MATAPOS ang pag-eensayo ni Xian ng basketball sa Unibersidad ay agad siyang nagtungo sa ama, ngayon ang kaarawan ng kaniyang ina. May pangako sa kaniya ang ama na kakain sila sa labas. Ngayon lang sila muli makakapag-bonding dahil sobrang tutok ng ama sa trabaho, pati na rin sa mga obligasyon nito bilang kapitan ng buong baranggay.
“Where’s dad?” tanong nito kay Maricar. Nakita niyang abala na naman ang sekretarya sa hilig nitong gawin. Ang pagpapahid ng kung ano-anong mga produktong pampaganda sa mukha nito.
“In his office,” sagot ni Maricar. “Kasama…”
“Okay, thanks.” Tumungo si Xian sa naturang lugar. Hindi na pinakinggan pa ang sasabihin ng sekretarya. Nang bubuksan niya ang pinto, nakita niyang naka-lock ito. Tanda lamang na may tao sa loob, sa kabilang banda, nagtaka siya dahil hindi naman naglo-lock ng pintuan ng opisina ang ama.
Nagdesisyon siyang kumatok at nagsalita, “Dad, nandiyan ka ba?”
Walang sumagot sa kaniya. Inisip niya nalang na busy ang ama at ginagawa ang trabaho nito. Minabuti niya na naghintay ng ilang segundo. Nang bumukas ang pintuan, nakita niyang naka-upo ang kababata niyang si Sina na namumugto ang mga bata.
“Sina? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Xian. Napansin niya ang pagiging iba ng reaksyon ni Sina, nagulat din ito sa pagdating niya.
“Anak, hanggang ngayon, naawa pa rin siya sa pamilya niya. Naalala niya ang hirap na pinagdaanan nila… dahil dito kaya hindi niya napigilan na napaluha siya ng ganiyan,” wika ni Ignacio.
“Akala ko ay bibigyan niyo sila ng tulong?” Nabalitaan niya rin kasi kung ano ang sinapit ng kabuhayan nila Sina.
“Yes, anak. Nandito siya para pasalamatan tayo sa mga nagawa natin sa kanila.” Nagtataka si Xian, sa tantiya niya, parang maykakaiba sa ama at kay Sina.
“Oo, Xian, tama si Kapitan. Nagbigay ng ako ng personal na pasasamat. Hindi rin ako magtatagal at aalis na.” Tumayo si Sina at nagpaalam na. Labag man sa loob ay tumingin siya sa kapitan upang magpaalam, magbigay ng galang upang hindi mahalata ng anak kung ano ang nangyari. “Sa-salamat po Kapitan. Mauna na po ako sa inyo.”
Akmang aalis na si Sina ngunit hinawakan siya sa braso ni Xian.
“Saglit lang.” Napabaling si Sina kay Xian. May ipapagawa ulit ako sa iyo, ipapadala ko nalang kay nay Yala sa bahay niyo.”
“Ah-sige, wala rin naman ako masyadong gagawin.” Matipid na sagot ni Sina. Hindi sanay si Xian sa pagiging malamig nito. Kilala niya kasi si Sina bilang isang masiyahing tao.
“Kapag kailangan niyo ng tulong, Sina. Huwag kang magkakamali na lumapit sa akin,” nakangiting hayag pa ni Kapitan. Hindi na ito pinakinggan pa ni Sina, ang gusto niya lang ay makaalis na.
“Let’s go…” saad ni Igancio kay Xian. Umalis na sila.
UMIIYAK, ayan ang kasalukuyang ginagawa ni Sina. Mas pinili niya munang hindi dumiresto pauwi sa kanila. Punong-puno ng pagkasuklam ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
Nag-aaway ang kaguluhan sa sa isip niya.
Paano nagawa ni Ignacio sa kaniya ang bagay na iyon? Wasak na ang tiwala niya, isang hindi inaasahang pangyayari lang pala ang magiging dahilan nito. Pighati ang bumalot sa kaniya dahil nagisnan niya kasi si Kapitan bilang mabuting tao. Hindi niya maisip kung ano ang dahilan ni kapitan sa likod ng balak niyang gawin sa kaniya.
Ibig-ibig man niyang iwaksi sa isip niya ang kaninang naganap, aminado siya sa sarili na hindi iyon magiging madali. Kahit katiting, may ngiti pa rin siya sa labi niya dahil hindi natuloy ni Ignacio ang balak nitong gawin sa kaniya.
Katatapos lang ng problema nila sa bukid, may panibago na namang dumating sa kaniya. Matapos mailabas ang mga butil ng luha. Pinahid ni Sina ang basa sa pingsi niya. Inayos ang sarili at lumabas mula sa gilid ng puno.
Sakto nang makalabas siya, nakasalubong niya ang mamang nagngangalang, Bulog.
“Anong ginagawa mo sa loob ng mga puno Sina?” ang tanong nito sa kaniya.
“Ah-eh, manong Bulog,” nag-iisip siya nang magandang idadahilan na hindi mahahalata ang problema niya. “Umihi lang po ako. Naabutan na po kasi ng tawag ng kalikasan. Hindi na napigilan,” ang pagsisinungaling ni Sina.
Hindi na niniwala si Bulog sa dahilan nito dahil sa pagkasira ng boses ni Sina.
“Umihi? Pero tila ang mga mata mo ay naglabas ng mga butil ng tubig?” Ganap na mausisa si Bulog kaya napansin niya ang namumugtong mata ni Sina.
‘Hindi dapat ako umuwi sa amin na namumugto ang mga mata ko, baka kung ano nalang isipin nila Espirita,’ saad ni Sina sa sarili.
“A-ah bakit nga po pala manong Bulog?” ang tanong ni Sina.
“Nabalitaan ni donya Catripia ang nangyari sa pamilya mo. Naisip niyang magbigay ng tulong. Nabanggit ko kasi na nag-aaral ka ng kolehiyo. Naisipan niyang pag-aralin ka.”
Nagliwanag ang mukha ni Sina sa narinig. Mukhang ito na ang sagot sa matagal niyang panalangin.
“Talaga po, manong Bulog?” hindi makapaniwalang tanong nito. Masayang tumango ang lalaki. “Eh ano naman pong kapalit? Ah-eh kahit ano naman po, malugod kong tatanggapin.”
“Pumasok ka raw na katulong sa mansyon. Paglilinis lang ang gagawin mo. Madali lang naman ang trabaho sa mansyon dahil marami kang kasamang ibang katulong. Si donya lang ang tao. Walang gano’ng dumi na kailangang linisin,” paliwanag ni Bulog.
“Sige po manong Bulog. Hindi na po ako magdadalawang isip na tanggapain ang alok niyo!” masayang wika ni Sina pero may naisip siya. “Magpapaalam po ako kay nanay pero sigurado naman po akong papayagan niya ako.”
Ito nalang ang tanging nakikita niyang paraan para makapagtapos siya ng pag-aaral.
“Oh basta. Kapag handa ka na, pumunta ka lang sa mansyon at ako ang bahala sa iyo.”
“Salamat po manong!” Sa galak ni Sina ay bigla niyang nakayakap si bulog.
Sa kabilang banda, napauwi si Kalay galing tindahan, pahinto siya nang makita niya ang nag-uusap na sina Sina at Bulog. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ginawang pagkayakp ni Sina kay Bulog.
‘Baklang ito, may tinatago rin pa lang harot sa katawan. Tandaru pala ang bet, hindi pa sinabi, kaya ayaw sa mga inaasar ko sa kaniya. Aws, pero masaya lang ako para sa kaniya kung ayon ang gusto niya,’ wari ni Kalay at umalis na dahil kailangan na niyang magluto ng kakainin. Saka nalang niya aasarin ang kaibigan patungkol sa kaniyang nasaksihan.
Sina Simeon
PANGIT man ang nangyari kanina, napalitan agad ito ng magandang balita. Malungkot kanina ang mga mata ko ngunit nang makasalubong ko si manong Bulog at narinig ang balita niya, nagbago ang emosyon ko at lumiwanag ito. Tama lang, hindi parating pangit ang mangyayari sa iyo, minsan kasi switching lang. Kanina bad, next naman ay good news. Huwag maman sanang bad ang susunod.
Gayunpaman, kontrolado natin ang emosyon natin sa bawat sitwasyon.
Ngayon ay nandito na ako sa bahay. Kasalukuyang hinihintay si nanay, may maganda akong ibabalita sa kaniya.
“Nayyy!!?” Masiglang tawag ko rito. Nakita kong may dala siyang sako. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang magbitbit nito. Siya lang kasi mag-isa.
“Ang ganda ng ngiti ng anak ko ah!” ang wika ni nanay sa akin. “Tila may magandang balita. Ano ba iyon?”
“May trabaho na po ako, nay!” Masigla kong balita. Hindi na ako napaghintay pa at binalita ko na agad ito sa kaniya. Alam kong kagaya ko ay super magiging masaya rin siya.
“Ano? Huwag mong sabihing tumigil ka na sa pag-aaral mo!?” gulat na tanong nito. Hmmm… hindi nakuha niya nanay ang nais kong ipunto.
“Hindi po, nay. Kilala niyo po ba si donya Catripia? Iyong may-ari ng mansyon? Pag-aaralin niya po ako, ang kapalit po nito ay ang paglilinis sa mansyon. Magandang balita po, hindi ba?” masayang ani ko. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti.
Nagulat si nanay sa sinabi ko. Pero mukhang hindi siya masaya.
“Hindi! Hindi mo kailangan mangatulong! Ako ang gagawa ng paraan para makatapos kayo!” Pagtutol nito sa akin at iniwanan akong natayo sa damuhan nang mag-isa.
Ngayon ko lang nakitang nagalit si mama ng ganito.