Kabanata 1

2470 Words
Mataas ang sikat ng araw kaya't namumuo rin ang pawis ni Neya, natural na maingay sa palengke dahil maraming mamimili. "Magkano ang kilo ng Tilapia?" mataray at mataas ang boses na tanong ng isang medyo may edad ng babae. "Hoy. Neya! May barya ka ba diyan ng One thousand?" Malakas at nagmamadaling tanong naman ni Aling Linda sa katabi kong pwesto. Sinulyapan ko ang halatang naiinip, nalalansahan at naiinitang babae sa tapat ko. "200 ho isang kilo-" "Neya! may barya kaba kako neto?" Singit ni Aling Linda. "Meron ho!" Malakas ring sagot ko dito saka nagmamadaling nagbilang ng barya ng isang libo ni Aling Linda. "itong Salmon magkano?" ang mambibili na panay ang suri sa mga tinda kong isda. "250 na lang ho isang kilo" baling ko rito. "Aling Linda, Heto na ho yung barya." tawag at baling ko naman sa katabi kong puwesto saka iniabot ang baryang hinihingi nito. "Tama ba ang bilang mo rito? baka kulang to." Dudang sabi pa ni Aling Linda bago iniabot sa akin ang one thousand bill. "Tag-dalawang kilo nitong Tilapia at Salmon" mataray paring sabi nito na parang asiwa sa akin. "Iyang malalaking Sugpo magkano?" sugpo naman ang sinuri nito. "150 ho bawat piraso yan kanina, pero 120 na lang ho dahil lilima na rin lang." ngumiti pa ako rito para mawala ang katarayan nito sa mukha. "Mukhang puro seafood ho ang menu sa bahay ninyo ah" pakikipag-usap ko pa habang nagkikilo ng Tilapia at Salmon. Umirap ang mga mata nito saka direktang tumingin sa akin. "Sa amo ko yan, naglilihi." May iritasyon sa boses nito ng sinabi iyon. "Ubusin ko na yang Sugpo." Napangiti akong lalo sa narinig saka nilagay sa supot ang mga sugpo. "Baka gusto niyo pa ho dagdagan ng Alimangong dagat, baka matuwa ang amo niyo diyan at malalaki ang tinda kong Alimango." Pang se-sales talk ko rito na mukha namang gumana dahil sinuri nito ang mga tinda kong alimango. Alas nuebe pa lang ng tanghali at paubos na ang tinda ko. Sana ay mabili na lahat para maaga akong makauwi. "Neng, magkano itong Pusit mo? Aba eh ang lalaki nitong mga to ah." isang nasa early-30's na magandang lalaki ang tumingin sa mga Pusit. Tonong Batangueño ito at malaki ang boses kaya naman napatingin rito ang namimiling mataray na babae. "500 na lang ho per kilo yan. Ubusin niyo na ho yan manong ng makauwi na ako." Pag daldal ko. "Tatlong kilo nitong Alimango." Sabi ng mamimili na ngayon ay nagpupunas na ng kanyang pawis. "Magkano lahat?" Kinuha ko ang calculator saka nag-compute. Mahirap maging mahina sa Math kapag tindera. "2,050 ho." sagot ko saka nag kilo ng alimango saka iyon isinupot. "Ineng, Dalawang kilo nitong Pusit, kung kaya pa." iyong lalaki naman na nakikita sa mata ang pagkatakam sa mga Pusit. Agad akong gumalaw para muling magkilo at magsupot. "Wala bang tawad?" hirit na tanong ng babae. Alanganing napangiti at napakamot ako sa ulo. Kapag tinawaran ko ang presyo nito ay baka humirit rin ang lalaking mamimili, bababa ang kita ko. "Wala po eh, mahal rin kasi ang bentahan sa mga mangingisda." Palusot ko na lang. Napangiwi na lang ito saka nagbilang ng pera. "Manong, isang libo ho." baling ko sa matanda. Madaling dumukot ito ng pera sakanyang bulsa saka iniabot sa akin ang bill ng one thousand. "Salamat, Neng!" Nakangiti pa nitong sabi saka naglakad palayo sa pwesto ko. "Salamat rin ho! Balik kayo!" Sigaw ko pabalik at tumango na lang ito. Iniabot naman ng babae ang kanyang bayad kaya binigay ko na rin ang pinamili nito. Nagbilang ako ng sukli saka iniabot sa babae. "Eto ho yung sukli. Balik ho kayo." Maluwag na sabi ko rito at mataray na umalis lang ito matapos makuha ang kanyang sukli. "Mukhang naubusan ako ng tinda." Napabaling ako sa baritonong boses ng lalaking nagsalita at nakita ko ang nakangiti at gwapong mukha ni Corro, boyfriend ko. Napaka-simple nitong manamit, T-shirt at pantalon lang ay okay na rito, pero mahahalata paring may sinasabi sa buhay dahil sa tindig at kilos nito. Napangiti ako. Napalingon naman kami sa katabing pwesto ng may magsalita. "Sus! Hindi naman tinda yung sadya mo rito, hijo." Malakas na tudyo sa amin ni Aling Linda. Natawa naman kami sa utas nito. "Syempre naman po. Ang ganda po kasi ng nagtitinda." Magalang na sagot ni Cor na umani ng tuksuhan galing sa mga kapwa ko tindera. "Nambola pa." Pagtukoy ko rito. "Hep! Hep!" Saway ko ng astang yayakap ito sakin. "Malansa pa ko, Cor." tukoy ko sa amoy ko. Aminadong mabaho pako dahil pinaghalong pawis at lansa ba naman, sinong hindi mag-aamoy mabaho. Napalabi naman si Cor, nagpapa-cute. "Kahit amoy bagoong kapa, babe." Ani nito saka yumakap at humalik sa noo ko na alam kong mamantika na. "Namiss kita, babe." paglalambing pa nito. Parang hinaplos naman ang puso ko sa iniasta ng boyfriend ko. "Namiss rin naman kita pero mamaya na tayo mag PDA at maraming nakaka-witness." Nahihiya kong sabi dahil ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Matamis na ngumiti si Corro saka humiwalay sa pagkakayakap sa akin. "Magliligpit kana ba? Tutulong na ko." Presinta nito. "Babe, baka madumihan ka," Paalala ko rito dahil sayang naman ang branded na damit nito kung marurumihan lang. "Parang hindi ka pa nasanay sakin." Ngiti ni Cor sa akin bago nagsimulang magligpit sa pwesto. Corro Antonio ang buong pangalan ng boyfriend ko. Mabait, mapagkumbaba at perpektong lalaki para sakin. Siya ay anak ng may-ari ng hacienda ng mga Antonio. Maglilimang taon na kaming magkarelasyon ni Cor, at masasbi kong siya na talaga ang lalaking handa kong pakasalan. Tanggap ng mga pamilya naming pareho ang relasyon namin kaya wala kaming nagiging problema roon. Mas nagkakaproblema pa kami sa mga tsismis kaysa sa mga pamilya namin. Nasa 21st century na pero yung mga tao ay parang ewan, kesyo pera lang daw ang habol ko kay Cor. Aba! Siraulo pala sila eh! Kung yun yung habol ko edi sana humingi nako ng milyones sa boyfriend ko nung mag-isang taon kami, tsk tsk... napaka-judgemental! Masasabi ko rin namang maiisip naman talaga nila iyon. Sino ba ako? Isa lang naman akong tindera ng isda rito sa palengke na galing sa pobreng pamilya ng mga Magtangis at Padua na pareho ring pobre noon pa, tesda lang ang natapos sa pag-aaral at walang maipagmamalaki, habang ang boyfriend ko mayaman na tapos pa ng Agricultural Engineering. Aba naman! Magmumukha talaga akong gold digger sa tao. Kung bakit ba naman kasi ang popobre ng angkan ko. Dapat nag-asawa na lang si lola ng mayaman noon, edi sana may natapos rin akong kurso sa kolehiyo. "Babe, tara?" pumukaw sa pag-iisip ko ang boses ni Corro. "Tapos kana diyan?" "Ayy oo na. Tara na!" Aya ko rito saka kami magkahawak kamay na umalis sa palengke. "Saamin kana mananghalian, babe. Namimiss kana nila inay eh." Alok ko rito. "Hindi ako tatanggi dyan, babe. Miss ko na rin sila pati yung luto ni Mama." Pagsang-ayon nito. Mama at Papa ang tawag niya kina itay at super close sila ng pamilya ko. Hindi dahil mayaman si Cor, kundi dahil gusto talaga siya ng pamilya ko, tuwang-tuwa nga si lola kapag nakikita si Corro sa bahay. May naalala daw kasi siya sa amin. Sus! Baka naalala niya yung harutan moments nila ni lolo noon! Tulad ng napag-usapan, sa bahay nga kumain ng tanghalian si Cor. Tuwang-tuwa na naman ang mga kapamilya ko sakanya. Tapos na kaming magsikain pero nasa hapag parin kami at panay ang biruan. "Aba Corro, buti hindi ka nababahuan sa anak ko." Biro ni itay na binuntutan pa ng malakas nitong tawa, maging ang iba pa ay nakitawa rin. "Alam mo, tay. Pag ako naging amoy Victoria’s Secret, who you ka sakin." Depensa ko naman. "Baka lalo akong hindi makahiwalay niyan sayo, babe." Pang-haharot naman ni Cor. "Ayieeeeeee! Si tita nagba-blush." panunukso naman ng pamangkin kong si Nilo—anak ng kakambal kong si Nelya. "Oo nga naman, Neya. Baka magka-anak kayo nitong boyfriend mo ng wala sa oras." Biglang sabi ni Nelya—ang kakambal ko. Napapalunok naman na napa-ayos ng upo si Corro sa birong iyon ni Nelya. Pinandilatan ko ang aking kakambal ng manahimik, hindi maganda ang lumalabas sa bibig ng kapatid ko. Malakas na tumawa si Inay. "Kayong dalawa kayo, oo. Nasa tamang edad na naman kayo para riyan." Gatong naman ni Inay. "Mas mabuti po kung mauna iyong kasal, Ma." Sagot ni Corro na siyang nakapag-paubo sa akin. "Ayos ka lang, babe?" Concern na tanong nito. Naghagikhikan naman ang mga kapamilya ko. Tumango-tango ako habang umiinom ng tubig. "Mmm. Ayos lang." Masama ang tingin ko sa kay Nelya dahil kung tumawa ito ay parang siya ang inalok ng kasal. "Tita, pulang-pula iyang mukha mo oh!" Panunudyo ng pamangkin ko. "Ayieeeeeee!" Sabay-sabay na hagikhikan ang natamo ko galing sa mga ito. Maging si Corro ay natatawa ngunit namumula rin dahil sa pamilya ko. Itinataas-baba pa nito ang makakapal at maiitim na kilay, na parang nagpapahiwatig ng pagkagusto sa panunudyong natatamo namin. Mainit ang mukhang umirap ako sa mga ito. "Letse-" "Aba, Hoy! Neya! Aayaw ka pa? Eh ikaw na nga itong inaalok ng kasal, sus! Kung ako yan kanina pa ako naghanap ng magiging flower girl." Walang prenong ratsada ni Nelya. "Ang kaso ay hindi ikaw. Ikaw kaya mag-alok ng kasal sa tatay niyang si Nilo." Pagbabalik ko kay Nelya. Susmaryosep naman kasi ito! Masyadong marupok! Ayan at nabuntis ng isang dayuhan at iniwan. "Tama yan, wag kanang tumulad rito kay Nelya." Segunda ng tiyahin kong naghuhugas ng pinggan sa kusina. Si Tita Vicky—kakambal ni Inay. Maliit lang kasi ang bahay namin kaya nasa iisang sulok lang ang hapag at kusina. Tatlo lamang ang kwarto kaya sa sala kami natutulog ng kakambal at pamangkin ko. Sina Inay at Itay naman doon sa maliit na kwarto habang ang pamilya ni Tita Vicky ang sa kabila, Iyong pinaka-maliit na kwarto ay si Lola ang gumagamit, mahina at nakahiga na lang kasi ito. Gawa lang sa light materials ang bahay namin. Pinagtagpi-tagping sawali at nipa lang, kapag may bagyo ay delikado at kapag maulan ay maraming tumutulo pero natitirahan pa naman. Tumingin sa akin si Corro ng may pagpapahiwatig, kailangan pala naming pumunta kay Lola. Tumango ako rito saka naunang tumayo. "Nay, punta muna kami kay Lola." Pagpaalam ko. "Mabuti pa nga at magluluto pa ako ng ititinda mamayang merienda." Pagtayo rin ni Inay galing sa hapag. "Doon na po muna kami." Paalam rin ni Cor sa mga ito. "Nako! Tito Cor, miss na kayo niyang si Lola." Sambit ng makulit kong pamangkin. Nginitian na lang namin ang mga ito saka dumeretso sa silid ni Lola. "La, mano ho." Magalang na sabi ko sa nakahigang si Lola Sacorro saka nagmano. Napangiwi pa ako ng tumama sa aking noo ang matigas na nakalagay sa ring finger ni Lola, iyong gold ring niyang may makinang na tampok. Napangiti agad ito ng makita kaming dalawa. "Magandang tanghali po." Pagmano rin ni Corro. "Magandang tanghali rin, mga apo." Mahinang bati nito sa amin. Pinaupo ko muna si Corro sa bangkong nakalagay sa tabi ng kama bago ako naupo sa gilid ng kama ni Lola. "Kamusta po kayo, La?" Maluwag na tanong ng boyfriend ko rito. "Maayos naman ako, mga apo. Mabuti naman at naisipan mong puntahan ako rito." Nakangiti si Lola habang sinasabi iyon. "Syempre naman po, paboritong Lola ko kaya kayo." Nakangiting sambit rin ni Cor rito. Mas lumawak naman ang ngiti ni Lola na nakatingin sa amin. "Kuhang-kuha mo talaga ang boses at mukha niya." Sambit nito na parang nagbabalik-tanaw pa sa kabataan niya. "Ayieeeee...sinong siya, La? Si Lolo ba? Ayieee." panunukso kong hirit kaya mahina itong natawa. "Ikaw talagang bata ka." Natatawang saad nito. "Kamusta naman ang pagtinda mo ngayong araw?" Mayabang na nginitian ko si Lola. "Mana ako sainyo sa pagtitinda, La. Ayun! Ubos lahat!" "Hindi lang kaya ang kagalingan ni Lola sa pagtitinda ang namana mo. Mag kasing ganda rin kayo oh" Pambobola naman ng gwapo kong boyfriend. "Nasa dugo ata namin ang pagiging maganda, di ba, La?" Baling ko ulit kay Lola na mahinang natatawa rin. "Dapat palagi kayong nakangiti, nasa lahi niyo rin ang pagiging mas maganda pag nakangiti." Pambobola pa uli ni Corro. "Nasa lahi niyo rin siguro ang pagiging bolero, ano, apo?" Sagot ni Lola na nakapag-pakamot ng ulo kay Cor. Napuno ang kwarto ng mga tawa namin dahil sa biruan. "Corro, apo." biglang tawag naman ni Lola, seryoso ang tinig nito pero may ngiti parin sa mga mata at labi. "Alagaan mo itong apo ko. Sigurado naman akong kayo ang magkakatuluyan nito." Tila nagbibilin ng sabi nito kaya nakaramdam ako ng kaba. "La, naman. Wag muna kayong magbilin." Agarang saway ko rito. "Mabuti ng makapag-bilin. Alam niyo namang matanda na ako at naghihintay na lang ng sundo sa langit." Malumanay at nagpapaintindi ang tono ni Lola ng sabihin iyon. "Basta, wag muna, La. Wala pa tayong pambayad ng nitso." Pilit na biro ko pero alam ko ring katotohanan iyon. Mahirap lang kami at baon sa utang, siguradong magdo-doble kayod kaming lahat. Ayaw ko ring mawala si Lola, gusto kong maabutan niya pa ang apo niya sa talampakan. "Apo, sana ay maintindihan mong matanda narin ako at kontento na ako sa buhay ko." Nagpapaintinding sagot naman nito na parang nagpapaalam na ngang talaga. "Lola, naman ih. Ayaw mo ba munang mamuhay ng marangya? Kasi ako, gusto ko pang maranasan niyo iyon, kaya nga taya ako taya sa lotto di ba." Pangngontra ko sa mga salita ni Lola, Ayoko pa, hindi pa ako handa. "La, may alam po ba kayong magandang pasyalan?" Pagbubukas ng ibang usapan ni Corro. Nagpapasalamat na nginitian ko ito, kinakabahan ako sa mga salita ni Lola. "Sa Bagymbayan, Apo. Maganda mamasyal doon." Sagot ni Lola na tinutukoy ang ngayon ay Luneta Park na. "Mamasyal po kami ni Neya, Sama kayo, La?" Biro rito ni Cor. Natawa naman si Lola saka bahagyang umiling. "Gustuhin ko man, hindi na kaya ng mga tuhod ko." "May wheel chair po sa bahay na pwede niyong magamit." Pag aalok ng rito ni Cor. Huminga ng malalim si Lola saka nangingiti na namang tumingin sa aming dalawa. "Mas maigi kung kayo na lang dalawa dahil kayo naman ang mag-nobyo," anito. "Magpi-picture na lang po kami para makita niyo ang Luneta." Saad naman ni Cor ng nakangiti. "Luneta? Iyong Bagumbayan ba iyon?" Nalimutan na ata ni Lola ang detalyeng iyon. "Opo, Luneta na ho ang Bagumbayan ngayon, La." Sagot ko. Tumango-tango ito. "Ang raming taon na talaga ang lumipas." Saad nito na parang may panghihinayang sa boses. Nginitian na lang namin ito bago magpaalam. "La, Balik po ako sa susunod." Paalam ng boyfriend ko rito. "Ako rin, La. Balikan kita mamaya, tutulong muna ako kay inay magluto at magtinda." Paalam ko rin. Marahan itong tumango at ngumiti. "Mag-iingat kayo, mga apo." Nagmano kaming muli bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD