Kabanata X: Sulyap

1590 Words
Sina Simeon             LIBRARY, tanghali na. Tapos na ang unang klase, hanggang ngayon ay puyat pa rin ako sa kakaisip kung paano ang gagawin ko ngayong wala na ang palay na inaasahan ng pamilya namin na aanihin para sa pambili ng gamot ng kapatid ko at pambayad ko ng tuition fee. Wala pa kasi ang scholar ni mayor, halos kalahati rin ang naitutulong noon upang makabawas-bawas sa kabuuang presyo.             Inabutan ko ng number ang isang student. Siya nga pala, isa akong librarian assistant sa college namin. Maliit lang naman ang bayad at per hour -50 pesos, tama sa pamasahe sa jeep at tricycle. Paminsan, may vacant kami ng 2-3 hours kaya malaki rin kapag pinagsama-sama. Pinakamalaki na ang 150. Hindi araw-araw ang task ko rito, by sched kami. Marami rin ibang studyanteng assistant para matulungan din ang pag-aaral nila.             Umalis ako sa amin kanina, sana ay nadalaw na ni kapitan ang sinapit ang aming bukid at nakapabigay na ng tulong kila mama. Pangako kasi ni Ms. Maricar na ngayong araw daw  na ito nila titignan at iimbestigahan. Sana naman, nagawa na ngayon.             Ito nga ang kuwento, ex pala ni tita Maricar si tito Juanito. Ayon ang sabi ni mama sa akin pero hindi ko na alam pa ang ibang mga chika. Kaya gano’n ang eksena nila sa barangay hall. Sa tantiya ko, hindi pa rin nakaka-recover ang heart ni Ms. Maricar kay tito.  Bakit kaya sila naghiwalay? Dahil ba sumingit sa story ang tita kong 3rd cousin ng mga titing na si tita lita? Hmmm… bahala na nga sila. Marami pa akong dapat na intindihin kaysa rito.             “Hey, Sina ko?” Naabala ako sa pagmumuni nang may asungot na lumitaw sa harapan ko at nagsalita. Si Vince, ang guwapo niya ngayon. Napansin ko na bagong gupit siya at nakasuot ng salamin. Ang fresh niyang tignan. Parang ang sarap niya tuloy amuyin. Hindi ko kasi siya napansin kanina sa klase.             “Vince, ikaw pala iyan,” ngiting bati ko. “You look freshy today ah,” ang dagdag ko pa. Bilang tao, kailangan natin pansinin ang magandang attribution sa kapuwa natin. Kasi hindi tayo sigurado sa pinagdaraanan nila sa buhay, by just simply calling out something good about them, for sure, it could help them to make their day good or better.             Napangiti siya sa sinabi ko. Ngayon lang ata siya parang nakaramdam ng hiya.             “Thanks, Sina ko! Btw, I have something for you.” May dala siyang paper bag at binaba iyon sa wooden desk na nasa harapan ko. “From my tita.”             “Hoy, ano na naman iyan? Ang dami ko nang utang sa iyo.” Tinignan ko ang paper bag at mukhang galing sa mayaman ito. Ano kaya ang laman nito? Lalagyan palang, bongga na, paano pa kaya ang laman, hindi ba?             “It’s just chocolates. I know, you enjoy eating ones eh, kaya ayan…” sagot nito sa akin. Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya at bahangyang namula. Hindi ko pinalahata sa kaniya iyon. Mahilig talaga ako sa chocolates, kahit anong uri; mamalahin o mumurahin, nand’yan ang oral pleasure ko. It satisfies my sense of taste.             “Uwu… Thank you talaga Vince sa kabaitan!” Ayan nalang ang masasabi ko sa kaniya. Treating him good is the best thing I can do to pay back all he has done to me.             “Wait, I’ll get you a number,” wika ko pa at akmang kukuha ng numbers sa box sa pag-aakalang magbabasa siya, ngunit pinigilan niya ako.             “‘Wag na, hindi rin ako magtatagal. Binigay ko lang sa iyo ‘yan. I have late lunch with my aunt,” ang hayag niya. “Enjoy, and take care of yourself , Sina ko.” Nagpaalam na siya sa akin. Hindi siya nakuntento sa normal na pag-alis lang dahil kinindatan niya pa ako.             Hindi ko muna binuklat ang chocolates. Tinabi ko muna ito sa storage area ko, kasama ang bag ko. Ang sweet talaga ni Vince. A generous man who is willing na magbigay ng tulong at ngiti sa mga taong malapit sa kaniya. Maybe, it is his nature. Hindi ko siya masisisi kung ganoon niya ako i-treat. May nabasa kasi ako no’n,  I am not responsible for your interpretations of my actions, parang ganiyan.             “Your manliligaw?” tanong sa akin ni sir, Widz, the head librarian. Hala, nakahihiya naman kay sir. Baka isipin niya, hindi ko nagagawa nang maayos ang trabaho ko.             “Sir, hindi po. Course mate ko po siya sa Legal Management,” nakangiting sagot ko. “He’s straight sir.”             “Hmmm… nasa stage pa kayo ng unknown. There’s no label in love, it prevails all,”  makahulugang wika ni sir. May pinanghuhugutan siguro si sir kung bakit niya nasasabi iyan. Guwapo si sir, mabango rin, at higit sa lahat, mabait. May girlfriend siya for sure.             “I know, your study is your priorities now… but in time, you will find yourself, crying for that thing, love.”             Nakangiti lamang ako kay sir. Ang harmonious siya magsalita. Nakuwento niya sa akin, dalawa ang tinapos niyang degree, isang BS Psychology and Bachelor of Library and Information Science. Sa way ng pagsasalita ni sir, mapapansin lang marami na siyang experience sa love or maybe dahil na pag-aralan na niya ang mga tungkol roon.             “Reality check nga po, sir,” ang sagot ko nalang. Marami pa siyang gagawin. Humarap na siya sa computer niya. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga paper works ko. Mabuti nalang at walang gaanong estudyante ang pumapasok sa library. Hindi nakakangawit sa braso. -- KABABA ko lang ng tricycle sa kanto namin nang marinig ko ang malakas na hiyaw. Hiyaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko ang wangis ng kabigan ko, si Kalay. Sino pa ba?  Ano naman kaya ang bitbit niya ngayon sa akin? Kasiyahan or kabuwisitan. Malalaan natin.   “Sinaaaaaa!!” Pansin ko ang hirap nito sa paglalakad. “Kalay!? Tumakbo ka na rito, bakit ba?” hiyaw ko sa kaniya at naglakad papalapit dito.   “Ikaw na ang lumapit sa aking bakla ka!” Nakahawak siya sa bewang niya. Malilit lang ang hakbang niya. Ano bang nangyari sa baklang ito? “Ano bang nangyari sa iyo at hirap na hirap kang maglakad riyan? Parang dati lang kinukuha ka pang substitute for one night ng kabayo sa farm nila kapitan,” sagot ko sa kaniya. Hapon ngayon , malamig ang simoy ng hangin. May sinag ng araw ngunit hindi na ito mahapdi sa balat.  Malalaki kasi ang mga puno kaya malakas ang hangin at mayroong mga iilang liliw.   “Lumapit ka nalang rine!” “Ito na nga!” “Anong nangyari sa mga galos mo sa no sis? Isang araw lang tayo hindi nagkita parang inatake ka na ata sa matinding pagkabagot at napagdiskitahan mo iyang noo mo!” natatawang wika ko nang makalapit ako kay Kalay. “Bakla ka! So, ito nga ang chika sis. Maupo muna tayo sa bauwal na punong iyon bago ako mag-start.” Tinuro niya ang punong buwal sa gilid namin. Malinis naman ito. Wala naman sigurong ahas doon. “Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo dahil nagmamadali akong umuwi sa amin.” Naupo kami sa puno. “So ayon na nga, nabalitaan ko kasi ang nangyaring pagkawasak ng mga hator sa palayan niyo.” “Bakla, hindi na ako magtataka kung nalaman mo dahil daig pa ng mga makuda nating kapitbahay ang CCTV sa galing nilang mag-capture at mag-save ng specific events. Editor na nga rin sila e, may filter pa ang kuwento, minsan sobra-sobra pa ang details.” Aminin, reality checks again, hindi mawawala sa isang barangay o nayon ang mga dakilang chimosang parasites. “So, ayon na nga. Nagtataka lang kasi ako…” wika nito at napatingin sa langit. “Ano iyon? May alam ka ba kung sino ay may gawa noon sa palayan?” Hinarap ko si Kalay sa akin. Baka nga may impormasyon siyang maibibigay sa amin kasi gala siya at parati siyang rumoronda sa gabi. Tinalo niya sa pagpatrol sa barangay ang mga tanod.             “Shuta ka!” Kumalas siya sa paghahawak ko at hinampas ako. “Grabe ka naman sa pagyugyog! Ginawa mo namang duyan ang katawan ko…”             “May alam ka ba kasi? Baka makatulong iyon para malaman natin ang salarin.”             “Wala bakla pero…”             “Pero?”             Napapikit siya at pinahirin ang pisngi. “Tumatalsik naman ang laway mo. Sasabihin ko naman sa iyo. Huwag kang atat!” sagot nito.             “Sabihin mo na kasi. Ang dami pa kasing satsat, ayaw nalang sabihin ng diretso,” maktol ko. Magsasalita na sana si Kalay nang dumaan ang sasakyan puti sa harapan namin. Nakababa ang salamin nito kung kaya’t nakita ko ang sakay na babae na nakaupo sa gawi namin ni Kalay. Sumulyap ito sa amin. Hindi ko nakita ang itsura niya dahil nakasuot siya ng sunglasses pero nakita ko ang tuwid na blonde niyang buhok at maputing balat. Tingining mayaman.             “Omg! Si Donya Catripia ata iyon!” utag sa gulat na Kalay. “Ang ganda niya pala!”             “Iyong nakatira sa mansyon?” tanong ko sa kaniya. Pamilyar kasi ang sasakyan.             “Yep!”             “Oh, ituloy mo na…”             “Sinaaaaa! Ikaw pala iyan!”             May tumawag na naman sa akin kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko kay Kalay. Nakita ko si Ms. Maricar na nasakay sa carmatiyug at may mga dalang kung ano-anong bagay kasama ang dalawang tanod na mukhang body guard niya.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD