Chapter 7

265 Words
Kasabay non ay may dumating na sakuna sa kanilang bayan. Dahil doon hinanap nila kung saan nakatira ang Albino, si Amelia. Di nagtagal ay natunton nila ang bahay nina Amelia. Pwersahan silang pumasok sa bahay nila Amelia. Lumaban ang magulang ni Amelia upang makatakas siya. Upang makaligtas si Amelia ay buhay ng kanyang magulang ang kapalit. Nanghihina siyang tinitignan ang bahay nilang unti-unti nasusunog kasama ang kanyang ama at ina. Dahil sa nangyari ay inampon si Amelia ng kanyang tiyahin na nakatira sa Norville. Dahil nasa modernong panahon na sila ay maaari nang itago ni Amelia ang tunay niyang katauhan. Binilhan si Amelia ng tiyahin niya ng contact lense, wig, mga damit na long sleeve at gloves. Dahil nakikitaan ng katalinuhan si Amelia ng kanyang tiyahin ay pinagaral niya ito sa Norvillle Academy. Nagkaroon ng mga kaibigan si Amelia sa Norville Academy pero hindi niya sinabi ang totoo niyang katauhan/anyo. Doon niya din nakilala si Regan. Sa tuwing kasama niya si Regan pakiramdam niya ay ligtas siya. Nagunit kahit sa binata ay itinago niya ang katotohanan. Ang hindi alam ni Amelia ay marami ang nakabantay sa kanyang kasapi Albions. May hinala kasi ang mga ito na isa siyang Albino. Hanggang sa nabunyag ang katotohanan at hinuhunting na ng mga Albions si Amelia. Tinulungan siya ng kanyang mga naging kaibigan upang makaligtas at maging si Regan ay tumulong. Hindi niya iyon inaasahan pero nagtulungan sila na wakasan ang masamang gawain ng mga Albions. Ibinunyag din nila ang natuklasan nila na ang may gawa ng mga sakuna ay ang mga Albions at hindi malas ang pagiging Albino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD