Chapter 6

210 Words
Tanging ang kanyang ina at ama lamang ang nagtuturo sa kanya sa kanilang tahanan. Piyesta sa bayan nina Amelia kaya naman pagsapit ng gabi ay nagkaroon ng fireworks display. Pangarap din ni Amelia na makapanuod non personal kaya naman hindi niya napigilan ang sarili niya sa pagtakas. Kaya naman sinuot ni Amelia ang balabal at ipinantakip niya sa kanyang mukha. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon may nakakita sa kanyang itsura. At mabilis iyong kumalat sa kanilang bayan. Kasabay non ay may dumating na sakuna sa kanilang bayan. Dahil doon hinanap nila kung saan nakatira ang Albino, si Amelia. Di nagtagal ay natunton nila ang bahay nina Amelia. Pwersahan silang pumasok sa bahay nila Amelia. Lumaban ang magulang ni Amelia upang makatakas siya. Upang makaligtas si Amelia ay buhay ng kanyang magulang ang kapalit. Nanghihina siyang tinitignan ang bahay nilang unti-unti nasusunog kasama ang kanyang ama at ina. Dahil sa nangyari ay inampon si Amelia ng kanyang tiyahin na nakatira sa Norville. Dahil nasa modernong panahon na sila ay maaari nang itago ni Amelia ang tunay niyang katauhan. Binilhan si Amelia ng tiyahin niya ng contact lense, wig, mga damit na long sleeve at gloves. Dahil nakikitaan ng katalinuhan si Amelia ng kanyang tiyahin ay pinagaral niya ito sa Norvillle Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD