharutan ni Kalay.               “Bakla ka talaga!” Nahampas ko siya sa puwetan niya. “Shutaaa!” Malakas na hiyaw ni Kalay dahil sa ginawa ko. Nagulat ako nang sabunutan nito ang buhok ko.             “Puta ka, bakla! Masakit nga iyan. Pinalo mo pa talaga! Kung hampansin kaya kita ng isang kabang bigas sa leeg?!” ang sigaw nito. d             “Sina, tigilan niyo na iyan…” si mama. Tumingin siya kina Ms. Maricar. “Pasensya na kayo sa anak ko at sa kaibigan niya. Para sa amin ba lahat iyan?”             “Ayos lang, aleng Jana. Yes. These are all for you! Hindi rin naman kami magtatagal dahil mukhang wala rito si Juanito at marami pa kaming gagawin sa baranggay hall. Maraming pinag-uutos si Kapitan e,” ang mahabang sagot ni Ms. Maricar kay mama.             “At bakit narinig ko ang pangalan ng asawa ko!? Hindi pa rin ba nakaka-limot, Maricar?” Biglang pagsulpot ni tita Lita. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil nalaman kong ex nga ni tito Juanito si Ms. Maricar. Mukhang hindi pa nga nakaka-move on ang sekretarya at hinahanap pa rin niya ang atensyon ng tiyuhin ko. Ewan din, baka naman nagbibiro lang siya.             “Ay, iba talaga ang strength ni tita Lita.” Gulat ni Kalay, pero mahina lang ang boses niya. Hindi niya pa naiku-kuwento sa akin kung anong nangyari sa kaniya at kung may alam siya sa nangyaring pagkasira ng palayan namin. Humanda siya mamaya kapag nakaalis na sila ms. Maricar ay mapapasabak siya sa akin sa matinding daldalan.             “Ikaw pala iyan Lita. Hindi ka pa rin tumataba ah! Mukhang hindi ka nahihiyang sa pagmamahal ni Juanito,” pabirong panlalait ni Ms. Maricar kay tita.             “Ah, talagang ikaw pa ang matapang? Anong paki mo kung hindi ako tumataba! Ganito ang katawang gusto ng asawa ko. Sabihin mo, naiingit ka lang dahil ako ang pinili niya at hindi ikaw! Isa pa, baka nakalilimutan mo na nasa teretoryo ka namin!?” ang sigaw ni tita Lita. Susugod na sana siya pero pinigilan siya ni mama. War freak talaga si tita. Natatakot naman siyang makaaway.             “Lita, nandyan sila upang bigyan tayo ng tulong…” pagpapakalma ni mama kay tita. Nanlaki ang mata niya sa narinig at biglang nakaramdam ng hiya.             “Patawad, akala ko kasi ay manggugulo kayo rito.” Hingi ng pasensya ni tita kina ms. Maricar.             “I don’t accept, apology! Ang pangit ng welcome mo sa amin,” mataray na sagot ni ms. Maricar. Tumingin siya sa dalawang tanod na kasama niya at nag-utos. “Ibaba niyo na lahat ‘yan at nang makaalis na tayo sa lugar na ito.”             Nawala sa mood ang sekretarya dahil sa salubong ni tita sa kanila. Wala naman akong magagawa, dahil nga may nakaraan silang hindi kaaya-aya. Siguro, walang dapat kampihan sa kanila, parehas naman silang may mali rin. Tinulungan namin na ibaba ang mga ayuda ni kapitan. Habang nagbaba kami, dumating si tita Juanito at naki-tulong din siya sa amin. Akala ko, hindi na aalis si Ms. Maricar nang makita si tito ngunit dahil na nand’yan ang asawa, wala siyang magagawa kung hindi ang mag-plying ‘d air nalang.                                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD