“Halika mahal, kain na. Naibigay mo ba kay Mrs. Del Mundo ang ipinapabigay ko?” tanong ni Susana kay Tom nang makita nilang mag-ina na nakabalik na siya.
“Oo, mabuti nga at hindi na madami ang tanong niya, maging ang ibang katrabaho natin,” sabi naman ni Tom saka niya inilabas at ibinigay kay Amelia ang binili niyang damit. “Ibinili ko nga pala ng bagong damit ang aming prinsesa.”
“Salamat ama, ngunit ayos lang po ba talaga sa inyo na lumiban muna sa inyong trabaho? Alam ko naman po kasi na mahal na mahal niyo ang pagtuturo sa mga estudyante," kahit hindi ipinahalata ni Amelia na nalulungkot siya dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit hindi muna papasok sa trabaho sa eskwelahan ang kanyang magulang ay nahalata pa rin iyon nina Susana at Tom kaya naman ginawa nila ang lahat upang maging masaya ang kanilang anak.
"Isang linggo lang naman kami hindi papasok anak, saka mas mahal ka kaya namin," nakangiti na wika ng kanyang ama pagkatapos ay saka niya ginulo ang buhok i Amelia bagay na kinahiligan na ng kanyang ama na gawin sa kanya.
"Tama ang iyong ama, Amelia. Ayaw mo ba no'n mas madami tayong bonding," nakangiti na wika rin naman ni Susana kaya naman napangiti na rin si Amelia.
"Syempre gusto ko po."
"Saka anak, may sasabihin rin kasi kami sa 'yo."