Pinaliwanag ko sa abot nang makakaya ko, hindi ko alam na may relasyon silang dalawa. Hindi ako ang nanira ng pagsasamahan. Nagmahal lang din ako at kailan man, hindi ko ituturing na pagkakamali ang umibig.
Naipit lang siya kaya hindi siya makawala noong una nilang pagsasama. Pero nang makaisip siya ng paraan, lakas loob niyang tinapos ang relasyon nila at pinili ako, kasama ang bata sa SINApupunan ko.
Masakit mang sabihin, ang pagpalaya niya ang siyang naghatid sa kaniya sa dulo ng kaniyang buhay.
Sina Simeon
HANGGANG ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni nanay. Tungkol pa rin ang dahilan kung ano ang ibinalita ko sa kaniya. Hindi siya sang-ayon sa kung ano ang gusto kong gawin. Ayaw niyang sabihin kung ano ang dahilan niya sa panunutol na pumasok ako bilang katulong sa mansyon gayong hindi naman kalayuan ang lugar sa amin. Lalo na, malaki nga ang maitutulong ng gagawin ko sa pamilya.
Umiyak nalang ako kagabi. Napapagod na rin ako. Isa pang dumagdag sa pasanin ko ay ang ginawa sa akin ni kapitan. Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin. Ayokong sabihin ito sa iba dahil nakahihiya. Hangga’t kaya ko, kikimkimin ko nalang ito sa dibdib ko. Sana, iyon na ang una at huling beses na magtatangka siyang pahiran ng dumi ang pagkatao ko.
Pagod na rin ako pero sa tuwing makikita ko ang kasulukuyang siwatsyon ng pamilya ko. Unconsciously, pumapasok nalang sa isip ko ang solidong dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat- patuloy sa pag-aaral at hangad na madampi sa mga palad ko ang diplomang pangarap ng lahat. Buo rin ang tiwala ko na hindi kami pababayaan ng Panginoon. There’s a deep purpose of the events that are taking place in my life right now. I’ll just continue going as I know that fruitful rewards belong for those who tirelessly hope.
Wala kaming klase, at narito ako sa kubo namin, ginagawa ang binigay na gawain ni manang Yala, ang kasambahay nila Xian. Wala akong kasama ngayon at tanging ko lang mag-isa. Tahimik ang paligid, mga mahinang kumpas ng malakas na hangin at mga tunog ng ibon ang maririnig.
Wala rito si Vhina, sinama nina tita Edna at tita Lita na mamasyal sa parke kasama si Sarah. Si Espirita naman ay nasa eskuwelahan. Napangiti ako dahil bumubuti na ang sitwasyon ni Vhina, ayon ay dahil sa tulong ng mga gamot na pinapainom namin sa kaniya. Isa pa iyan sa dahilan kung bakit gusto kong pagsabayin ang pagbabanat ng buto at pagpapataba ng utak.
Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kaiisip kung tutuloy pa ba ako sa alok ni manong Bulog gayong labag ito sa loob ni mama o susundin ko kung ano ang tingin kong makabubuti sa amin? Napakalumbaba nalang ako habang nag-iisip ng mabuti at tamang desisyon.
“Ay RA!” sigaw ko nang maramdaman kong may bilang nagtaas ng damit ko likod.
“Sino si RA, Sina?” Nakita kong si Kalay ito. Hindi ko naramdaman ang pagdating niya dahil kung mapapansin niyo, malayo pa lang siya, mararamdaman mo na agad ang presensiya niya. Pero sa mga oras na ito, wala siyang imik, maharil, binabalak niya talaga akong gulatin.
“Sinong RA!?” malamig na tanong ko. Naupo siya sa tabi ko, inusisa ang mga papel sa harapan ko. Napansin ko na parang hindi na sumasakit ang pang-upo niya dahil na-angat na niya ang puwetmalu niya sa upuan nang walang kahirap-hirap.
“Iyong sinigaw kineme mo kaya kanina. Ngayon ka lang parang tulala, Sina!” Napansin ni Kalay na hindi ako ayos ngayon.
“Ah… Republic Act, iyon,” sagot ko.
“Bakla, parang hindi ka keri ngayon? May problema ka ba?”
“Wala naman, pagod lang sa school at saka sa mga pinapagawa ni Xian,” pakukubli ko ng tunay na dahilan.
“Naku, sa school ba talaga or dahil nagkatampuhan kayo ni fafa Bulog?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Saan mo naman nakuha ang sinasabi mo?”
“Nakita ko kayo kahapon nandoon sa daan at niyakap mo siya.” Hinimas niya ang likod ko. Anong ginawa ni Kalay? “Naintindihin kita Sina kung bet mo rin ng sugar daddy para makatulong sa financial needs niyo, I won’t judge you, I am your friend and not a judge.”
“s**t ka Kalay!” Nasabunutan ko siya ng mahina.
“Aray!”
“Siguado akong marami na namang masasamang espiritu ang sumakop sa sariwa mong isipan at nabarihan ka ng bundok-bundok na mabasura na humadlang sa pag-iisip mo ng tuwiran!” Binitiwan ko na ang buhok niyang alagang-alaga sa conditioner dahil sa lambot at dulas nito.
“Ang violente mo talaga!” Daing niya habang tinatali ang nagusot na buhok. “So walang kayo ni fafa Bulog? Akala ko ay natikman mo na rin siya.” Nadulas siya.
“Wala gaga! Knows kong naghihikahos kami pero hindi ako gagamit ng tao para lang matulungan ang ng pangangailangan namin. Malakas pa kami para gumawa ng paraan para maka-survive, wala sa bucket lists ko ang maghanap ng sugar daddy.”
“Ah… ako pa lang pala ang nakatitikim ng batuta niya.”
“Kung wala kang sasabihing matino, Kalay. Gumora ka nalang.” Iritang wika ko sa kaniya.
“Ay prend, moody iyan?”
“Wala ako sa mood para makapag-biruan. Marami pa akong kailangang gawin at isipin.” Tinuon ko ang atensyon ko sa pagbabasa at hindi na pinansin ang presensya niya. Ngunit napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
“Sorry frend. Bet ko lang kasi mag-impart ng kemberlung smile kasi feel ko nga ang pagod mo today at ang lungkot ng mukha mo. Makikinig naman ako sa mga chika mo,” wika ni Kalay.
“I am not okay,” pag-amin ko. Minsan, kailangan din natin ipakita na hindi tayo okay, tao lang din tayo at kailangan ng emotional support galing sa ibang taong malapit sa atin.
“Chumika na.” Inabutan ako nito ng isang mint candy.
“Bad breath ba ako?” Nahiya tuloy ako. Inamoy ko ang sarili kong hininga, wala namang kakaibang amoy rito. “Wala naman ah?”
“Wala nga. Baka makatulong lang iyan para maging fresh ulit ang feeling at isip mo. Fresh candy kasi iyan at promise, gagaan ang pakiramdam mo. Ganiyan ang parating inaabot sa akin ni Lola sa tuwing naka-on ang war mode kes,” paliwanag nito.
Napangiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung may basis ba ito scientifically or based lang talaga sa experience niya.
“Salamat, bakla.” Inabot ko ang candy sa kaniya. Binalatan at sinubo ito. “Hindi ba’t nakita mo kami ni manong Bulog sa daan?” Tumango siya. “Ayon, nabalitan nga rin daw ni donya Catripia ang nangyari sa bukid namin. Eh, nalaman niya rin na nag-aaral ako sa college. Gagawin akong scholar ni Donya, ang kapalit ay pagiging katulong sa mansyon.”
“True ba!? Ang bongga naman ate kong mahal! Nakaka-touching naman ng hearts si Donya!” masayang bigkas ni Kalay “Eh bakit ka pa malungkot riyan?”
“Ayos lang naman sa akin. Very happy and thankful rin ako. Ang kaso… ayaw ni nanay pumayag.”
“Eh bakit naman ayaw pumapayag ni mamita Jana? Baka naman wititelya (Hindi) mo sinabi sa kaniya na nandchie ka lang sa mansyon mag-worksung. Walking distance ebervielena lang kamo!”
“Sinabi ko, Kalay. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni mama na tumuloy ako,” saad ko habang nakatingin sa mga bulaklak sa hardin.
“Sina, baka kasi ayaw ka lang mahirapan ni mamita Jana dahil sa hirap ng kurso mo. Siguro ay kaya niya pang kumayod para maka-gora ka pa rin sa school na hindi nagwo-working season,” pagwawari nito.
Baka nga, tama siya. Siguro nga, ayon ang rason ni nanay kaya ayaw niyang ipagkaloob sa akin ang salitang, oo.
“O baka naman kaya dahil sa may dark past raw si donya Catripia ayon sa tita Azusulayta mo,” dagdag pa nito.
Jana Simeon
“NAPANSIN ko ang pagtatampuhan niyong mag-ina, Ditse,” sabi ni Juanito habang nag-aararo kami ng bukid para may mapagtanim ulit. Kung hindi aabutin sa tamang buwan para sa pagyabong ng palay, mga gulay ang ihahalili namin.
“Ayaw ko siyang pagayan na magtrabaho sa mansyon. Alam mo naman ang nakaraan namin ni Catripia,” bulong ko sa bayaw ko. Baka marinig kami ng iba naming kasama.
“Matagal nang nakaraan iyon, Ditse. Malay ba natin kung nagbago na talaga si donya sa ibang bansa. Bigyan mo nang pagkakataon ang bata. Gusto lang din niyang makatulong. Nakikita ko naman na kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho,” ang sagot nito.
“Natatakot ako, Juanito. Isa pa, naaawa ako sa anak ko. Nakokonsensya akong pagtrabahuhin siya habang nag-aaral. Sa hirap ng kurso niya, halos hindi na siya makatulog ng tama. Hindi maganda na abusin niya ang katawan niya, ang bata pa ni Sina.” Inalis ko ang damong siit na nakahalang sa daan ng pang-araro. “Kung nabubuhay lang sana ang kuya mo. Hindi namin daranasin ang ganito,” pagkalumbay kong saad. Nami-miss ko na ang kalinga ng asawa ko.
“Ditse, nandito naman kaming pamilya ni kuya Ador. Hindi naman natin pinapabayaan ang bawat isa. Pero hindi rin ako makatatanggi na sumang-ayon sa sinabi mo.”
Maalaga, mapagmahal, gayundin ay masipag ang yumao kong asawa. Ito ang mga katangian niya na bumihag sa puso ko, higit pa riyan, ang kakisigang taglay nito kaya maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya.
“Juanito, asawa ko. Mag-meryenda muna kayo!” Narinig namin ang hiyaw ni Lita. Nakatayo siya sa pitak sa lilim ng punong acacia at may bitbit na bayong. Tumigil kami sa ginagawa namin. Nakaramdam na rin kami ng gutom.
Salamat at dumating siya.
“Ang sweet-sweet talaga ng asawa ko oh.” Hinalikan ni Juanito sa labi ang sawa niya. Kahit may edad na sila, hindi pa rin naiwasang mamula ang pisngi ni Lita dahil sa ginawa ng asawa.
“Kaya nga ako ang pinili mo kumpara kay Maricar!” pambibiro pa ni Lita.
Ganiyang-ganiyan din kami ni Ador, paminsan ay naglalambingan na parang mga kabataan. Wala namang pinipiling edad ang pagpapakita ng PAGMAMAHAL. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. Mukhang tama ang si Juanito, kailangan kong bigyan ng pagkakataon si Sina kung ito ang magpapagaan sa mga dalahin niya.