Kabanata 3

1238 Words
Natigil ang halikan naming na puno ng pagmamahal ng biglang may sumigaw.   “Sana all ikakasal na!” Malakas na sigaw ng tinig na kilalang-kilala ko. Lumingon ako sa pianggalingan ng boses at nakita ko ang walang iba kundi ang kapatid kong si Nelya, may hawak na cellphone na parang kumukuha ng video habang nakangiting nagpupunas ng luha. Sa tabi nito ay ang anak at pamangkin kong si Nilo, na pumapalakpak.   Muling humalik si Corro sa noo ko bago punasan ang pisngi kong basa ng luha. Napangiti ako sa sweetness nito, walang kupas. “Hindi lang picture ang maipapakita natin kina Lola.” Nakangiting sabi nito.   Naguguluhang tumingin ako rito. “Kailan at paano mo nadala rito sina Nelya at Nilo?” Nagtatakang tanong ko.   Ngumiti ito sakin ng napakatamis kaya napangiti narin ako, nahawa. Kapagkuwan ay yumuko ito saka bumulong sa bandang tainga ko. “Secret.” Anito na binuntutan ng ngisi na siyang nagbigay ng kilig sa sistema ko.   Kinikilig na napanguso na lang ako saka napatingin sa paligid kung saan may mangilan-ngilan na nakatingin sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya. Ang katabi ko naman ay tuwang-tuwa sa aking pamumula na parang hindi nahihiya sa aming ginawa.   Sa hiya ko ay nakayukong hinawakan ko ito sa braso saka tumakbo at sigaw ng malakas na, “Sorry po!” Si Corro ay natatwang nagpatianod lang sa hila ko.   Nang tumapat kami sa kinaroroonan nina Nelya at Nilo ay tumigil ako sa paghila kay Corro. Magkasabay na yumakap naman sa akin ang pamangkin at kapatid ko.   “Masaya ako para sayong bruha ka.” Humihikbing sabi ni Nelya sa akin. “Sana all na lang talaga!” nakakabinging utas nito na pumadyak-padyak pa na parang walang anak.   “Tita! Tito! Magkakapinsan nap o ba ako?” Masaya at bakas ang excitement sa tono at expression ni Nilo ng sinabi iyon. Kumalas sa pagkakayakap si Nedya at malakas na tumawa.   Ang mukha ko naman ay nag-init sa kawalan ng isasagot. Tanging, “Ha?” na lang ang naisatinig ko.   Naramdaman ko rin ang pag-akbay sa akin ni Corro kaya napatingin ako rito. Pilyong akangisi at tumataas-baba ang mga kilay nito. “Oof!” Reaksiyon nito ng sikuhin ko ang matigas na tiyan. “Ang brutal mo, Babe.” Anito pero nakangisi parin.   Inikot ko na lamang ang mga mata ko saka muling bumaling kay Nilo. “Nilo, hindi pa.” Sagot ko sa tanong nito kanina. “After ng kasal pa yung pinsan mo.” Nagkakamot sa ulong paliwanag ko.   “Pwede rin after nine months.” Rinig kong bulong ni Corro kaya mataray na tiningnan ko ito. “Punta na muna tayo sa bahay.” Kapagkuwan ay alok nito saka kumindat sa kapatid at pinsan ko. Mahirap pala kapag malapit ang nobyo sa pamilya, ako yung napagkaka-isahan.   Umalis kami sa Luneta at pumunta sa bahay nila Corro rito sa Manila. Sa byahe ay hindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko. Walang sawang pinagmasdan ko iyon ng nakangiti na tila ako ay nasa panaginip parin.   Pagkarating namin ay sinalubong agad kami ng mga kasambahay nila para kunin ang kaunti lang namang bagahe namin.   Malaki ang bahay nila rito at maraming kasambahay, pero mas malaki ata ang bahay nila sa Bicol dahil doon sila namamalagi.   Isang matandang babae, na siguro ay mas bata lang sa lola ko, ang naghatid sa amin papunta sa dining area ng bahay. "Good morning po, Sir." Maluwag na bati ng kasambahay kay Cor bago tumingin sa akin ng may pagtataka at napapakurap-kurap pa.   Inalalayan akong makaupo ni Corro bago ito umupo sa aking tabi saka bumaling sa matandang kasambahay na hindi parin nawawala ang paningin sa akin. "Nay Cristy, si Neya po, magiging-asawa ko." Pakilala nito sa akin na nagbigay na naman ng kilig sa sistema ko. Ang sarap pala marinig ang mga salita na yun.   "Ito iyong ikinekwento mo, Iho?" Gulat na tanong ng matanda. "Yung tindera ng isda?" Paninigurado nito na ikinangiwi at ikinayuko ko.   Heto na naman ang pagiging mahirap ko, tapos mamaya iyong tinapusan ko na naman sa TESDA ang mapupuna. Kung bakit ba naman kasi ang hirap ng pamilya namin, at kung bakit ba naman kasi mahirap din ang pinakasalanan ni Lola.   Hinawakan ni Cor ang kamay ko ng mapansin ang nakayuko kong mukha. Ngumiti ito sakin bago bumaling sa matandang kasambahay. "Opo, siya nga. Ang ganda niya, diba po?" Sagot nito.   "Oo ang ganda nga." Nahimigan ko ang kaluwagan sa tono ng matanda kaya napatingin ako rito. Nakangiti na ito sa akin pero matiim na nakatitig parin na nakakapag-pailang sa akin. Awkward na nginitian ko na lang ito saka nagbaba ulit ng tingin.   "Bakit ho gulat na gulat ata kayo kanina, Nay Cristy?" Natatawang tanong ni Cor rito.   Huminga ng malalim ang matanda saka bumaling kay Cor. "May naalala lang ako." Nakangiti nitong sabi.   Tumikhim naman si Nelya kaya napatingin kami sakanya.   "Siya nga po pala, Nay. Eto po si Nelya at Nilo, kapatid at pamangkin po ni Neya." Pagpapakilala nito sa mga kasama namin. "Eto si Nay Cristy, kasambahay namin simula pa noon."   Tumango ang matanda sa amin. "Bata pa ako ng pumasok ako bilang Kasambahay dito kaya huwag kayong mahihiya sakin." Maikling pagbabahagi nito sa amin saka muling bumaling sa akin. "Lalo ka na, Iha. Magiging parte kana rin ng pamilya ng mga Antonio."   "Salamat po." Ngiti ko rito.   "Mag-agahan na kayo." Anyaya nito sa amin.   Maraming agahan sa hapag, puro pang-mayaman kaya enjoy na enjoy si Nilo.   "Tito, ang sarap po pala nitong bacon." Komento pa nito habang kumakain.   "Oo, kaya kumain ka ng marami." nakangiting ani ni Corro rito. "Nelya, wag kayong mahihiya." baling rin nito sa kapatid ko.   Uminom muna ang kapatid ko bago ibuka ang bibig. "Syempre naman noh! Minsan lang ako makalamon ng mga ganito."Napayuko at napahinga na lang ako ng malalim sa kawalang-hiyaan ng kapatid ko.   "Babe." Mahina namang tawag sa akin ni Cor."Tahimik ka ata." Pansin nito.   Napatingin ako kay Nelya. "Ako ang nahihiya para kay Nelya ih." Mahinang hinaing ko sa kakapalan ng kapatid ko.   Ikinangiti naman ng mapapagasawa ko ang sinabi ko. "Babe, naman. Wala namang problema dun, tsaka sanay na ako sa kakambal mo. Isa pa ikakasal na tayo kaya huwag kang mahihiya sa akin, sa amin." Amp! Napangiti ako, kinikilig sa mga salita ni Corro.   Lumapit ito sa akin saka bumulong. "Kinikilig ka na naman." Ngisi-ngising sabi nito saka umupo ulit ng maayos ng may ngiti sa labi.   Walang anu-ano ay may tumunog na cellphone kaya kanya-kanya kaming tingin sa mga cellphone namin, maliban kay Nilo.   Wala naman akong natanggap na kahit anong mensahe o tawag kaya isinilid ko na yung akin sa bulsa ng pantalon ko.   "Lintek na!" Biglang mura ni Nelya sa nagugulat na tono, napatayo pa ito sa gulat. "Ano-" naputol ang sasabihin nito ng tumunog ulit ang cellphone at parang natatarantang pinagpipindot naman iyon ng kakambal ko. "Ano-sagutin ko lang to." Saad nito saka lakad-takbong lumabas ng dining area.   Nagkibit-balikat naman ang mga nasa hapag saka nagpatuloy sa pagkain, Ako naman ay nawalan ng ganang kumain dahil sa kabang lumukob sa aking dibdib.   Napalingon namam ako kay Corro na pinagmamasdan ako ng matiim. "You don't look fine, Babe." Pansin nito sa akin.   Huminga ako ng malalim saka binitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko. "Bigla akong kinabahan." Pagsasawika ko sa nararamdaman.   Kinuha naman nito ang mga kamay kong hindi mapakali sa ilalim ng mesa saka hinagkan at hinawakan ng mahigpit. "Walang mangyayaring masama, Neya. Wala." Pagpapakalma nito sa akin sa seryosong tinig.   Kagat labing pumasok ang kakambal kong si Nelya sa dining area at deretso ang paningin sa aming dalawa ni Corro.   Mas nakaramdam ako ng kaba sa iniaakto nito.   "Neya, Cor, kailangan na naming umuwi ngayon ni Nilo. Kung ayos lang sana sainyo?" Tanong nito sa amin. May pagmamadali at pakikiusap sa tinig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD